CHAPTER 13

86 13 12
                                    

Amber's POV


How many weeks have passed since that incident? Hindi ko na maalala. Siguro dahil medyo matagal na... or maybe because I don't want to remember.

It was the first time I saw my brother that quiet.


My brother is carrying me going towards his car. Hindi pa siya nagsasalita simula ng biglang mag walk- out si Drake at umalis sina Charm upang sundan ang kapatid niya.

His hands are gently wrapped around me. Ramdam ko na ingat na ingat siya sa pagbubuhat sa akin na para bang isa akong babasaging bagay.

Dahan- danan niya akong pinaupo sa front passenger's seat ng marating namin ang kanyang sasakyan. Without uttering a word, he then fastened my seatbelt and closed the door.

Mula sa loob ng sasakyan ay nakita ko kung paano siya napasabunot sa kanyang buhok bago naglakad papuntang driver's seat.

I immediately felt guilty. Malamang ay frustrated ngayon ang aking kapatid. 

This is my fault. I made him like this.

He kept his mouth shut the entire time we traveled.

Mula sa pagpasok sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa harap ng bahay  ay hindi parin siya nagsasalita.

HIndi ako sanay. 

I just can't stand this.

"Kuya."

"We're here. Kaya mo bang maglakad?" parang gusto kong maiyak pagkakita sa mukha ni kuya.

What did I do to deserve this treatment?

Here I am causing problems and making him worry. Imbes na sermon ang makuha, I get a smiling face from him instead.

I don't deserve this.  Agad kong tinanggal ang seatbelt ko.

"I'm sorry kuya!" I felt him stiffened when I suddenly hugged him.

I can't help my tears from flowing. 

"I'm sorry kuya. I shouldn't have done that. Hindi na dapat ako nakialam pa. Hindi kita dapat pinag- alala." I continued saying while crying.

He did not answer... which caused me to cry even more.

No..maybe he is mad at me.

Ayoko! Ayoko ng ganito. Sumisikip ang dibdib ko.

I felt him moved. He slowly wrapped his arms around me, hugging me back.

Mas lalo kung isiniksik ang sarili sa kanya ng maramdaman ang pagyakap niya sa akin.

I somehow felt relieved. He is hugging me. Ibig sabihin ay hindi na siya galit.

Thank goodness.

HInigpitan ko ang yakap sa kanya causing him to hug me even tighter.

Kuya Stephen's hugs are always like this. It feels warm and I feel safe.

We continued to be like that for a bit more... ng bigla ko nalang maisip si Drake.

I wonder if he is okay. He ended up protecting me imbes na ako dapat ang magligtas sa kanya.

For some reason, sumikip ulit ang dibdib ko.


"Alright. That's it for today!" natauhan ako ng magsalita ang aming guro.

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon