CHAPTER 4

165 46 140
                                    

Amber's POV


First day of class ko ngayon sa bago kong school pero hindi ako ganun ka- excited. Pano ba naman, nag-aalala ako para kay kuya.

After kasi nung incident dun sa parking lot, parang wala lang nangyari sa kanya.

He's been acting as if that incident never happened. Haaay! Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ba ganun nalang kagalit yung Drake sa kuya ko?

Peeeeeeep!! Peeeeeeep!!!

Nahinto ako sa pag-iisip ng isang nakabibinging busina ang narinig ko. Ano bang problema ng driver nato???

Agad naman akong tumabi bago pa ako masagasaan. Agad naman itong humarurot ng nasa tabi na ako ng daan.

Ano ba yan! First day of classes ko dito tapos yan na agad! Sayang ang gara pa naman nung sasakyan. Pero barumbado naman ang driver. Sino kaya yun?

"Miss! Tabi! Tabi kaaaaa!"

Napalingon agad ako ng may sumisigaw sa likod ko. Literal na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na tumatakbo ng soooobrang bilis.

Anong ginawa ko? Syempre ano pa ba edi umiwas na naman. Tulad kanina, tumabi na naman ako.

Ano bang problema ng mga to? Bakit ba lahat nalang sila nagmamadali? Ang aga aga pa naman. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita na 7:15 pa.

See? Maaga pa nga. Wala pa nga masyadong tao eh. Konting students lang nakikita ko pero mostly sa kanila parang nagmamadali.

Nang makarating na ako sa hallway ng floor ng classroom namin for first subject this morning, agad akong nagtaka. Pano ba naman ang tahimik. Hmmmm... Siguro kasi wala pa masyadong tao dito.

Tama! Yun siguro ang dahilan. Teka! Asan na ba yung classroom ko? 125A?

Tinitingnan ko ang mga labels sa may taas ng mga pintuan bawat classroom. Laking tuwa ko ng makita ko na ang hinahanap ko.

"At last! 125A! Yes!" agad akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Only to find out na marami na palang tao sa loob. Not only that, what's worse is parang nagsimula ng maglecture yung guro na nasa front.

Lahat sila sakin nakatingin. Yung iba ni hindi man lang tinago ang tawa. Yung iba nakatingin lang sakin, meron ding nagtataka at syempre may mga walang pakialam.

Unang nakabawi sa pagkagulat ang teacher.

"Excuse me miss?"

"Uhm. Good morning po ma'am. Ako po yung transferee." magalang kong pakilala sa kanya at lumapit sabay abot ng study load ko.

Kinuha naman yun ng teacher at agad na binasa.

"Alright. Miss Wayne, kindly introduce yourself here in front." wait! Di na niya sasabihin sa class na transferee ako? Hmmm...No need na siguro. Baka nga naman narinig din nila yung sinabi ko kanina.

Kahit na nakasunod ang tingin nila sakin, hindi ko nalang inisip at pumunta na sa harap ng class.

"Hello everyone. I'm Amber Wayne new student here. Its nice to meet you all." nakangiti kong pagpapakilala sa kanila. Pero yung mga classmates ko, nakatingin lang sakin. May iba na nakasmile pero mostly sa kanila poker face lang.

Hindi ba uso dito ang reaction? Parang napaka prim and proper naman ata nila. Kanina nga pagpasok ko may mga mahinang tumatawa pero hindi siya yung tipong nakikita mo sa ibang schools na nagbubulungan na agad. Dito parang napa sobra naman ata ang pagdisiplina. Para na tuloy silang weird tingnan.

"Alright. Thank you Miss Wayne. You can now take your seat at the back." sabi nung teacher. Kaya naman agad na akong pumunta sa bandang likuran.

I was'nt comfortable at all. Lalo na at sinusundan ako ng tingin ng lahat ng classmates ko. Kaloka naman eh! Ano ba yan!

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon