IPWMP 13

186K 3K 125
                                        

Sobrang bilis ng oras at ngayon ang kabuwanan ko. Naging maselan ako nitong nakaraang araw kaya nasa kwarto lang ako at nakahiga. Minsan sina Eiffel na ang nag dadala ng pagkain dito sa kwarto at binibisita ako nina Ken, Kyla at Ricky.

"Nakakatakot naman yang tyan mo Summer. Mukhang isang pitik ko lang puputok yan." Sabi ni Eiffel habang nanonood kami ng TV.

"Grabe ka! Pag ikaw na buntis ma-fefeel mo ang kalagayan ko ngayon." Sobrang bigat ng tyan ko. Hindi kasi ako tumaba di tulad ng ibang buntis. Tanging tyan ko lang raw ang lumaki plus the boobs na nagse-swell.

"Sus bata pa ako at kaka-21 ko lang last month." Mas matanda ng apat na buwan kasi si Eiffel sa akin. Sa December pa kasi ang birthday ko.

"Birthday pala ni Sander ngayon?" Tanong ni Eiffel habang nakatingin sa phone.

"Ha? Ah, oo." September 24 pala ngayon at 22 na siya. Nakalimutan kong birthday niya pala ngayon pero ano naman diba? It's a good thing nga nakalimutan ko, it means na hindi na siya ganun ka importante sa buhay ko. 

"Binati mo na ba?" Nang-aasar na naman ang isang to kaya binato ko siya ng unan at tawang-tawa siya habang umiilag.

"Tumahimik ka nga." Inirapan ko siya pero tawang tawa parin kaya hinayaan ko na lang siyang mamatay sa kakatwa. 

Noon kapag birthday niya palagi ko siyang sinusurpresa. Masaya kami noon kahit cake lang at coke in can ok na basta magkasama lang kami pero ngayon iba na. For sure mag dedate sila ng girlfriend niya sa mamahaling restaurant tapos may lason ang kakainin nila tapos mamatay sila. Joke lang! Ano ba 'yan, Summer! Happy thoughts lang. 

Kalbuhin ko pa ang blonde na yun eh! Joke ulit. 

"Ay naku mga anak. Wag ninyong tularan ang ama niyo lalo kana Eulesis, wag maging playboy. Dapat gentleman ka dahil iyon ang gusto ng mga babae." Bigla naman silang sumipa kaya napa sigaw ako sa sakit.

"ANO!? SAAN MASAKIT? PUMUTOK NA BA?!" Nasa harap ko na ngayon si Eiffel kaya ako naman nagyon ang tumatawa.  

"Epic, you should have seen your face! Hahaha huwag ka ngang OA sumipa lang ang mga bata." Agad niya naman akong binatukan kaya mas malakas na yung tawa ko. Kung nakita niyo lang sana ang mukha ng pinsan ko.

"Ako pa ang OA eh sumipa lang pala makasigaw ka dyan. Bahala ka na nga dyan." Iniwan niya akong naka busangot at pumunta sa kusina.

Tumatawa pa rin ako hanggang sa biglang sumakit ang tiyan ko. Naku! Parang natatae ako. Tumayo ako at pupunta na sana ng banyo ng napa-ihi ako. Shoot! Kahiya hindi na ako naka-abot ng banyo. Hahakbang na sana ako ng sabay kaming napasigaw ni Eiffel.

"ANG SAKIT NG TYAN KO!" Sigaw ko.

"TANGINA! MANGANGANAK KANA SUMMER!" Sigaw rin ni Eiffel at agad siyang pumasok ng kuwarto nila at lumabas si Jake na mukhang bagong gising.

Agad niya akong inalalayan pababa ng building at si Eiffel naman dala-dala ang bag at susi ng kotse ni Jake. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil naiiyak na ako sa sakit. 

"Aww, Eiffel ang sakit." Parang pinagtatadyakan ang tiyan ko sa sobrang sakit. 

"Inhale, exhale, Summer." Sabi ni Eiffel habang inaalalayan ako sa back seat. Mabilis rin ang takbo ng sasakyan at alam kong na bigla rin kanina si Jake.

Nang nasa hospital kami ay agad naman nila akong ipinasok sa delivery room. Sumama si Eiffel sa loob dahil hindi ko ilalabas ang kambal kapag wala akong kasama sa loob.

Ang wala kong kwentang pinsan kinunan pa ako ng video! Sarap lang batukan eh, kainis! Kita naman niyang manganganak na ako nakuha pa akong pag-tripan.

Hindi ko na naiintindihan ang mga pinagsasabi ng Doctor. Sobrang sakit na kasi ng tiyan, puson at likod ko. Hindi ko na maintindihan kung saan ang masakit dahil parang buong katawan ko masakit na talaga.

I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon