Airport Taxi

4.1K 24 0
                                    

Airport Taxi

By: Anonymous

"Saan ang rent a car?" tanong ko sa security guard sa airport.

"Doon Sir" sinundan ko yung direksyon ng kamay niya.

"Kotse ba Sir?"

"Yung medyo malaki tsaka gusto ko pogi ang driver" pabiro kong sabi sa nasa counter. Medyo may kabataan pa ang lalaking nasa counter at mukha namang game sa biruan kaya I felt comfortable joking with him.

"Pogi Sir marami pero malaki hindi ko masasagot yan"

"OK lang kung hindi malaki, siguraduhin mo lang kasing-gwapo mo, kundi magwawala ako."

"Mapagbiro pala si Sir"

"Pagod. Tapos ang init pa. Kailangan ng konting comedy para mas magaan sa pakiramdam." Nagradyo siya kaya naglaro muna ako sa aking CP.

"Kailangan ba Sir marunong magmasahe."

"Much better."

"Kaso Sir, medyo may edad na yung driver"

"Basta ba titigasan pa e" I answered, laughing. Hindi naman ako malanding bading pero kung sa airport pa lang, hassle na, kailangang cool ka to maintain your sanity. Tsaka mga strangers naman itong mga kabiruan ko kaya I felt safe.

"Halika Sir, hatid kita sa Bay 8" sabi ng lalaki sa counter.

"Wala ka bang number?"

"Si Sir naman tsaka maliit lang yung akin baka madismaya ka lang" halos 5 minuto din kaming nagtuksuhan bago dumating ang aking nirentahang sasakyan - isang lalaki na sa tantiya ko ay in his late 40s or early 50s ang bumaba para kunin ang aking mga bagahe.

"May tama ka" sabay hi-5 sa counter personnel

"Panalo ba Sir?"

"Sana pwede" kinindatan ko ang dispatcher habang iniaabot ko ang tip sa kanya. Bwenasin sana ako kay Mamang Drayber

Hindi naman sa naghanap ako ng matsutsupa pagkagaling ko sa ibang bansa. Pagod ako at pagkabigay ko ng instruction papunta sa isang sub-con factory ay isinilampak ko ang aking sarili sa silyang kinauupuan ko, not minding the driver at all. Nong una yon.

Kaso ang bango-bango niya, yung bangong bagong paligo. Nilingon ko siya, nakaputing-polo, maong na pantalon, medyo maputi. Mula ulo hanggang paa, tinignan ko yung pwedeng tignan. Walang beer belly.

"Wag kang mag-alala Bossing, hindi ako masamang tao."

"Ano yun?"

"Kanina mo pa kasi ako tinitignan, kulang na lang hubaran mo na ako para tignan kung may tattoo ako sa katawan." natawa ako sa sinabi niya, tama siya, gusto ko siyang hubaran pero hindi dahil sa gusto kong malaman kung may tattoo siya.

"Sorry. Tinitignan nga kita pero hindi dahil sa nagdududa ako sa yo. Iniisip ko lang kung sa yo tong sasakyan. Hindi naman sa mababa ang tingin ko sa driver kaso lang hindi ka mukhang driver." altho obvious namang binobola ko siya, hindi talaga siya mukhang driver.

"Sa biyenan ko Bossing. Seaman dati, ito ang ginawang negosyo." pagkadeliver namin ng mga dala kong samples at accessories ay pinabalik ako sa aming Makati office. Pwede naman akong mag-taxi o mag-LRT kaya kinausap ko yung driver kung pwede akong ihatid sa Ayala.

"Wag kang magagalit ha, may isa pang dahilan bakit ako tingin ng tingin sa yo kanina"

"Alam ko na yun Bossing, marami ng nagsabi sa aking kamukha ako ni Vic Sotto" nakatawa niyang sabi.

"Napansin mo rin?" altho hindi niya kamukha si Vic Sotto. Nagtawanan kaming dalawa tapos bigla na lang may pumutok dahilan para tumigil kami.

"Flat Sir"

TEMPTATION OF ADAM                                          [A COLLECTION OF BOYXBOY STORIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon