Unlucky In Love

225 6 4
                                    

"gusto mong malaman kung sinong gusto ko?

ikaw yun."

~Chapter One~

Iyan. Iyan ang mga katagang binitawan ko sa kauna-unahang crush ko sa college. At take note, sa text ko pa nasabi sa kanya yun. Ni hindi nga ako nakapag-isip ng mas magandang sasabihin eh. Talagang straight to the point na ako.

Ewan ko ba.Palagi na lang ganito ang nangyayari sa akin. Ako lang yata ang nag-iisang babae na unang umaamin pagdating sa true feelings niya for a boy. Pasensya, hindi ko rin kasi mapigilan paminsan-minsan eh. Kaso palaging sa bandang huli rin,  ang sagot lahat nila:

"Sorry Mesh ah? Hanggang friend lang kasi ang tingin ko sayo eh."

Sigh.

Bakit ba ganito ang love? Masyadong unfair pagdating sa akin. Nakakainis na. Hmp!

Pero sana kay Cole Stephens hindi ganun ang mangyari. Mali na ang mag-assume ng bongga pero nafefeel ko na eto na talaga yun!! This is really is it!! Hahahahahaha!!

Cole Stephens. 18 years old. ECE ang course niya at same kami ng pinapasukan na College. 5"9' ang height, black ang buhok, maputi, may pagka-singkit ang peg, pero Americano naman ang ama. Classmate ko din siya sa iba ko pang subjects. At ang maganda pa nito, seatmate ko pa siya sa math. Sigh. What a beautiful and wonderful life. Pero hanggang school lang iyun. Pagdating sa labas, para lang akong hangin na dumadaan sa kanya. Pero okay lang yun. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya kahit na suplado at masungit siya palagi sa akin. Kung wala siya nung gabing yun, malamang wala na ako sa mundo.

Ako nga pala si  Mesh Andrea Torres. 18 years of age, pangalawa sa apat na magkakapatid at ang masaklap, nag-iisang babae lang naman po ako.

Want to describe myself? Well, I'm pleasingly plump, (wew, thanks to my English professor at nalaman ko iyang words na iyan!!! mas magandang pakinggan kaysa sa Chubby ^^ ) katamtaman ang height, lagpas balikat ang buhok at malabo ang mata ko kaya I'm wearing contact cleanses.

Sigh.

Oh diba? Lahat-lahat na ng kamalasan natanggap ko na. Sa physical apppearance at sa family. Meron akong isang pasaway at masungit na kuya at dalawa pang nakababatang kapatid na lalaki na ubod naman ng kulit. Sina mama at papa naman, ayun, palaging busy sa mga trabaho nila. As usual, wala sa bahay at late umuuwi. Kaya medyo swerte naman sa point na yun ang mga kapatid ko kasi hindi nakikita nina papa ang mga bagsakin nilang grades. Sigh ulit. Samantalang ako, gora lang ng gora sa pag-aaral ng mabuti pero hindi naman naaappreciate. My gawd!!!

But on the brighter side, as I've said kanina, nag-aaral naman ako. Hindi ko naman pinapabayaan yun katulad ng ibang teenagers na umaasa na lang sa yaman ng magulang nila. Matino pa rin naman ako kahit papano.

I'm currently studying sa isang College sa Cainta.Taking up Computer Engineering. Nung una, ayoko nung course na yun. Pero nung natapos ko na ang First Year ko, nag-enjoy na ako kahit medyo nahihirapan sa math. Andyan naman kasi si Nash. New friend ko siya. Medyo nakakatuwa  lang kasi recently ko lang nalaman na connected pala siya sa crush ko.

Si Nash Anthony dela Cruz. 19 years old and parehas kami ng course. Kamalasan din ang reason kung bakit ko siya nakilala. Mas matangkad siya kay Cole, brown ang buhok, pero tingin ko nagpakulay lang siya. Hehehehe. Nung una nga, sinusungitan niya ako. Kasi nga, medyo mahina nga ako sa math. Pero one day, bigla na lang bumait at tinuruan na aketch!! HAHA... Siya na siguro ang kauna-unahang swerte na nangyari sa buhay ko. And he knows it. Eh sa everyday ko ba naman sa kanyang sabihin yun eh. Nabibingi na nga yata siya sa tuwing sinasabi ko yun sa kanya. Hihihi.

Paano siya naging connected kay Cole? Simple lang naman. Mag-step brothers silang dalawa. Hindi nga lang halata. Si Nash kasi, Philippines ang peg. Tapos matalino pa. Samantalang si Cole naman, America. Kaso, may pagkatamad pagdating sa pag-aaral. Maputi rin naman si Nash pero para sa akin, mas shining shimmering splendid parin si Cole ko noh?!! >____<

Unlucky In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon