CHAPTER 3

186 46 108
                                    

Amber's POV


Pagkatapos naming kumain ni kuya, nag- aya na siyang umuwi. Marami pa daw siyang dapat asikasuhin.

Papunta na kami ngayon sa parking lot. Pagkalabas namin ng elevator sa basement, napansin ko na palinga- linga si kuya.

"Kuya? Is there any problem?" takang tanong ko. Parang di kasi siya mapakali eh.

"Nope! Punta ka na sa kotse, susunod ako."

"Why?"

"Basta sundin mo ako. Wag matigas ang ulo."

"Hmmm...Fine!"

Aalis na sana ako papunta sa sasakyan ng may biglang humarang sakin.

"Not so fast miss!" teka! Ba't parang bigla nalang tong lumitaw sa harapan ko? Wala naman to kanina ah.

Umatras naman ako kaagad ng mapansin kong humahakbang siya papalapit sakin.

Nagulat nalang ako ng bigla bigla eh nasa harapan ko na si kuya.

"What do you want?" ang lamig ng boses ni kuya. Ngayon ko lang siya narinig ng ganito.

"Who's this lady with you?"

"Leave her alone." mahina pero mariing sagot ni kuya.

"Hahahahaha! Madali akong kausap ewan lang sa mga kasama ko."

"Stephen Wayne." May bigla nalang nagsalita sa bandang gilid namin ni kuya. Paglingon ko, lumantad sakin ang isang ala Lee Min Ho na lalaki. Syet! Ang gwapo, ang cool tingnan. Pero nakakatakot!

Nang akmang lalapit samin yung guy, hinawakan agad ako ni kuya sa kamay at inilagay sa likuran niya sabay atras.

"Kuya." mahinang sambit ko. Naramdaman ko kasi ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko.

"Pumunta ka na sa kotse." mahinang sabi ni kuya. Hindi siya sakin nakatingin pero alam kong ako ang kinakausap niya.

"Ha? Pano ka?"

"Hintayin mo ako dun."

"Ha? Ayoko! Baka ano pang gawin sayo ng mga ugok na to." mahina kong sabi.

"Makinig ka sakin Amber. This is not the time para pairalin mo ang katigasan ng ulo mo."

"Pero Ku-"

"Please." minsan lang yang mag please kaya alam ko na seryoso talaga siya.

"Fine. Just make sure na okay ka lang."

"Tsk. Ako pa. Bibilang ako ng tatlo. After 3, you run. Pumunta ka ng kotse at umuwi ka na"

"Ha? Akala ko ba hihintayin kita."

"One."

"Kuya!" mariin kong bulong sa kanya habang nasa likuran niya parin ako.

"Wag matigas ang ulo. Two."

"Eeeeeh!"

"Three!"

"Shocks!" agad naman akong tumakbo. Mahirap suwayin si kuya. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makarating na ako ng sasakyan.

I quickly grabbed the keys inside my purse. Buti nalang talaga ako ang nagdadala ng car keys pag magkasama kami ni kuya.

Papasok na sana ako kaso may humigit sakin at binuhat ako.

"Aray! Put me down!"

"Hahaha! Later missy!"

"Ano ba! Sino ka ba???!" pinagpapalo ko lang yung bumuhat sakin.

"Are you Stephen's girl?" may isa pa palang kasama tong pangit na to. Di ko nahalata ah. Sumabay siya sa paglalakad netong may dala sakin.

After ilang sandali, binaba naman nila agad ako.

"Ano bang problema mo?" sigaw ko pagkababa niya sakin. Agad ko siyang itinulak pero parang wala lang sa kanya yun dahil nakangisi pa ang loko. Parehas silang dalawa ng isa niyang kasama na nakangisi habang nakatingin sa likod ko. Ha? Ano bang tinitingnan nila?

Nagulat naman ako paglingon ko, si kuya kasama nung guy na nangharang samin kanina tapos may dugo ang gilid ng labi neto.

"Kuya!" lalapitan ko na sana siya pero pinigilan naman ako ng dalawang nasa likuran ko.

"Kuya daw!" sabi nung isang guy na kasama ng may hawak sakin.

"Your sister, Wayne?" sarcastic na tanong nung si Lee Min Ho. Este nung guy na parang si Lee Min Ho. Shocks! Ano bang nangyayari sakin? Nasa bingit kami ng kapahamakan pero na-aapreciate ko pa ang ka-gwapohan ng lalaking to.

"Leave her out of this!" matigas namang sabi ni kuya.

"Hahahaha!" tumawa lang ng malakas yung si Lee Min Ho tapos humakbang papalapit sakin. Tapos pinakatitigan ako.

"Damn you Drake! Wag na wag kang magkakamaling saktan siya!" sigaw ni kuya at nagpupumilit na makawala dun sa may hawak sa kanya.

Ngumisi lang yung si Drake. Yan pala ang pangalan niya. Tapos, biglang hinawakan ang dulo ng buhok ko. Napatitig naman ako sa kanya.

"A mortal huh?" tapos nang-uuyam siyang ngumisi sakin.

Hindi naman ako makapagsalita. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

"Leave her alone!" galit na sigaw ni kuya habang nagpupumiglas pa rin.

Umalis naman yung Drake sa harapan ko at nilapitan si kuya.

"How does it feel?" malamig niyang sabi kay kuya na nakayuko para magkapantay ang mukha nila.

"I dont know what your talking about."

"Wag kang magmaang-maangan Wayne. How did you feel when I held your sister's hair? Any fears?"

Hindi siya sinagot ni kuya.

"You don't know how much I want to kill you for taking what's mine!" mahina at mariin na pagkasabi ni Drake kay kuya.

Pagak namang tumawa si kuya na siyang ikinainis siguro ni Drake at sinuntok si kuya bigla sa mukha.

"Kuya!" napasigaw nalang ako.

"Hah! I didn't take her away from you. Siya mismo ang lumapit sakin."

"You expect me to believe that crap?!"

"Ilang taon na ba Drake? Its been 2 years for fuck's sake!"

"Yun yung problema ko. Hindi mawawala ang galit ko hangga't hindi kita napapatay!" galit na sabi nung Drake.

"Get a hold of your self Drake! Wake up! Hindi ka niya minahal! Ginamit ka niya! Habang kayo pa, nagpapakita na siya ng motibo sakin. At kahit kailan hindi ko siya pinansin! Hindi ko magagawa yun!" mahabang paliwanag ni kuya. Teka! Ano bang pinag-uusapan nila?

"Tinuring kitang parang kapatid ko Wayne! Pero trinaydor mo ako!" sagot ni Drake. Bakit ba sila nag-aaway? Ano bang nangyari?

"Maniwala ka pare. Hindi ko ginawa sayo yun."

Hindi nakinig si Drake sa sinabi ni kuya. Imbes na sagutin siya ay sinuntok pa niya ulit ito.

"Kuya!" hindi ko alam kung sadyang maluwag lang yung pagkakahawak sakin ng kasama ni Drake o nakahanap lang talaga ako ng tyempo kaya nakawala ako.

Nang makalapit na ako kina kuya, agad kong itinulak si Drake palayo ng akmang susuntukin na naman sana niya si kuya.

Dinaluhan ko agad si kuya Stephen. Akala ko naman ay lalapit ulit yung si Drake samin pero umalis na siya at sinenyasan din ang mga kasama niya na umalis na.

"Hindi pa tayo tapos Wayne." yun lang ang malamig na sinabi ni Drake at basta nalang naglakad palayo.

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon