~Chapter Nine~
[Mesh's POV]
"M-Mom?!"
"Oh, Mesh Andrea! You're awake! You're finally awake!" sabi ni Mom habang nakayakap siya sa akin.
"Mom, I’m fine.” I started to sit up. “But what happened?" I added.
"I just thought-we thought-oh God..." tuloy pa rin sa pag-iyak si Mom kahit dumating na yung doktor. At sa laking gulat ko, si tito France pala yun.
“Don’t be too dramatic Liz. Let’s just thank God that Mesh is finally awake.”sabi ni tito France. Si tito France pala, kapatid/kuya ni Mom.
Masaya namang binalita ni tito, na talagang okay na nga raw ako. Sinabi na rin ni Mom kung anong nangyari sa akin. Naalala ko naman agad-agad yun. Sabi rin niya na inaasikaso na raw ni Dad yung paghahanap dun sa nakabangga sa akin. May nakatanda raw kasi nung plate number. Sigh. Kahit naman mahuli siya, tingin ko kasalanan ko pa rin kasi tumawid ako agad. Pero, ang hindi ko lang maalala ay yung sinabi ni tito na nagising na raw ako kanina pa.
"See? Sabi ni tito France, pwede na raw ako lumbas dito after three days. I'm fine Mom. No need to worry." sabi ko. Ngayon ko lang naramdaman ng bongga ang concern ni Mom. Sana naman magtuluy-tuloy na yun. Pati si Dad nagiging okay na rin. Ang kaso, nandun parin yata siya sa company niya kahit inaasikaso yung nangyari sa akin.
"Tssss. Si Mesh pa Mom?! Hindi magiging okay? Eh, lahat ng bagay kayang buhatin at banggain niyan eh!" pangaasar naman ni kuya Andrei na kakapasok lang sa kwarto. Haist! Nandito pala siya?! Kung hindi ko lang kuya 'to, nabato ko na ng flower vase 'to eh!
“Mom! Si kuya oh?! Tito?!”
“Andrei, tigilan mo muna yang pang-aasar mo kay Mesh.” sabi ni tito France.
“Fine, Tito. Fine. Ay, Mesh! Nakita mo na ba itsura mo? Hahahaha!”
“B-Bakit?! Anong nangyari sa mukha ko?! Mom?!” Oh my God! Nagkaron ba ako ng tahi sa mukha? Peklat?
“Andrei! I said stop teasing your sister!” sigaw ni Mom. Si kuya naman nakangiti lang. Yung ngiting nakakainis niya! Aarggh!
“Mom?! Can I have a mirror?! Please!” hindi ko tuloy mapigilan mag-panic.
“Calm down Mesh. Walang nangyaring masama sa mukha mo.” Tito France handed me a mirror. “It’s just that, after two and a half weeks na nakahiga ka lang diyan, you’ve lost weight. That’s all.”
“Ugh! Akala ko naman kung ano na! Kainis ka naman kuya eh!” grabe, naluha ako dun ah?! Pero Mom’s right. Medyo pumayat nga ako. I don’t know if it’s really a good thing to have. Mamaya niyan, payat nga ako, pero sakit naman ang inaabot ko. Sigh.
“Ayaw mo nun Mesh? YOU won’t be left out anymore.” sabi ni kuya Drei.
“I don’t care kuya. Mas magandang maging chubby, kaysa maging unhealthy.”
“Tsss. Pa-humble, little sis? Nako! Kapag nalaman na ni Nash na gising ka na, baka magtatatakbo yun parating dito!”
“Si Nash?”
“Oo. Si Nash. Palagi kaya siyang bumibisita dito at inaalagaan ka. Buti pa yang bestfriend mo, may concern sa’yo. Eh yung pinapangarap mong lalaki, na kapatid naman niya, walang pakielam sa’yo.” Sabi ni kuya. Kahit kailan talaga, madaldal ‘tong lalaki na to eh! Si Mom at Tito, nagtinginan na lang sa sinabi ni kuya.
“Kuya tumigil ka nga diyan! Hindi na.”
“Anong hindi na?” tanong ni kuya.
“Hindi na. Wala na. Ayoko nang makita yung pagmumukha ng lalaking ‘yun.”

BINABASA MO ANG
Unlucky In Love
Genç Kurgu"Bakit ba ganito ang love? Masyadong unfair pagdating sa akin. Nakakainis na. Hmp!" - Mesh Andrea Torres, 18 years of age, pangalawa sa apat na magkakapatid at ang masaklap, nag-iisang babae lang naman siya. Paano kung aminin niya sa kauna-unahang c...