CHAPTER 7

135 32 26
                                    

Hello again. Sorry pero diko ma view yung pinublish ko for chaper 7 kaya publish ko nalang ulit ha. To make sure😄




Charm's POV


"Where's your brother Charm?" Tanong sakin ni mom habang inaayos ang table napkin sa lap niya. Kasalukuyan kaming nagdi-dinner ngayon. Actually paumpisa pa lang. Andito na si mom and dad. Si Drake nalang ang wala.

"Baka kasama sina Jiro mom. Mukhang may lakad kasi silang apat eh." Sagot ko. It's better to be in the safe side. Baka kung ano pang masabi ko.

"Tingnan mo yung apat na yun, since mga bata pa sila hindi na ata mapaghiwalay." Komento ni dad habang naglalagay ng pagkain sa plato niya.

"Oo nga naman. Parang magkakapatid lang." Sagot naman ni mom.

"Eeeeew! Wala akong mga kapatid na baliw." Pabiro kong sabi. But yeah! Jokes are always half meant. HAHAHAHA! Mga baliw naman kasi sila talaga.

"Ikaw Charm, di ka pa nagdadala ng friend mo dito sa bahay. Wala ka bang kaibigan sa school?" Biglang tanong ni mom.

"Mommy naman! Syempre meron. Kaso di ko sila ganun ka close."

"May kaibigan bang hindi ganun ka close?" Si dad na yung nagtanong. Aba aba! Parang interesado ata sila sa friendlife ko tonight ah.

"Yes dad. Kasi ang friendship, may levels yan. Yung mga friends ko ngayon nasa level 0.5 lang." I explained.

"Hindi man lang umabot ng level 1 baby?" Ayan na naman si mommy eh. Baby ng baby eh hindi na naman ako baby.

"Yes mom. Kasi yung level 1 na friend, yung ipapakilala sa parents. Level 2 pag dinala sa bahay. Tapos level 3 pag pinag sleep over na." Nakangiti kong sagot.

"Ohw." Tanging sagot lang ni dad. Hmp! Tipid naman eh.

"Pano ka pa magkakaboyfriend niyan Charm kung pati pakikipagkaibigan eh naka base pa sa level for you." Parang di naman makapaniwalang sambit ni mom.

"Victoria pabayaan mo nalang ang iyong anak."

" Kung sa bagay. Hindi rin naman nararapat na magkaboyfriend ka dito. Wala din iyong magiging saysay."

Nang dahil sa isinagot ni mom, hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari kanina sa cafeteria. Hindi ko maiwasang maisip kung ano ba talaga ako, kung ano ba talaga kami.

Flashback:

Sa isang iglap bigla nalang nasa harapan na ni Amber si kuya na nanlilisik ang mga mata.

Kitang kita ko sa mukha ni Amber ang magkahalong gulat at takot.

Nang akmang lalapitan nina Vince ang Tyler si kuya ay basta nalang silang tumilapon.

"Oh my gosh kuya! Stop!" I was horrified when I saw him pushing Amber against the wall at sabay na sinakal.

"L-eet mm-e go!" Nahihirapang sambit ni Amber.

"YOU SHUT UP! I'll kill you!" Tila walang pakialam si kuya kung mapatay man nga niya ng tuluyan si Amber.

MY GOSH!!!! Hindi pwede to!

Lalapit na sana ako para pigilan si kuya only to see Jiro in my front.

"Move Jiro."

"I wont."

"Ano ba??! Mapapatay ni kuya si Amber pag hindi natin siya pipigilan!"

"Watch closely. Observe Charm."

ETERNUS: The Hidden Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon