Unlucky In Love - Chapter Six

32 1 0
                                        

~Chapter Six~

[Cole's POV]

Ugh.

Two weeks na simula nung mangyari yung aksidente.

<Flashback>

Pagkalabas ko ng mall, nakita ko yung isa sa mga kabanda ko.

"Uy Cole! Buti na lang nakita kita. May gig tayo mamaya ah?"

"Saan ba?"

"Basta malapit sa Marikina. Si Terence lang nakakaalam nun. Magkikita naman kayo mamaya eh. Pupuntahan ka daw niya."

"Sige, kita na lang tayo dun. Bye." sabi ko tapos umalis na siya.

May banda ako. Ako sa guitar at minsan, vocals din. Dati nga naiisip ko na itigil na lang ang pag-aaral ko then ipagpatuloy ang pagbabanda. Tutal kumikita naman ako. Kaso palagi akong sinasabihan ni Mama na kapag ginawa ko yun, ibabalik niya ako sa America at titira kasama ang walang kwenta kong ama. Kaya ayun, no choice ako kundi mag-aral kasabay ng magaling kong kapatid.

Pababa na ako nun nang may narinig akong nagsalita.

"S-Sige, una na ako Nash."

Parang kilala ko na kung kaninong boses yun.

"T-teka, Ands!!!" Sigaw ni Nash. Tssss. Magkasama nanaman sila. Bakit ba kasi hindi niya aminin sa sarili niya na may gusto siya dun sa babaeng yun?

Binaling ko yung tingin ko kay Mesh. Mukha namang walang masamang nangyari sa kanya...

BEEEEEEEEEP!!!

SHIT!

"Mesh!!!!!" napasigaw pa ako.

Tatakbo na sana ako papunta sa kanya kaso hindi ako makagalaw. Buwisit! Ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Shemay, ano nang nagyayari?!

Nakita ko si Nash tumakbo papalapit kay Mesh. Yung kotseng nakabangga sa kanya huminto tapos biglang humarurot ng takbo. Gago yun ah?!

"Ands? Gumising ka Ands!! Diyos ko!! Tulong!! Tumawag naman kayo ng ambulansya!! Ands? Ands?!!" sigaw ni Nash habang nakahawak siya sa mukha ni Mesh at nakahiga ito sa lap niya. Ugh. Halos hindi ko na makita yung mukha ni Mesh sa sobrang dami ng dugo na nakakalat sa kanya.

T-teka, bakit ba nakatayo lang ako dito?! Kailangan kong tulungan si Nash, pati na rin si Mesh.

Tumakbo ako papalapit kay Nash.

"Nash!!" sabi ko. Grabe. Halos nanlambot na ako at napaluhod na lang din nung makita ko si Mesh. Si Nash puno na rin ng dugo.

Tutulungan ko na sana siya nang...

"Dont.You.Dare.Touch.Her." sabi ni Nash.

"Shet Nash, hanggang dito ba naman mag-aaway tayo?!! Pwede bang dalhin muna natin si Mesh sa ospital?! Damn!!"

"Umalis ka na lang Cole. Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Jusko naman Nash!"

"Just go."

"No. I won't leave her."

"You just did."

Wala na. Mukhang nanalo ngayon si Nash sa bangayan namin. Pero bakit ako yata ang sinisisi niya sa aksidente?!

Mamaya ko na iispin toh, dumating na yung ambulansya.

"Bakit ang tagal niyo naman?!" sabi ni Nash.

"Sorry po sir." sabi nung lalaking naglalabas nung stretcher.

"Pati ba naman si kuya dinamay mo diyan sa galit mo?" sabi ko.

Unlucky In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon