CHAPTER 9

105 27 32
                                    

Charm's POV


"Yow!" magkasabay na bati nina Tyler & Vince.

"Hey." tipid namang bati ni Jiro na nakasunod sa dalawang kaibigan.

"Uy. Pinatawag din pala kayo." sagot ko habang sumasabay sa kanila papasok sa isang napakalaking kwarto.

"Syempre. Hindi kami pwedeng mawala noh! Mamimiss niyo ang aming mga gwapong mukha pag hindi niyo kami nakita." ito talagang si Tyler kailanman hindi mauubusan ng kayabangan ng katawan.

"Ako lang ang gwapo coz. Hindi ka kasali dun." aaarrrggh. May isa pa pala.

"Magkadugo lang tayo Vince." talaga nga naman tong dalawa.

"Ay oo nga pala. So tayong dalawa lang yung gwapo." oh God! Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigan na baliw?

Napapailing nalang si Jiro sa mga narinig.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay agad kaming umupo sa mga naka-assign naming mga upuan.

Kakikitaan ng mga seryosong mukha ang mga nandito ngayon.

Nasa isang  mahabang lamesa kaming lahat. Nasa bandang dulo naman kami nakaupo nina Jiro, Tyler at Vince. Silang tatlo ang magkakatabi sa harapan ko habang may isa namang vacant seat ang nasa aking bandang kanan.

"Where's Drake?" tanong ni Jiro. Palinga- linga naman sina Tyler at Vince na wari ay hinahanap kung nandito na ba si Drake.

"He's on his way. He'll be here any minute." sagot ko. Malapit ng makompleto lahat. Dapat nandito na siya ng makapag- umpisa na kami.

Mom said the council specifically asked us five to be present in tonight's meeting. When I say five, kaming lima yan. Drake, Jiro, Tyler, Vince and me.

Di nagtagal ay dumating na si Drake.

"What is this about?" bungad niya agad pagka-upo niya sa tabi ko.

"I have no idea." tanging sagot ko sa kanya.

"Bro! Alam mo bang pinagtsitsismisan si Amber sa school."

"Shut up Tyler!" agad kong pagpapatahimik sa kanya. Goodness! Parang mga babae kung maka tsismis. To think that this is not even the right time for that.

"Bakit? Totoo naman ah. She's the talk of town now."

"Oh gosh Tyler please!" sinamaan ko siya ng tingin. Sana naman makuha niya ang mensahe.

"She should be. She got Drake's attention."

"Cmon! Pati ba naman ikaw Vince?! At tsaka ikaw Drake bakit hindi ka pa nag so- sorry sa kanya???" I knew Drake would want to apologize. I can sense it.

" I have no reason to do that." parang walang pakialam na sabi ni Drake.

"What?? Anong wala? You almost killed her!" I can't believe Drake.

"Tumahimik na kayo." pagpapatigil sa amin ni Jiro.

Tsaka naman pumasok ang isang lalaki na kakikitaan mo ng authority sa unang tingin mo palang. Kasunod niya ang tatlo pa.

Silang apat ang mga elders. Sila ang pinakapinuno ng council.

Sila ang mga nagsisilbing taga advise ng mga hari at reyna ng Eternus.

Kadalasan ay nasa Eternus lang sila namamalagi ngunit nay mga pagkakataon pa rin naman na pumupunta sila dito sa mundo ng mga tao. Yun ay kung kinakailangan.

Just like now. Wala kaming idea kung ano ang pakay nila ngayon but one thing is for sure. Its something serious. Hindi pupunta dito ang council kung hindi seryoso ang bagay na nais nilang pag usapan.

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon