Ang Misteryo ng Pinatubo
By: Ginoong A. Serrez
Alas ocho y media na ng gabi, kaya nagmamadali na akong sumakay ng bus tangan ang isang napakalaking knapsack galing sa paglalaro sa isang gym sa Tarlac City upang madali akong makarating sa Capas Junction. Pawisan pa rin at gutom na gutom dahil sa sobrang intense ng laro na pinagawa ng trainor ko. Sinadya ko ding magpaabot ng ganoong oras dahil ayokong maghintay sa McDonald's gaya ng napag-usapan namin at alam kong matutukso akong kumain ng marami.
Oo, may ka-meetup ako, pero business lang... at business na hindi ko naman talaga gawain dahil wala naman akong kaalam-alam sa pagiging tour guide. Kahit na pa matagal na kami dito sa Capas, ni minsan, hindi pa ako nakakatungtong sa Pinatubo. Kungdi nga lamang talaga sa pakiusap ng isa sa mga naging kaibigan ko noon na dati kong katrabaho sa isang kompanya sa Global City, wala akong balak magventure sa pagiging tour guide.
"Sige na naman," pamimilit sa akin ni Bea noon, pagbabalik-tanaw ko.
Iyon iyong tono at pakiusap na mahirap tanggihan pero kailangan ko talagang gumawa ng paraan para makatanggi.
"Pero wala talaga akong kaalam-alam sa Pinatubo. Kahit rates o kung ano ang mga gagawin, zero ang idea ko. Paano ko naman matutulungan ang boss mo ng ganoon?" katwiran ko.
"Sasamahan mo lang naman siya. Eh ikaw lang naman ang alam kong taga-Capas na puwede kong pagkatiwalaan sa boss ko. Tulungan mo naman akong magka-ganda points sa bago kong trabaho. Sige na..." litanya nito sa nakakaaliw niyang Ilonggo accent.
"Bea, kung alam ko lang ang gagawin, hindi ka magdadalawang salita sa akin. Kilala mo naman ako. Hindi ako mahilig gumawa ng mga bagay na ikasasakit lang ng ulo ko... at isa pa, hindi ko naman kilala ang boss mo."
"'Drew... Sige na... birthday pa naman niya o, tapos magtatravel mag-isa. Napagtanungan lang ako kung may kakilala ako sa Tarlac, siyempre, ikaw agad ang naisip ko. Alam ko naman na hindi mo siya pababayaan kaya kampante ako na ikaw ang irekomenda." Pangungumbinsi nito.
"Birthday niya tapos mag-isa siya magta-travel?"
Natigilan ako sa sarili kong tanong. One thing kasi na weird sa akin ay ang magdiwang ng kaarawan na mag-isa. Sa tanang buhay ko, dalawang beses pa lang ako nagdiwang na may kasamang mga kaibigan. Ang una ay sa dating pinagtatrabahuhan ko kung saan ay ipinaghanda ako ng mga kaibigan ko na pinangunahan ni Bea; at ang ikalawa ay isang surprise party rin na pinag-ambag-ambagan pa ng mga kaibigan ko. Simula pagkabata hanggang mamulat ako, hindi ko na nakagawiang magdiwang at lumilipas lang ang kaarawan ko na parang pangkaraniwang araw lang.
Kung hindi ako nanonood ng sine o kumakain sa labas na pangkaraniwan ko rin namang ginagawa, may time na pumupunta ako sa isang malayong lugar at nagku-contemplate sa buhay. Pa-deep baga?
So, nang sagutin ni Bea ang tanong ko ng, "Ay naku... every year daw, sabi ng mga kasamahan ko, lagi daw nagli-leave si Sir at mag-isa nagta-travel kung saan-saan. Hindi na bago sa kanila, pero na-weirdo-han ako. Para kasing ikaw. Natatandaan mo, sabi mo sa akin, first celebration mo na may kasama kang friends noon with us?" natawa na lang ako.
Ok, fine. Nasaling ako. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, okay lang ako ng ganoon. Sanay na ako na hindi nagdidiwang ng birthday eh. Pero kapag pala nalaman mong may kagaya ka, hindi ko rin pala maiwasang makaramdam ng awa... and at the same time, ng curiosity sa taong kaparehas ko ng ka-weirdo-han.
"Ilang taon na ba ang boss mo?" tanong ko.
"Ewan... forty something yata. Hindi ako sure eh," pag-aalangan ni Bea.
"Wala ba siyang asawa? Pamilya?" dagdag kong tanong.
"Meron. Dalaga't binata na mga anak noon, eh. Ooops... Teka... nandito na siya. Gusto mong...?" bigla ang paghina ng boses ni Bea kaya hindi ko naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION OF ADAM [A COLLECTION OF BOYXBOY STORIES]
Random"TEMPTATION OF ADAM" A COLLECTION OF THE BEST OF THE BEST BROMANCE STORIES COMING FROM THE BEST BROMANCE AUTHORS... (THE FOLLOWING STORIES POSTED ON THIS BOOK IS NOT TOTALLY MINE... CREDIT TO THE OWNERS) READ AT YOUR OWN RISK! OCTOBER 4,2015 (SUNDAY)