Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang dumating sa section namin si Mat at ang tanging masasabi ko lang, wala akong pakialam. Sa totoo lang, kung iniisip niyang nakakalamang siya sa lahat, pwes, nagkakamali siya. Matalino lang naman siya sa Math, kaya parati siyang nilalapitan ng mga kaklase kong nagtatanga-tangahan para lang mapalapit sa kanya. Pero kung tutuusin, mas lamang pa rin ako sa ilang aspeto. Hindi nga ako matalino sa Math, pero mabait naman ako sa lahat. At isa pa, kahit bumagsak man ako sa subject ng Auntie niya, atleast hindi ako humingi ng tulong sa katulad niyang mayabang.
"Uy, Pare! Kamusta sagot natin diyan?" bungad sa'kin ni Lordjimms nang matapos siyang magpaturo kay Mat. Pinagpapawisan na 'ko kahit dalawa pa lang ang nasasagutan ko sa assignment namin. Kaya nang marinig ko si Lordjimms na tinatawanan ako, agad ko siyang binato ng sapatos. Tawa ako nang tawa nang madumihan ang uniform niya.
Galit na galit si Lordjimms dahil sa ginawa ko. "Tangna naman, Ran. Bakit damit ko pa? Suntukan na lang kayo tayong pvta ka?!"
Nag-walk out si Lordjimms habang ako naman ay tumatawa. Napikun yata. Sabagay, ugali niya na talaga ang magalit kapag sa damit o sa gamit niya ang pinupuntirya ko. Sanayan na lang 'yan, Lordjimms.
Nagtatawanan na ang ilan sa mga kaklase ko kaya hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanila. Nakita kong mas tumawa ang mga kaklase ko nang may ibulong si Erica kay Mat. Natawa naman ang gago kaya nagtawanan na rin ang lahat. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila, at wala akong ideya kung may tao ba silang pinag-uusapan dito. O pinagtatawanan.
"Uy, De Vera, hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong sa'kin ni Raul nang lumapit siya sa'kin at saka umupo. Umiling ako sa tanong niya. Sa oras na 'to, ayaw ko muna ng kausap. Kailangan kong tapusin ang assignment na 'to na hindi kumukopya sa iba at lalo't-lalo nang hindi humihingi ng tulong sa Mat na 'yon.
"Ano kaya kung magpatulong ka kay Mat? Paniguradong matututo ka pa," Bigla niyang kinuha ang papel ko nang walang paalam at inisa-isa itong tinignan.
"Number one, mali kaagad. Number two..." Napahinto si Raul sa pagsasalita at binigay sa'kin ang assignment ko. "Paturo ka na kaya kay Mat? Lahat ng sagot mo mali, e!"
Agad kong nilagay sa notebook ko ang papel na may laman ng mga sagot ko. "Kaya ko naman, e. Kailangan ko lang talaga ng sapat na oras,"
"E, pa'no yan? Mamaya na 'yang hapon ipapasa," sabi ni Raul.
May parte sa'kin na gusto nang lumapit kay Mat para magpaturo tungkol sa assignment naming walang kasing hirap sa hirap. Kaso ang kalahati ko naman ay nagsasabing 'wag. Isa pa, alam kong mayabang siya at walang lugar ang mayayabang para sa'kin. Naalala ko ang nangyare no'ng isang araw. Kung makatitig siya ay parang may ginawa ako sa kanyang masama, na sa pagkakaalam ko ay wala naman. Siguro naramdaman niya na mabigat ang loob ko sa kanya. Totoo 'yon, dahil sa sobrang kakaisip ko ng isasagot sa assignment at sa kayabangan niya, natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatingin sa kanya. At kapag minamalas ka nga naman, nakatingin rin siya sa'kin.
Sa pagkakataong ito, tumayo na siya at hindi ko na alam ang sasabihin ko nang tumabi siya sa kinauupuan ko. Naka-upo ako sa upuan ni Lordjimms ngayon. Nang makita niya ang papel ni Lordjimms na nakabalandra sa may tabing upuan, bigla niya itong kinuha at nilagay sa harap ng mesa ko.
"Gayahin mo na lang 'yan kung ayaw mong magpaturo sa'kin,"
Agad siyang bumalik sa kinauupuan niya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Naiwan ako sa inuupuan ko na parang tanga at puno ng tanong. Bakit gano'n siya? Ano bang plano niya? At ina-ano ko ba siya? Dahil sa totoo lang, hindi ko kailangan ang tulad niyang namamalasakit lang sa harap lang ng iba. Ang yabang-yabang niya, at kung makatingin, akala mo may nagawa akong mali. Kabago-bago niya pa lang sa paaralang ito pero parang naghahamon kagad siya ng away.
BINABASA MO ANG
Loving Him (Bisexual Lovestory)
Teen FictionLalake siya. Alam niya 'yon. Pero dahil sa isang pangyayareng hindi niya inaasahan, nagbago ang nalalaman niya sa kanyang sarili. "Ang Pag-ibig ay hindi pinipilit, kusa itong nararamdaman. At kapag nangyare na, wala ka nang kawala. Mali man o tama,"