CHAPTER 19

47 5 0
                                    

Charm's POV


"It's good to see you here Stephen." agad kong binati si Stephen ng makita sa loob ng auction hall.

"It's good to see you too Charm. How's everything?" cool na sagot niya na para bang walang nangyari nung nakaraang linggo.

"What are you doing here?"

Wala talagang manners tong kapatid ko. Basta- basta nalang sumasabat sa mga nag-uusap. Prente siyang nakatayo habang sumisimsim ng wine. Kung titingnan mo siya ngayon ay hindi mo aakalain na may kinakusap na pala siya sa kanyang isipan.

"I was invited."

"Who invited you?"

"I don't have to report everything to you."

"Stephen bro!" biglang dumating ang tatlong unggoy na pinangungunahan ni Tyler ngayon.

"Friends na ba tayo ulit ni Stephen?

"Syempre naman couz! He is Amber's brother. Malamang friend na natin siya ulit."

Kahit kailan talaga itong sina Vince at Tyler, kahit saan mo ilagay, hinding- hindi mawawala ang kabaliwan.

"Who told you that were friends?" blankong sabi ni Stephen bago lumayo sa amin.

"Sinasabi na nga ba! Mali ka couz!" inupakan naman agad ni Vince si Tyler pagkatapos marining ang sinabi ni Stephen.

"Stop it you two. You're getting attention." pagpapa-alala ni Jiro sa dalawa.

"How is she?"

Narinig ko pang pahabol na tanong ni Drake bago tuluyang makalayo si Stephen sa amin.

Instead of answering, Stephen just smirked and walked away.

"What a pain in the ass!"

Sinamaan ko lang ng tingin si Drake habang nagkukulitan sina Tyler at Vince at pilit silang pinapatahimik ni Jiro.

May kakayahan kaming kontrolin kung sino lang nag pwedeng makarining sa aming pag- uusap gamit ang isipan.








Amber's POV


Bakit ba kasi nangyari payong incident last week. Ito tuloy, naging sobrang higpit nina mom and dad, lalong- lalo na si kuya. Hindi ako makalabas ng bahay kung hindi ko kasama ang magaling kong kapatid. Bahay- school lang din ang naging takbo ng araw ko since that day.

I am so confused as to why that happened and what the hell happened. Bigla nalang naging tinted ang mga bintana ng sasakyan at hindi ko na magawa pang malaman kung ano ang nangyayari sa labas.

I didn't even know that I passed out. Ang tanging naaalala ko lang ay nasa kwarto na ako dito sa bahay pagkagising ko.

Mula sa pagbabasa ay narinig ko ang mahinang katok sa aking pinto.

"Anak?'

"Bukas po yan."

"Are you gonna be okay here?" tanong ni mom pagkabukas ng pintuan.

"Yes mom." nakangiti kong sagot sabay bangon mula sa pagkakaupo sa bed at lumapit kay mommy.

"You promised me kanina na dito ka lang sa bahay."

"I will keep the promise mom. Dito lang ako sa bahay."

"Hon? Let's go? Mali- late na tayo sa auction." pumasok si daddy sa room.

"Alright hon. Amber?"

"Mom. I promise that I will stay here. Hindi ako aalis."

"Wag na wag kang magpapasok ng hindi mo kilala."

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon