Past 5

183 35 44
                                    

Hindi ko alam kung ano ang meron sa araw na 'to.

Kaninang umaga, nagising akong lampas na sa tamang oras ang paggising ko. Wala na si Rey sa kama niya at nang tumingin ako sa orasan, mas mabilis pa sa kilos ng magnanakaw ang naging kilos ko dahil 15 minutes na lang, late na ako sa subject ni Ma'am Ramos.

Alam kong ginawa ko naman ang lahat, naging instant runner pa nga ako para lang maka-abot sa tamang oras. Pero sadyang minamalas lang talaga ako ngayon, dahil habang palihim akong pumapasok sa classroom namin habang nakatalikod ang demonyo naming guro, bigla ko na lamang na tabig ang mga libro ng kaklase kong si Kyle. Napatingin lahat sa direksyon ko, at nang makita kong nakatingin na rin sa'kin si Ma'am gamit ang kanyang nanlilisik na mga mata, wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lang at maglakad-lakad sa buong campus.

Kung tutuusin, karugtong lang naman ng mga kamalasan ko kahapon ang mga nangyayare ngayon. Kung hindi lang sana ako sumama kay Lordjimms kagabi, edi sana hindi ako nalipasan ng gutom. Idagdag mo pa si Mat. Napuyat ako kakaisip sa kanya, I mean, sa kakaisip kung bakit ganyan siya. Minsan ang sama niyang makatingin sa'kin, samantalang sa ibang kaklase ko naman ay hindi naman. At 'yong pagmamalasakit niya sa ibang tao, masyadong... hindi bagay sa pagkatao niya. At kapag naaalala ko kung pa'no niya ako pakainin ng lugaw kagabi, may parte sa loob ko na nagtatalo-talo.

Kaya habang naka-upo ako sa may canteen – walang kausap at walang kasama habang hinihintay ang next period, napagpasyahan kong kausapin siya. Siguro kailangan niya lang ng kaibigang kagaya namin ni Lordjimms para maipakita niya ang tunay na siya. Hindi niya naman kailangan magpanggap na mabait siya o mayabang o siga, o kung ano pa man sa harap namin. O siguro, ginagawa niya lang ang lahat ng 'to para mapaaga ang pagbalik niya sa Bikol, at para mabalikan niya ang mga mahahalagang tao sa lugar na pinanggalingan niya. Sa madaling salita, naaawa ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng mga magulang niya kung bakit siya pinadala sa mala-demonyo niyang Auntie. Siguro, babaero siya? Siguro, patapon ang buhay niya? O siguro, wala talagang nakakaalam, kahit siya...

Nang bumalik ako sa classroom namin, wala na si Ma'am Ramos, at magugulo na naman ang mga kaklase ko. Nakita kong naka-upo sa upuan ko si Raul, kinakausap si Mat.

"O, ba't ka pa pumasok ngayon? 'Di ba may lagnat ka?" nagtatakang tanong ni Raul nang mapansin niyang uupo na ako sa upuan ko. Tumayo siya.

"Hindi, no! Nalipasan lang kaya gano'n,"

Umupo ako sa aking upuan pagkasabi ko no'n. "Kamusta naman ang first period? Madugo ba?" tanong ko.

Biglang natawa si Raul dahil sa tanong ko. "Epic, Pare. Alam mo namang bawal ang ma-late sa klase niya, tapos papasok ka pa? Mabuti na lang, walang nadamay sa'min," sabi niya.

"Ayaw mo no'n? Edi damay-damay na tayo para masaya!" sabi ko habang natatawa. Totoo naman kasi. Sa mga katulad naming nasa lower section, natural na lang sa amin ang magalit ang mga subject teacher namin. Kung minsan nga, diyan pa kami nagiging masaya. Pero kapag si Ma'am Ramos naman ang pinag-uusapan, nagiging anghel na kami. Inosente pa nga kung minsan.

"Uhm, Pare. C.R. muna ko madali," Bigla akong natigil sa pagtawa nang biglang nagsalita si Mat. Tumayo siya saka tinanguan lang si Raul.

Seryoso na naman ang mukha niya. Kagaya ko, halata ring kulang din siya sa tulog. Nang makita kong nakalabas na siya ng classroom namin, saka naman ako tumayo na hindi man lang nililingon si Raul.

At dahil sa kamamadali ko, muntikan ko pang makabunggan si Divine. Kitang-kita ko kung pa'no niya iiwas ang mga tingin niya sa'kin. Naramdaman ko pa nga. Dahil nang mag-sorry ako sa kanya, tinanguan niya lang ako nang hindi tumitingin sa'kin. Bukod nga pala kay Mat, may isang tao pa akong dapat na kausapin nang masinsinan. Handa ako kung sumbatan niya man ako sa mga nagawa ko sa kanya. Dahil unang-una, ako naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi lang sana ako lumagpas sa limitasyon ko, hindi sana magiging ganito ang lahat. At isa pa, kailangan ko siyang balaan na mag-ingat sa kakambal ko.

Loving Him (Bisexual Lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon