Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa isip ko kung ano nga ba talaga ang gustong mangyare ni Ma'am Ramos sa mga buhay namin ni Mat.Dati ko nang nakasuntukan ang pamangkin niya. At batay sa nasaksihan niya, mas malakas at lamang ako ng ilang paligo ng lakas kay Mat. Alam niya rin na kahit anong oras at sa kahit anong lugar, pwede ulit masundan ng ilang rounds ang suntukan namin ng pamangkin niya.
Kalalabas lang namin sa faculty room. At kahit minuto pa lang ang nakakalipas, pakiramdam ko ay parang ang tagal namin sa loob. Dahil sa pesteng pagpapatawag sa'min ngayon, late na kami ng halos kalahating oras sa klase. At dahil dyan, hindi na namin alam kung saan kami pupunta habang hinhintay namin ang next subject. Ni isa nga sa amin, walang nagsasalita. Ni walang may balak mag tanong. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano nga ba ang iniisip ngayon ng lalakeng to.
Kung ako ang tatanungin, ito na ang pinakamalas sa swerte na dumating sa buhay ko. Bakit? E, kasi naman, sino ba ang matutuwang makasama ang taong iniiwasan mo? At ang masaklap pa, wala akong ibang choice kundi magpatianod na lang dahil ito lang ang pagkakataon para hindi ako lumagapak sa Math. Anak ka nga naman ng lintek! Maghapon na lang ba kaming ganito?
At dahil mukhang kapanig ko ang tadhana ngayon, nakita kong paparating mula sa malayo sina Lordjimms at sina Raul. Hindi pa nila kami nakikita kaya kahit nahihiya man akong hawakan siya sa kamay, mas mabilis pa sa kidlat ko siyang hinablot sa kamay at niyayang tumakbo.
Napatingin siya sa ginawa ko. Mukhang nabigla sa bigla kong pagkahawak sa kamay niya at pagtakbo naming dalawa. Ni hindi man lang siya nagreklamo. Dahil nang makita niya ang grupo nina Lordjimms na walang malay na lumalakad sa kahabaan ng path walk, mas dumoble pa ang bilis ng takbo niya na para bang pareho kami ng nararamdaman at kinatatakutan.
Hingal na hingal kaming pareho nang makarating kami sa rooftop ng hostel. Napaupo ako kahit alam kong madudumihan ang pants ko. Wala na yata akong pakialam. Basta makaiwas lang kina Lordjimms, ayos lang. Napaisip ako bigla sa ginawa namin ngayon ni Mat. May dapat nga ba akong katakutan at iwasan? 'Di ba wala naman kaming ginagawa ni Mat na masama? At kung anuman ang bawal na nararamdaman ko sa lalaking ito, kasalanan ko. Siguro tama nga yata sila. Isa akong...Napatigil ako sa pag-iisip nang makalanghap ako ng usok ng sigarilyo. At dahil hindi naman ako gumagamit nito, napatingin ako sa kanya at bahagyang lumayo ng kaunti dahil sa amoy ng usok nito.
"Ay. S-sorry," sabi niya at mabilis na inapakan ang hindi naubos na sigarilyo.
"Sorry rin,"
Napakunot siya ng noo na para bang may mali sa sinabi ko. "Para naman saan?"
Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Para sa pagsira ng oras mo. Dahil sa'kin, naabala ka. Dahil din sa'kin, nagkaroon ka ng responsibilidad,"
"At isa pa, Pare, sorry sa nangyare noon,"
Habang nagsasalita ako, hindi ko maiwasan na gantihan ang mga titig niya sa'kin ngayon. At habang ginagawa ko 'yon, pakiramdam ko, nakakailang kung tatawagin ko siya sa tawag na 'pare' o sa kahit ano pa mang tawag dahil hindi pa naman kami magkaibigan.Pagkatapos kong magsalita, siya naman ang huminga ng malalim. Pero sa pagkakataong ito, nakatingin na siya sa baba ng building.
"Kalimutan mo na 'yon. Past is fast,"
Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Mukhang mali, e. Pero sa pagkakataong ito, nakangiti na siya.
"Ibig kong sabihin, mabilis kumilos ang nakaraan. At hindi ko man lang nga namalayan, dahil sa bilis nito, mahal na pala kita,"Agad akong napatingin sa suot kong relo dahil sa pag-ring ng bell. May sinabi siya sa huli. Sino raw ang mahal niya?
"Huh? Anong sabi mo?" Tanong ko dahil hindi ko talaga narinig. Pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko, tumawa lang siya sa sinabi niya at tumingin din sa kanyang relo.
BINABASA MO ANG
Loving Him (Bisexual Lovestory)
Teen FictionLalake siya. Alam niya 'yon. Pero dahil sa isang pangyayareng hindi niya inaasahan, nagbago ang nalalaman niya sa kanyang sarili. "Ang Pag-ibig ay hindi pinipilit, kusa itong nararamdaman. At kapag nangyare na, wala ka nang kawala. Mali man o tama,"