"Thank you, Madam." Last day ko ngayon sa trabaho. Ilang beses na kasi akong pinagalitan nina Eiffel at Jake na mag leave muna dahil walong buwan na itong tyan ko.
"Basta babalik ka ha." Matamis ang ngiti ni Madam habang nakatingin sa mga mata ko.
"Opo, Madam." Sinuklian ko rin siya ng ngiti at lumabas rin ng opisina.
Nahihirapan ako ngayon dahil lalong lumaki at bumigat ang tyan ko. Sabi rin ng Doctor kailangan ko ng tumigil muna sa pagtatrabaho at baka ma apektuhan ang kambal kapag napagod ako ng husto.
"Okay kana?" Tanong ni Ricky ng makalabas ako ng building.
Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na lumayo at pinahirapan ko pa nga pero matigas talaga ang ulo niya kaya pinabayaan ko na lang dahil ayaw kong ma-stress at nang tumagal naging magkaibigan na kami.
"Yup, tara sa mall." Bibili kasi ako ng crib at iba pang kakailanganin ko pag nagkaanak na ako.
"Yes boss." Ngumiti ito bago kinuha ang bag at siya na ang nagdala. Hinayaan ko na dahil mangungulit lang iyon hanggang sa makuha niya ang gusto niya.
Malapit na kami sa mall nang tumawag bigla si Eiffel.
"Yes?"
"Anong yes?! Na-approve na ba ang leave mo?"
Natawa ako dahil nai-imagine ko ang mukha niya sa kabilang linya.
"Opo, last day ko na po ngayon." Nasa parking na kami at nagtitingin kung saan kami pwedeng mag-park, ang dami kasi ng mga sasakyan ngayon.
"Saan ka ngayon? Mamaya pa kami uuwi ni Jake may pupuntahan lang kami."
"Nasa mall, Ricky's with me pala." Noong nagwalong buwan na ang pagbubuntis ko doon na tumira si Eiffel at Jake sa condo. Todo alalay sila dahil isang buwan na lang daw manganganak na ako and I really appreciate it dahil kailngan ko ang tulong nila paminsan-minsan lalo na sa umaga dahil hirap akong bumangon sa higaan.
"Sige, ingat kayo."
Nang nasa mall na kami nagyaya muna Ricky na kumain kaya pumasok kami sa isang Italian restaurant. Siya na ang pumili at nagbayad ng kinain namin. Galante rin kasi itong si Ricky, ayaw niyang naglalabas ako ng pera pera kapag siya ang kasama ko.
"Tara na?" Pagkatapos kong kaumain ay agad akong tumayo dahil gusto ko ng bumili ng crib ng mga bata.
"Sige."
Tahimik lang na sumusunod si Ricky sa likod ko dala-dala parin ang aking bag. Habang naghahanap ako ng crib nakita ko si Sugar na may kasamang lalaki.
Nanlaki ang mata niya ng makita ako at hindi ko ring magawang umalis dahil huli na, nakita na rin niya ako.
Mabilis na nag lakad si Sugar papunta sa akin habang nakahawak sa kamay ng kasama niya.
"Oh my gosh, you're pregnant!" Napalakas ang boses niya kaya naman pinagtitinginan kami ng ibang tao.
"Uhmm, hi! Ah.. yeah, I'm eigth months pregnant." Hilaw akong napangiti sa kanya. Kung minamalas ka nga naman oh pero hindi naman siguro niya ikukwento sa kuya niya na nakita niya ako.
"Hello. I'm Ricky, Summer's husband." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Sugar naman nag-alinlangan pa kung kukunin niya ba ang nakalahad na kamay ni Ricky o hindi.
"Talaga? Wow." Mukhang hindi inaasahan ni Sugar ang sinabi ni Ricky sa kanya at napakurap pa ito habang nakipag-shake hands kay Ricky.
"Hind-" Ricky cut me off. Gusto ko pa sanang magpaliwanag pero naunahan na niya ako.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|
General Fiction#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so much until he met Summer Dale Andana, a strong-minded, independent woman. His life suddenly changed whe...
