~Chapter Five~
[Nash's POV]
Wala pa siyang kain.
Wala pa siyang kinakausap na kahit sino sa amin.
Ands, bakit mo naman kami tinotorture ng ganito?
Magising ka na please?
<Flashback>
Sa wakas napatawa ko na rin siya. Kahit kailan talaga mababa lang ang kaligayahan ng babaeng to.
"Sige, kita na lang tayo dun. Bye."
Lintik. Lumitaw pa siya. Tumingin ako kay Ands, naluluha nanaman siya.
"Ahh, Ands?" Nako, ayan nanaman siya.
"S-Sige, una na ako." Dali dali naman siyang tumakbo nun.
"Teka Ands!!!" Susundan ko na sana siya nung huminto siya, kaso may nakita ako kaya sumenyas na agad ako na bumalik siya dito. Kaso huli na.
Na-Hit and Run na siya ng gagong yun.
<End of Flashback>
"Ands, naririnig mo naman siguro ako noh? Sana magising ka na. Ilang linggo ka na dito, naiinip na ako. Gusto ko na ulit marinig yung maingay mong boses." Hinawakan ko yung kamay niya. "Grabe Ands, ang laki na ng pinayat ng kamay mo. Sakto na siya sa akin. Naririnig mo ba ako? Pumayat ka Ands. Kaya magising ka na diyan para ikaw na mismo ang makakita. At para makakain ka na rin ng marami. Hehe."
Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita. Dun ko talaga napatunayan na hindi lahat ng tao, swerte.
<Flashback>
"Okay Mr. Dela Cruz, you've done a good job here. You may go now." sabi ng Prof ko sa Math. Ako kasi pinag-check niya nung mga exams namin.
"Thanks Prof. Sige po, una na ako." Pagkalabas na pagkalabas ko sa room, may narinig akong babaeng sumisigaw.
"WAAAAAAAAAAHHH!! Ilayo niyo yan!! Ilayo nyo!! HUHUHUHU..." Pagkalingon ko,
BOOOOGSSHH!!!
"Aaww."
"Aray..." Parehas kaming napa-upo sa sahig sa sobrang lakas ng umpugan naming dalawa. Grabe, sakit nun ah?! Sabay hampas pa sakin nung katawan niya. Awts!!
"S-sorry kuya. Hindi ko sinasadya. Yung mga kaklase ko kasi napagtripan ako. Tinakot nila ko dun sa ipis na dala nila." Sabi niya habang minamasahe niya ng palad niya yung noo niya.
"Okay lang." Kahit hindi. Ang lakas talaga ng impact eh! Wew. Buti na lang hindi niya ako nadaganan.
"T-teka, classmate kita sa Math001 diba?! Ikaw yung matalino na masungit." sabi niya nung nakatayo na siya.
"Wow, should I take that as a compliment? Or an insult?" Tssss.
"Pwede both na lang?! Hehehehe." Aahh... Tanda ko na siya.
"I remember you already. Ikaw yung babaeng mahina sa math na katabi ko at ng..." Huwag ko na lang banggitin yung isa. Kumukulo lang dugo ko.
"Ng?"
"Wala. Nevermind." Wew.
"I'm Mesh Andrea Torres. Mesh na lang." sabi niya sabay alok ng right hand niya.
"Uhh, Nash Anthony Dela Cruz. Nash na lang."
Then, nag-shakehands na kami.
<End of Flashback>
After nung hindi magandang pangyayari na yun, di nagtagal, dinadaldalan na niya ako. Sinasabi niya lagi sa akin yung about dun sa crush niya na niligtas siya at nagpanggap daw na 'BF kuno' niya dahil ayaw daw siyang tantanan nung mga lalaking nantrip sa kanya. Tapos sinabi ko na din sa kanya na kapatid ko si Cole after a month na pagkakakilanlan namin. Mukha ngang gulat na gulat siya nung mga araw na yun eh. Tapos siya naman, sinabi na sakin kung sino yung lalaking gusto niya.
Yun pala, si Cole yun. Nung una, hindi ako naniwala. Pero tinanong ko si Cole at kinonfirm niya naman yun.
Sasabihin ko na sana kay Ands na itigil na niya yung pagkagusto niya sa kapatid ko. Kaso, huli na. Nasabi na niya sa ungas kong kapatid na may gusto siya kay Cole. Langya, sa text pa at madaling araw pa?!
Buwisit!
Ngayon, dahil sa kagagawan ng kapatid ko, nandito si Ands sa ospital. Walang malay. Hindi nakakapagsalita. Hindi ngumingiti. Hindi tumatawa. Wala. Wala talaga.
Subukan lang pumunta ni Cole dito, baka mamaya, siya naman ang susunod na nakahilata dito sa ospital at walang malay.
Sigh.
"Ands, may isa ka pang hindi nalalaman. Andito kanina parents mo. Sabi nila sa akin, kapag nagkamalay ka na, hindi ka na nila dadalhin sa ibang bansa."
Sinabi ko sa parents ni Ands na huwag na lang. Aalagaan ko na lang si Ands, kapalit ng hindi nila pagdala sa kanya sa America. At pati na rin sa kadahilanan na kasalanan naman toh ni Cole. Ako na lang ang gagawa ng paraan.
Hindi ko rin sinabi sa parents ni Ands kung ano talaga ang nangyari bago pa mangyari yung aksidente. Sigurado naman ako na pagtatakpan niya si Cole.
"Ands, kapag ba nagising ka, babalik ka ulit sa dati? Mawawala ba ang galit mo sa kapatid ko? Mamahalin mo pa rin ba siya kahit ganun ang ginawa niya sayo?"
Alam kong dalawang buwan pa lang kaming magkakilala ni Ands. Pero para sa akin, iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Talagang straight to the point siya sa lahat ng bagay. Tignan niyo naman yung pag-amin niya kay Cole. Talagang hindi na niya napigilan ang sarili niya.
Kahit mahina siya sa math, malakas naman siya sa maraming bagay. Hindi ko tinutukoy yung pagbubuhat niya ng dalawang basyo ng mineral water ng sabay nung nag-outreach program kami ah?! Kundi sa kalooban. Marami mang nagdodown sa kanya dahil sa hindi siya kagandahan dahil chubby DAW siya, hindi niya pinapansin yung mga yun. At kahit minsan nagkakaproblema siya sa magulang niya, okay lang sa kanya at todo ngiti pa rin siya sa lahat.
Mabait. Palangiti. Active. Masiyahin. Makulit paminsan-minsan. At marami pang iba. Lahat yan, gusto ko sa kanya.
SHET.
Bakit ngayon ko lang ba naisip ang bagay na toh?! Sa dinamidaming beses na magkasama kaming dalawa, ni hindi ko man lang napansin ang mga iyon sa kanya.
Bakit ngayon pa kung kailan hindi ko makikita ang expression ng mukha niya? Pero tingin ko maririnig niya naman.
"Ands, alam mo ba ang totoong dahilan kung bakit ayaw kitang tawagin na Best?" Lumapit ako sa may bandang tenga niya para marinig niya talaga.
"Kasi gusto ko, Mahal."
"Mahal kasi kita."
Then nabigla ako sa sumunod na nangyari.
She squeezed my hand.
"M-mahal mo 'ko?"
Patay.
~End Of Chapter Five~
BINABASA MO ANG
Unlucky In Love
Teen Fiction"Bakit ba ganito ang love? Masyadong unfair pagdating sa akin. Nakakainis na. Hmp!" - Mesh Andrea Torres, 18 years of age, pangalawa sa apat na magkakapatid at ang masaklap, nag-iisang babae lang naman siya. Paano kung aminin niya sa kauna-unahang c...