CHAPTER 5

137 40 69
                                    

Author's note:

Hello sa lahat. Sorry kung natagalan sa pag update ha. May inaasikaso lang ako. Tsaka hindi ko din alam kung pano ipagpatuloy yung story. Aaaang daming scenes na nagpi- play sa utak ko. Gulo gulo na. HAHAHA! Anyways.. Eto na ang update. Enjoy^-^




Amber's POV


Nandito ako ngayon sa canteen. Kumakain ng lunch.

Kaloka! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Nang dahil sa incident na yun, wala ni isa sa class namin ang nag take ng break.

Alam niyo kong bakit? Dahil silang lahat nakamasid lang samin.

Imagine??! Inutos nung Drake sa mga friends niya na wag akong pakawalan at di ako hayaang makapag break. Kahit ano namang pagpupumiglas ang gawin ko, hindi parin ako makawala.

Kaya naman, ang ending. Nakatayo lang ako buong recess time habang hawak- hawak naman ako ng dalawang unggoy sa magkabilang sides ko.

Alam ko may mga naiinis sakin. Mostly sa kanila mga babae. Di ko naman i-dedeny. Rinig ko yung mga bulung-bulungan nila tungkol sakin. At syempre! Di nakaligtas sakin yung mga tingin nila. Mga tingin na parang papatay. May isa pa nga na super nakakatakot talaga yung tingin. Parang kakainin na nga niya ako ng buhay eh.

Aaaaargh! Kaloka! Ano ba tong napasukan ko? Di ata tama na mag transfer ako dito eh! Kasi naman, di ko feel masyado yung old school ko. May mga friends din naman ako pero hindi ko talaga sila naging close. Ang aarte kaya ng mga yun. Ang malas ko nga siguro at parang lahat nalang ng school na pinapasukan ko eh ang we-weird.

Pero kung iisipin kung mabuti, di hamak na mas weird naman to noh.

"Excuse me?" isang mataray na excuse me ang nagpatigil sakin sa pag-iisip. Sino naman to? Agad akong nag-angat ng tingin sa kung sino man yung nagsalita.

Isang napaka as in napaka talaga. Napakagandang babae ang nasa harapan ko ngayon. Kung gano siya kaganda, ganun naman kasimangot yung mukha niya sakin.

"Uhm..Yes?" sagot ko.

"That's my seat if you dont know." nakataas ang kilay na sabi ni ganda. Pero ang sungit naman.

"Im sorry. Wala naman kasing nakalagay na pangalan." sarcastic kong sagot. Bahala siya. Hindi ako nag transfer dito para lang away-awayin.

Tumayo na ako agad at naglakad na paalis dala ang mga pagkain ko sa tray. Why make it a big deal? Upuan lang naman yun. Pero kahit na di ko pinalaki yung issue nung brat na yun, hindi naman ako papayag na hindi niya ako i treat ng maayos noh. Ano siya siniswerte??!

Kaya nga wala akong naka close dun sa dati kong school eh. Kasi ganito na ako mapa noon pa. Kung ayaw ko sa tao, ayaw ko talaga. Kung feel ko naman na ayaw mo sakin, eh di bahala ka. Hindi ako maglulupasay sa sahig para i- please ka. O kung sino mang tao noh. Kaloka!

Tumitingin ako sa paligid para maghanap ng bakante only to find out na halos lahat pala nakatingin sakin. What's with all their faces?

"Oh my gosh. She dared to talk back to Trisha."

"Girl! She is sooo in trouble."

"She's the new student right?"

"Ke bago bago, attitude na agad."

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulong-bulongan na obviously ay hindi naman bulong kasi naririnig ko.

Gosh! Ano ba talaga tong napasok ko? Nagkibit balikat nalang ako at umupo na sa may isang bakanteng mesa sa sulok.

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon