Sa panaginip ko, kasama pa kita - Buhay, nakangiti, at naghahabulan sa malawak na damuhan. Hinahabol mo 'ko dahil gusto mo ng isang halik, o dapat ko nga sigurong sabihin, isang banayad, matagal, o isang masarap na halik. Siguro dapat hindi na lang ako nagpahabol sa'yo. Nagkamali ako. Dapat pala hindi na lang ako nagpakipot pa sa gusto mong mangyare. Dapat sinunod ko na lang ang gusto mo... kung alam ko lang sana...
Sa panaginip na 'yon, masaya tayo, at tuwang-tuwa ako kapag nakikita ko ang reaksyon mo kapag naaabutan mo 'ko. Masyado kang mabilis. Nang maabutan mo 'ko, agad mo akong niyakap, tinignan sa mukha, nilagay ang kamay sa bewang ko, at saka paunti-unting ilalapit ang mukha.
At dahil sa panaginip lang ang lahat, hindi natuloy ang paghalik mo sa labi ko.
Nagising akong yakap-yakap ang unan ko, may luha sa mga mata, at walang ikaw sa kama. Bumangon ako. Inalis ang mga luha sa mata, saka nilibot ang tingin sa buong kwarto. Kagaya ng dati, walang ikaw.
At nang madapo ang tingin ko sa kama natin, isang bagay ang nagpabilis nang tibok ng puso ko. Nilipitan ko ang papel, binuksan, at nang makita ko kung sino ang nagsulat, agad ko itong binalik sa pagkakatupi.
Napaupo ako sa kama habang ang mga luha sa mata ay dahan-dahang dumadaloy. Alam ko na ang rason. Nawala ka na... Wala ng tayo.
BINABASA MO ANG
Loving Him (Bisexual Lovestory)
JugendliteraturLalake siya. Alam niya 'yon. Pero dahil sa isang pangyayareng hindi niya inaasahan, nagbago ang nalalaman niya sa kanyang sarili. "Ang Pag-ibig ay hindi pinipilit, kusa itong nararamdaman. At kapag nangyare na, wala ka nang kawala. Mali man o tama,"