Unlucky In Love - Chapter Two

81 3 2
                                        

~Chapter Two~

[Mesh's POV]

*kriiiiiing!!*

Wew! Buti na lang nakaabot pa ako. Muntikan na akong ma-late dun ah.?! Last subject ko pa naman ito! At ang pinaka favorite ko pa! Hehehe. Pagkapasok na pagkapasok ko, si Faith agad ang bumungad sa harapan ko.

"Huy!"

"Oh, bakit?"

"Late ka nanaman nagising girl noh? Tignan mo naman yang buhok mo," sabay ayos sa buhok ko, "ang gulo."

"Ha.?!" Hinanap ko agad si Cole sabay ayos din ng buhok ko. At BOOM!!! Nakatingin pala siya sa akin. Iniwas niya naman agad tapos  umiling siya.

Enebeyen!! Mas na-turn off pa yata siya sa akin. Nyay.

"Tara na, andiyan na si prof." sabi ni Faith habang hinihila ako papalapit kay Cole. ESTE papalapit sa upuan ko.

Si Faith Gomez, 19 years old, same course, ay naging blockmate ko last year. Center of attraction yang si Faith. Maganda eh, pero minsan kulelat sa studies. Pero yaan na, tiba-tiba naman siya sa kodigo. HAHAHA.

Ay. Andito na pala si prof. Grabe, nakatabi ko nanaman si Cole! Kaso wa poise naman aketch kanina at siguradong wa pansin nanaman ito sa akin. Pero teka, bakit wala pa si Nash? Sabi niya may exam sa Math, parang wala naman.

"Okay. Good morning class. I told you yesterday na may long quiz tayo sa previous lesson natin, so be ready. I'll be back. Kukunin ko lang yung exams niyo."

Eh? Meron pala, makakapag-scan pa ako ng notes ko habang wala si prof. Pero, asan na ba si best?

"Oy Mesh." Kinausap ako ni Cole. Kalma lang. Inhale... Exhale...

"Err... B-bakit?"

"Si Nash nakita mo? Kinausap ka na ba niya?"

"Eh? Para naman saan? Tsaka hindi ko pa siya nakikita." Kausapin? Ako?

"Just forget it."

Huh? Anu daw?

"By the way, pwede mo ba akong samahan mamaya sa mall after ng klase natin?."

"Uhm...okay." Then bigla siyang tumayo at lumabas ng room.

Gosh!! I totally forgot about the text message na dapat naming pagusapan ngayon! Kakausapin niya din ba ako tungkol dun mamaya? Hindi na tuloy ako makagalaw sa upuan ko. Naku, kailangan ko na talaga si Nash ngayon, as in now na!!

[Cole's POV]

Wew... Sana gumana yung balak ko mamaya. Lintik naman si Nash oh! Nasan na ba yun?! Hindi man lang sinabi na may exam sa math. Matawagan na nga lang.

"Oy Nash."

"Wala na ba talagang galang na natitira diyan sa katawan mo?"

"Just shut the hell up and answer my question."

" ... "

"Okay, where the f**k are you?!"

"Here."

"Here?"

"Yep." I looked around and nakita ko na nasa staircase lang pala si Nash. I turned off my phone.

"Himala. Late ka yata ngayon."

"Hindi ako late." Tapos pinakita niya yung hawak nya.

"Is that what I think it is?"

"Oo. Kaya umalis ka na sa harapan ko at may iaannounce pa ako sa klase ko."

"Parehas tayo ng klase ngayon."

Unlucky In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon