Unlucky In Love - Chapter Seven

25 1 0
                                        

~Chapter Seven~

[Andrei's POV]

Ako nga pala ang kuya ni Mesh. Hindi niya pa sigurado ako pinapakilala sa inyo (pati yung author. Tsssss).

But anyways, I'm Andrei Toffer Torres. Drei for short. 20 years old. Incoming Fifth year college sa isang kilalang College sa Greenhills. ECE naman ang course ko. Ewan ko ba't ito ang kinuha ko eh mas gusto ko pang mag-fine arts. Tapos si Mesh, CoE naman ang pinakuha sa kanya.Oh well, all they say is my parents know what's best for us. Eh nasan naman sila ngayon? Si Mesh nga hindi nila mabisi-bisita sa ospital. Damn company.

Speaking of Mesh, hindi pa rin siya nagigising. Yun kasing babaeng yun eh!! Ang hilig mag-gala.

"Nick, hindi ka ba sasama?" tanong ko sa kapatid ko. Si Nick yung sumunod kay Mesh. 14 na siya. Isa pa tong pasaway eh. Ay mali, PINAKA-pasaway pala.

"Hindi na muna kuya. Kakapuyat magbantay sa kanya. Nung isang araw pa ako eh." sabi ni Nick.

"Tsss. Bahala ka. Bantayan mo na lang si Dred. Baka kung san-san nanaman mapadpad yun." Si Dred naman yung bunso. 11 na siya.

"Oo na. Kaya alis na. Kawawa na si Kuya Nash dun." sabi ni Nick. Oo nga pala. Si Nash. Nakalimutan ko yun ah?!

"Buti na lang pinaalala mo. Lakas tama nun ah?!"

"Sinabi mo pa! Hehehe."

♪♫ 'My heart's a stereo,

it beats for you so listen close,

hear my thoughts and every note, o-oh-ohh...' ♪♫

Oh, sino naman kaya yung tumatawag?

Si Nash. Baka may nangyari na kay Mesh!

"Hello Nash? May nangyari ba? ... Ha?! Sige, papunta na ako diyan."

[Nash's POV]

"Oo, nagkamalay na siya. Pero nakatulog ulit. Sabi naman ng doktor, magigising din siya." sabi ko kay Drei. Agad agad siyang pumunta dito nung tinawagan ko siya. Mukhang papunta na rin naman siguro siya nung tumawag ako kaya ang bilis niyang nakapunta dito.

Thank God talaga at nagkamalay na siya. Pero teka, talaga bang narinig niya yung mga sinabi ko?

'Mahal mo 'ko?'

'Mahal mo 'ko?'

'Mahal mo 'ko?'

Aaaaarrrggghhh...

Yan, hindi na tuloy maalis sa isip ko yung sinabi niya. Paktay ako neto. Wew.

"So, wala na siya sa pagka-Coma niya?" Tsk. Muntikan ko nang nakalimutan si Drei.

"W-wala na raw sabi ng doktor. Nagulat nga rin yung doktor kasi hindi naman daw masyado mabilis yung process ng pag-galing nung sugat niya sa ulo pero nagkamalay na siya."

"Buti naman.Wew. Pasaway kasi yang babae na yan. Naku naman, pag nagising yan kukutusan ko talaga." sabi niya. Pero nakangiti na siya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya.

"Ahh, okay lang ba sayo kung hintayin ko siyang magising?"

"Oo pero, umuwi ka muna sa inyo. Baka magalit na niyan ang mama mo."

"Talaga? Ahh, sige, sige, uuwi muna ako." Kinuha ko na ng madalian ang mga gamit ko. Medyo marami na ring tawag at text si mama sa akin. "Ahm, sige Drei, mauna na ko."

"Ahh, Nash?"

"Bakit?"

"Salamat. Sa napakahaba mong pasensya sa kapatid ko. Alam mo, mas boto pa ako sayo kaysa dun sa isa mong kapatid."

Unlucky In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon