CHAPTER 2

233 45 142
                                    

Third person's POV


"Mahal na hari." nagbigay galang sina Elena at Eduardo sa hari at reyna pagkapasok nila ng palasyo.

"Elena! Tumayo naman agad ang reyna sa trono at sinalubong ng yakap si Elena.

"Magandang araw ho mahal na reyna." yumukod ulit si Elena pagkatapos siyang yakapin ng reyna.

"Kamusta ang aking anak?" puno ng pananabik ang mga mata ng reyna.

"Mabuti ho ang kanyang kalagayan kamahalan. Ngunit mayroon sana kaming sasabihin sa inyo ng hari." ang asawa ni Elena na si Eduardo ang sumagot sa tanong ng reyna.

"Ano iyon?" tanong ng hari na lumapit sa kanila.

Nagkatinginan lang ang mag-asawang sina Elena at Eduardo kaya minarapat ng reyna na ayain nalang sila sa silid aklatan ng palasyo upang makapag-usap ng masinsinan.

"Ano ba ang gusto niyong sabihin sa amin Eduardo?" batid sa boses ng reyna ang pag-aalala.

"Ang mahal na prinsesa po kamahalan, gusto niya pong lumipat ng paaralan."

"Saang paaralan?" takang tanong ng hari.

"Sa Knight Academy." magkasabay na sagot ng mag-asawa. Sabay namang napalingon ang hari at reyna sa isa't isa.

"Unti unti ng nangyayari ang kinakatakutan namin." nasabi ng hari sa kanyang sarili.




Amber's POV


"Yahoo! Yes! Yehey!"

"Ano ba Amber. Ang sakit sa tenga!"

"Kuya Stephen naman eh! Kasi ang saya saya ko." sagot ko kay kuya.

"Alam ko. Obvious naman eh." kasalukuyan kasi siyang nagmamaneho habang ako naman eh nakasakay sa harapan.

Ipagsho-shopping niya daw ako para handa na ako sa first day of classes ko sa Knight Academy next week. Yes na yes! Pinayagan na ako nina mom and dad. Kagabi ko lang nalaman. Kaya kinulit ko si kuya na ibili ako ng ibang gamit. Kahit naman kasi hindi kami mayaman, may kaya din naman kami sa buhay kahit papano. Kumbaga average level ganun. Hahaha!

"Teka kuya! Bat may kakilala ka sa Knight?" di ko mapigilang itanong. Hindi naman kasi siya dun nag-aaral. Sa Prince University nag-aaral si kuya at graduating na sa Law. Opo! Abogado po ang kuya ko. Hahaha! Isang napakagwapong lawyer lang naman. Oh diba? San ka pa? Hahaha!

"Basta! Wag ka nang magtanong."

"Hmp. Sungit!" tsaka ko siya inirapan.

"Sungit pala ha!"

"Uy kuya! Sumbong kita kay dad! Hoy!" binilisan niya kasi yung pagpapatakbo.

"Sinong masungit?"

"Ha? May masungit ba? Wala naman ah!" pagmamaang- maangan ko. Mahirap na.

"Yun naman pala eh. Hahaha!" natatawang sagot ni kuya tsaka ibinalik sa normal ang takbo ng sasakyan.

Basta nagbonding lang kaming dalawa. Ibinili niya ako ng mga bagong gamit. Pati nga uniform ko siya na din bumili eh. Hahaha! Wala ngang nagastos sila mom and dad kahit piso.

Na- shock nga ako eh. Yung uniform namin, 20k isang pair? Di naman sila nahiya sa mga ready made na uniforms na ibinibenta sa Divisoria. Yung 500 mo ang daming pairs na! Dito isang buwang sahod mo isang pares lang. Kaloka! Ayun tuloy! Isang pair lang pinabili ko. Nakakahiya naman kay kuya.

Yung uniform nga pala namin white long sleeves with blue necktie sa loob tapos may pinapatong kami na kulay mocha na jacket tapos may logo ng Knight Academy sa upper left corner. Tapos yung palda naman namin, blue din. Maiksi nga eh. Tapos bahala na daw kami sa shoes. Yung sa boys hindi ko alam. Di ko pa kasi nakikita yung sa kanila.

Pagdating namin sa mall ay agad akong dinala ni kuya sa Natio. Namili kami ng mga notebooks, ballpen, at kung anu ano pang mga ka ek- ekan sa school. Pagkatapos, diretso naman kami sa mga botiques. Pinamili niya ako ng mga bagong damit. Tapos nung napagod na kami, dinala niya ako sa foodcourt.

"Ang daya mo naman kuya! Sasabihin ko pa sanang ang dami mong pera. Kaso sa foodcourt mo ko dinala." nagmamaktol na sabi ko habang tinitingnan ang inorder naming pagkain. Nandito na kami sa foodcourt.

Si kuya maganang- maganang kumain. Hindi na nga napapansin ang mga babaeng panay ang tingin sa kanya.

Kaya ayaw ko kumain dito sa foudcourt pag kasama siya eh. Ang daming higad! Nakakainis! Wag niyong i- misunderstand ha. Okay naman ako sa foodcourt. Madalas akong kumakain dito lalo na pag nagtitipid ako kaso pag andiyan si kuya ayoko talaga eh! Maraming papansin. Eto namang kapatid ko, patay malisya lang.

"Are you gonna eat your food? Baka gusto mong sakin nalang?" binanewala niya lang yung sinabi ko at kukunin pa sana ang food ko.

"Heh! Ang takaw mo!" inirapan ko siya tsaka nag-umpisa ng kumain. Tumawa naman siya ng pagkalakas- lakas na siyang nagpalingon sa mga tao sa kanya.

"Hahahaha! Ako? Baka ikaw! Hahaha!" panay pa rin ang tawa niya. Yung mga tao tuloy nagbubulungan.

"Uy! Tingnan mo ang gwapo!"

"Girl! Di sila bagay nung kasama niya. Ang pangit. Di match kay pogi yung beauty niya."

"Gosh! Artista ba yan? Model? Sana model ng briefs!"

Ano daw???????? Model ng briefs??? Kaloka!

"Behave!" napatingin naman ako kay kuya. Nakangisi ang loko.

"Anong behave?" masungit na tanong ko sa kanya.

"Hindi maipinta yang mukha mo. Baka manugod ka na naman."

"Susugurin ko talaga sila pag di pa sila tumigil."

"Hahahaha!"

"Wag ka ngang tawa ng tawa kuya! Your getting their attention diyan sa tawa mo eh!"

"Hahaha! Fine. Ang cute mo kasi. Pero gusto mo bang tumigil na sila sa kakatingin saten?" bulong niya.

"Yeaaah! Sino bang may ayaw?" pagtataray ko.

"Lapit ka."

"Ha? Punta ako diyan sa side mo?"

"Hindi. Lapit mo lang yung mukha mo."

"Okay." inilapit ko naman yung mukha ko. Pero laking gulat ko nalang ng inilapit din ni kuya yung mukha niya sakin. Sobrang lapit niya sakin. Napatitig naman ako saglit sa kanya tapos biglang mabilis niyang hinalikan ang ilong ko.

It took me seconds to realize what he just did.

"Kuya!!!" mahina pero mariin kong sabi. Tapos tumawa na naman siya.

"Hahaha! Ang cute mo. Aray! Aray! Hoy! Hahahaha!"

Pinapalo ko siya sa balikat.

Kaloka! Anong klaseng joke ba yun???

"Kainis ka naman eh!"

"Hahahaha!"

Actually makulit talaga ako. Makulit ako sa family ko. Pero mas makulit ako pag si kuya ang kasama ko. Hahahaha!



Author's note:

Thank you sa mga magbabasa neto. Please continue to support^-^... mwahugs!

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon