~Chapter Four~
[Mesh's POV]
"B-babes?" What's going on?! Alam ko wala pa siyang girlfriend.
"Oo. Babes. As in mag-bf/gf, lovers, couple, etc. Bakit? Is there any problem with that?" sagot naman sa akin nung magandang babae. Grabe. Habang tinititigan ko si Cole, hindi na pagkagusto ang nararamdaman ko. Pagkamuhi na.
"Cole, t-totoo ba?!" Please say no. Please. Sabihin mong isa lang siya sa mga loka-loka mong stalker.
"It's true. Girlfriend ko siya. Kahapon lang."
"Kahapon?! Teka, shemay naman Cole!! Ito ba ang dahilan kaya mo ako pinapasama sayo?!"
"Hey! Huwag mo ngang taasan ng boses ang boyfriend ko! Crazy girl!"
"C-crazy?! Eh mas mukha ka pang baliw sa akin eh. Cole naman, okay lang kahit sa aso ka pa pumatol wag lang dito sa lukaret na babaeng to!"
"Tssss. Mas okay pang sa kanya ako pumatol, kaysa sayo. Magising ka nga sa realidad Mesh. Ang mga katulad ni Cynth ang gusto ko. Hindi katulad mo."
"P-pero yung sa..."
"Hanggang ngayon pa ba tinatali mo pa rin yang sarili mo dun sa nangyari nung gabing yun?! Niligtas lang kita nun. That's the end of it. Wala naman akong ibang intensyon pa nun."
Oh God. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko. Tama. Sana nakinig ako kay Nash. Sana hindi na ako nag-ilusyon na may tinatago siyang nararamdaman para sa akin. Ang sakit. Grabeng sugat ang nilagay ni Cole sa puso ko.
Tumingin ako sa paligid. Shet. Lahat ng tao nakatingin sa amin. Baka iniisip nila na nagmamaka-awa ako kay Cole.
"Mabuti pang umalis na ako. Mag-enjoy kayong dalawa sa ginawa niyong munting palabas." Nakatayo na ako ng may lalaking nag-alok sa akin ng juice niya.
"Miss, gawin mo na ang dapat gawin mo dito." sabi niya. At mukhang alam ko na kung ano.
Nagpasalamat ako dun sa lalaki at kinuha na yung baso. Tapos,
SPLAASSHH!!!
"F*ck?! What the hell was that for?!" sigaw ni Cole. Siya lang ang binuhusan ko nung juice. Tutal, siya rin lang naman ang dumurog ng puso ko.
"Para saan yun?! For making me stupid in front of all this people. Oh, and this..."
PAK!!
"... for ruining my heart. From now on, kamumuhian na kita. I.Hate.You."
Hindi ko na kaya. Kailangan umalis na ako dito bago pa nila ako makitang umiiyak.
[Cole's POV]
"Shet!" Nagawa niya pa akong buhusan ng juice! Pero I think I deserve that.
"Okay ka lang ba? Grabe naman pala yung babae na yun eh. But in a good way." sabi sa akin ni Cynth after kong magpalit sa CR. Tsss. Kumampi pa tong si Cynth dun kay Mesh.
"Tinulungan mo nga ako pero sa kanya ka pa naawa. Ako na nga ang nabuhusan ng juice." sagot ko naman sa kanya.
"Psssh. Whatever. You deserve it naman eh. Oh, tapos na ang deal natin. Tinulungan na kita dun sa kawawang babae."
"Oo na. Oo na. At ikaw, tinulungan naman po kita dun sa mokong mo na ex. Quits na po tayo... ATE."
[Mesh's POV]
Halos mabunggo ko na lahat ng taong makasalubong ko sa mall. Hindi na kasi makakita ng maayos ang mata ko kasi puro luha na. Ang sakit pa rin talaga ng ginawa niya. Walang hiya talaga siya. Sobrang down ko na nga sa sarili ko dahil sa itsura ko tapos dadagdagan niya pa. Buti pa si Nash, kahit na minsan sinusungitan din ako, hindi niya naman ako sinasabihan ng ganun.
"Aw!" Ay siomai! May nabangga nanaman ako. Mukhang napalakas pa yata.
"Uhm, sorry po, hindi ko po sinasadya." sabi ko pero nakayuko pa rin ako. Ayokong may nakakakita sa akin na umiiyak.
"Okay lang. Eto oh." Inalok niya sa akin yung panyo niya. Pero bakit bulaklakin?! Bading yata 'to eh. Kaso, pamilyar sa akin, kamukha nung nawawala kong panyo. "Sa susunod, pag iiyak ka, sa CR na lang. Nandadamay ka pa ng ibang tao eh."
Tama. Siya nga.
Inangat ko na yung ulo ko at nakita ko siyang pilit na naka-ngiti. Nako best, halata ka pa rin.
"Best, *sniff* hindi mo bagay. *sniff*"
"Mas lalong hindi mo naman bagay umiyak. Parang kamatis na yang ilong mo oh." Langya talaga to kahit kailan.
"Pinapagaan mo ba loob ko o ano?! Umalis ka na nga. *sniff* Baka ikaw pa maupakan ko diyan imbis na yung gago mong kapatid."
Lumabas na ako sa mall. Pero umupo sa may plantbox sa gilid.
Sigh.
"Hindi lang siya ang lalaki sa mundo.
Hindi lang siya ang lalaki sa mundo..."
"Talagang hindi lang siya ang lalaki."
"Ay siomai!! Nash naman eh!! Papatayin mo ba ako?!"
"Hindi ah?! Hindi bagay sa kulungan ang ganitong klase ng itsura."
"Ewan ko sayo." Kapal din pala neto eh.
"Hayaan mo Best. Kapag nagkita kami, bugbog sarado siya sa akin."
"Siguraduhin mo lang. Tsaka himala, tinawag mo akong best ngayon?! Naaawa ka lang yata sa akin niyan eh."
"Hindi. Talagang ayoko lang na tawagin kang ganun."
"Huh?! Bakit naman?!"
"Kasi, mas gusto kitang tawaging..."
"Tawagin na ano?!"
"Mahal."
"A-ano?!"
"M-Mahal... na Meshang! Oo, Mahal na Meshang nga!! Hahahaha."
"Nako, kahit kailan ka talaga!"
Okay na sana, napatawa na ako ni Nash. Kaso, may demonyong dumating.
"Sige, kita na lang tayo dun. Bye." si Cole. Tapos may kasamang ibang babae. Hindi ko talaga inakala na ganyan pala siya.
Shemay. Nakita niya pa kami ni Nash!
"Ahh, Ands?" sabi ni Nash.
"S-Sige Nash, mauna na ako." sabi ko sabay takbo papatawid sa kabilang kanto.
"Teka, Ands!" Lumingon ulit ako kay Nash, nag-wave lang ako. Pero, may iba pa siyang sinesenyas. Hindi ko naman maintindihan.
Hanggang sa...
BLACKOUT.
~End of Chapter Four~
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
wew.
sana nagustuhan niyo.!!! hehehehe ^^
-simplyaudacious

BINABASA MO ANG
Unlucky In Love
Teen Fiction"Bakit ba ganito ang love? Masyadong unfair pagdating sa akin. Nakakainis na. Hmp!" - Mesh Andrea Torres, 18 years of age, pangalawa sa apat na magkakapatid at ang masaklap, nag-iisang babae lang naman siya. Paano kung aminin niya sa kauna-unahang c...