Bondage
By: Ian
Nakatali ang aking mga kamay at mga paa sa lubid na nakakabit sa magkabilang dulo ng pader. Tumutulo ang malamig na tubig na kanilang isinabog sa akin. Wala akong naging sagot sa kanila nung tanungin nila ako kung naranasan ko na ang bondage.
"akala ko ba sabi nyo nung nag usap tayo stag party ito para sa kaibigan nyo?" tanong ko na pilit kumakalas sa mga lubid na itinali nila sa akin.
"wag kang mag alala, hindi ka mapapahamak dito" sabi nung isa.
Maliit ang kwarto, madilim at nakita ko rin silang naka bihis ng pang propesyonal.
"bakit kailangan nyo akong itali? Pagtatanong ko.
"ayos lang yan pre, malaki ang ibinayad namin sayo kaya wag kanang magreklamo" sabi nung isa pa.
Nagbuntong hininga na lamang ako at yumukong ipinikit ang aking mga mata nung lumabas sila sa kwarto. Wala na akong magagawa sa mga oras nayon at nag-abang nalang sa kung ano ang mangyayari sa mga susunod na oras.
Narinig ko sila sa labas, nagtatawanan, nag-iingay at malakas ang tugtog ng musika. Dumating na yung kaibigan nila.
"nasaan na ang regalo nyo sakin?" dinig kong sabi nung lalake sa labas. "mag-antay kalang at masaya ang araw na to!" sagot nung isa at dinig ko ang mga tawa nila.
Hindi naman ako kinakabahan sa mga nangyayari. Sa lahat ng aking narasan ay tila naging manhid na ako at wala ng maramdamang takot sa kung ano man ang ibigay sa akin ng panahon.
Napaisip nalang ako kung hanggang saan ang kaya ko at tila preso akong nakatali sa mga lubid na nagsisilbing halimba na ako ay hindi na maaring kumalas sa mundong aking pinasok.
"surprise!!" sabi nilang lahat sa lalaking kasama nila.
Matangkad ito, maputi, mestiso at matipuno.
"puta ano yan!! Hahahha" sabi nya at nagtawanan na naman silang lahat.
"yan ang regalo mo pre para sa kasal mo bukas! Hahaha" sagot nung isa.
"nababading na ba tayong lahat? Puta san nyo nakuha yan" tanong nya.
"para naman maiba pre, lalaki naman ngayon!" sagot nung isa.
"anong gagawin natin dyan?" tanong nya.
Lumapit sa kanya ang isang lalaki at iniabot ang isang latigo.Tinignan ko lang ito at parang lumakas ang kabog ng aking dibdib. Kinuha ito ng lalaki, tinignan ito, at sa unang pagkakataon, nagkatitigan ang aming mga mata.
"gago.. mga loko talaga kayo" sabi nito habang patuloy kaming nagtitigan.
Ang mga tingin ko ay tingin ng isang bayarang lalaking hindi huwad na tinatanggap ang nangyayari. Ang mga titig nya ay titig ng isang lalaking may halong pagkainteres, awa at pagnananasa sa mga mangyayari.
"ayos lang yan..." sabi nung isa.
"sige na...." sabi nung isa pa.
"trip trip lang pre..." sabi pa nung isa.
Lumapit sa akin ang lalaking nalaman kong pangalan ay si Neil. Naka polo itong blue, tuck-in, naka kurbata at matalino ang itsura.
"anong pangalan mo?" tanong nito at naging tahimik ang kwarto.
Tinignan ko ito sa mga mata at yumuko ulit.
"dennis" mahina kong sabi."hmm... pasensya na tol ha, mga loko kasi mga kaibigan ko" sabi nito.
BINABASA MO ANG
TEMPTATION OF ADAM [A COLLECTION OF BOYXBOY STORIES]
Acak"TEMPTATION OF ADAM" A COLLECTION OF THE BEST OF THE BEST BROMANCE STORIES COMING FROM THE BEST BROMANCE AUTHORS... (THE FOLLOWING STORIES POSTED ON THIS BOOK IS NOT TOTALLY MINE... CREDIT TO THE OWNERS) READ AT YOUR OWN RISK! OCTOBER 4,2015 (SUNDAY)