~Chapter Eleven~
[Mesh’s P.O.V.]
“So?” Nakaupo na kami sa may silong ng rooftop. Mukhang ayaw pang umalis ni Mark dito eh. Pero parang pati ako rin naman.
“Anong ‘So’?” tanong ni Mark.
“Mmm. Yung sa girlfriend m--”
“Correction, ex-girlfriend.” Pag-interrupt niya. Grabe ah? Parang nagkamali lang!
“O-okay, EX. Puwede mo bang i-kwento sa akin yung nangyari sa inyo?”
Bigla nanaman siyang natahimik nung natanong ko sa kanya yung ex niya. Tingin ko, sobra ang ginawa ng babaeng yun kaya ganito na lang maka-react si Mark. Pero dapat maging fair naman siya! Nag-kwento ako eh, dapat siya rin.
Humarap siya bigla sa akin at seryoso akong tinitigan. “Eh, yung sa’yo? After ka niyang iligats, naging kayo ba? Or naging mag-‘BFF’ kayo?” Aba! In-emphasize pa talaga ang BFF?
“Teka! Ang daya mo naman eh! Dapat yung tanong ko muna yung sagutin mo!”
“Ugh! Fine. May pagkakulit ka rin pala eh.” Then he smirked.
Napa-ngiti na lang ako. Ang gwapo kasi eh! Those brown eyes, pink and kissable lips, fair skin, light brown hair, etc. Grabe lang! ‘Pag nakalabas nito sa ospital, maraming babae ang maghahabol dito. Siyempre, maiiwan na ako sa ere nun. Kaya lulubos-lubusin ko na lang habang nandito pa kaming dalawa. Well, as friends lang naman. “Alam mo, kung magiging magkaibigan tayo, masanay ka na. Dali na, kwento na.” Sabi ko sa kanya.
“Okay, okay. Tutal past na rin naman. Well, her name is Sam. Nagkakilala kami sa dati kong campus. Parehas kaming kilala sa campus kahit hindi pa nagiging kami. Anak nga kasi ako ng isang kilalang businessman at siya naman, anak--”
“Anak nino? Diba sabi mo commoner siya? Eh bakit kilala rin siya?”
“Anak kasi siya ng janitor. Hindi pa kasi ako tapos.”
“Ooh. Sorry naman daw. Go on.” Parang telenobela pala lovestory netong si Mark eh.
“Psh. Mmm, maraming nagtataka nun kung bakit siya nakapasok sa exclusive school na yun. Kasi nga, puro mga anak ng businessman at anak ng mga politician ang nag-aaral dun. Sabi pa nung iba, kabit daw siya ng isang politician. But that’s bull! I know her! Ako lang ang nakakakilala sa kanya. Kaya kahit na pati ako ay nabubully na rin, wala akong pakeelam. Kasi sa kanya ko narealize na hindi mahalaga ang pera kung hindi ko naman makakasama yung taong nagpapasaya at nagpapatibok ng puso ko.”
“Tinantanan din naman nila kami. Nagsawa na rin siguro. Hindi ako humingi ng tulong kay dad para lang mapatahimik sila. Dati kasi, katulad ako ng mga classmates ko dati. Happy-go-lucky lang. Walang pakeelam sa mga katulad ni Sam na mahihirap. Pero nung makilala ko nga siya, nagbago na ako. Kumbaga, siya na yung naging sentro ng buhay ko.”
“Hanggang sa bawat araw na magkasama kami, mas lalo pa kaming napapalapit sa isa’t-isa. And then, yun nga, isang araw naging kami na. Alam kong hindi dahil sa yaman ko kaya niya ako kinakaibigan. Kaso yun yung pinaniniwala ni dad sa akin. Ayaw ng family ko sa kanya. At yun ang naging dahilan ng break-up namin. Marami siyang masasakit na salitang binitawan sa akin. Na totoo daw na kabit siya ng isang politician at ginamit niya lang daw ako para umangat siya sa buhay.”
“At pinaniwalaan mo naman siya dun Mark?” agad kong tanong sa kanya.
“Hindi siyempre. Pero alam kong nahihirapan na rin siya sa sitwasyon namin kaya pinaniwala ko siyang naniwala ako sa mga pinagsasasabi niya. And that’s the end of it. Umalis siya at hindi ko na ulit nakita. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung nasan siya. Hindi niya rin siguro alam na naaksidente ako.” He sighed.

BINABASA MO ANG
Unlucky In Love
Teen Fiction"Bakit ba ganito ang love? Masyadong unfair pagdating sa akin. Nakakainis na. Hmp!" - Mesh Andrea Torres, 18 years of age, pangalawa sa apat na magkakapatid at ang masaklap, nag-iisang babae lang naman siya. Paano kung aminin niya sa kauna-unahang c...