May iba sa araw na 'to. O dapat ko yatang sabihin, may himala ngayong araw na 'to. Maagang nagising si Rey kesa sa'kin, at habang papalabas ako ng pinto para pumasok na sa paaralan, bigla ko siyang nakita sa gate namin, hinihintay ako.
"May hinihintay ka ba?" biro ko sa kanya habang natatawa. Tinanguan ko siya, kagaya ng ginagawa namin kapag nagkakasalubong kami sa paaralan. Kung hindi mo kami kilala, masasabi mong hindi talaga kami kambal. Malayong-malayo ang mukha ko sa kanya. Pabilog ang mukha niya at matured kung titignan, samantalang ako naman ay pahaba at may pagka-baby face.
Nakita kong gumalaw ang panga niya. Senyales na may seryoso kaming pag-uusapan. At dahil sa malapit na kaming ma-late, nilagpasan ko siya at pinara ang nakita kong dadaan na tricycle. Muntikan ko pa siyang masuntok sa braso nang unahan niya ako sa pagsakay. Narinig kong tumawa siya, at nang tignan ko, ayon, balik na naman siya sa pagiging seryoso niya.
Mabilis na umandar ang sinasakyan namin, at may himala na namang nangyare dahil walang traffic ngayon.
"Nililigawan mo ba si Divine?"
Napatingin ako kay Rey dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Divine kahapon. Madali lang naman kami nag-usap pero sapat na 'yon para masaktan ko si Divine. Inaamin kong wala pa akong karanasan sa pagpasok sa isang relasyon. Hindi ko alam na dahil pala sa pagiging malapit ko sa kanya at palaging pag-text sa kanya gabi-gabi ay mahuhulog siya sa'kin. Wala akong ideya na aabot kami sa gano'n. Kaibigan ko lang si Divine. Isang maganda at mabuting kaibigan.
"Hindi. Bakit mo naman natanong 'yan?"
Sa ikalawang pagkakataon, nakita kong gumalaw na naman ang panga niya. Gano'n siya kapag may malalim na iniisip. At kung ano man ang bumabagabag sa isip niya, alam kong tungkol ito kay Divine. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na magtiwala siya sa'kin, sa kakambal niya. Kaso naisip ko rin na ang kausap ko pala ay si Rey. Wala siyang sinasanto. Ang kanya ay kanya, ang kay Ran ay kay Ran, at ang kay Rey ay kay Rey. Baka ma-late pa kami sa klase kapag nagsalita pa 'ko.
Agad akong bumaba ng tricycle nang huminto na ito sa paaralan namin. "Manong, bayad po,"
"'Wag na, sagot ko na 'to," Napatingin ako kay Rey dahil sa mabuting asal na ginawa niya. Isang himala na naman para sa araw na 'to.
"Okay, salamat," Agad ko siyang tinalikuran at tinahak na ang daan papuntang classroom. Siguro iniisip ng kakambal ko na totoo ang balita na nililigawan ko si Divine dahil sa pagmamadali at pag-iwas ko sa tanong niya.
"Ran! Wait!" Hindi nga ako nagkamali. Si Rey. Hinahabol ako.
"Sa bahay na lang natin 'yan pag-usapan, mali-late na ako sa first period!" sigaw ko sa kanya. Agad ko siyang tinalikuran at muling binilisan ang takbo. Wala na akong pake sa iisipin niya. Mas importante ang klase namin ngayon. Kailangan kong maunahan ang demonyong si Ma'am Ramos bago maging huli ang lahat. Tutal, kung inlove talaga siya kay Divine, alam kong 'di naman siya sasagutin no'n dahil ako ang gusto ni Divine. Naaawa lang ako kay Divine, dahil sa ngayon, wala pa akong nararamdaman para sa kanya.
Himala. 'Yan ang unang pumasok sa isip ko nang makita kong wala pa si Ma'am Ramos sa room namin. Tumingin ako sa orasan, limang minuto na ang nakalipas kaya dapat nandito na siya kanina pa. Unang beses itong nangyare kaya nakakagulat talaga.
Kagaya ng dati, inapiran ko si Lordjimms nang makita ko siya. Pero dahil sa ginawa niya sa'kin kahapon, sinuntok ko siya sa balikat niya kaya natigil siya sa kakatawa.
"Inaano ba kita, Pare? Masakit ha!" daing niya. Natawa ako sa reaksyon ni Lordjimms. Kung tutuusin nga, kulang pa 'yan.
Kagaya ng dati, magulo pa rin ang mga kaklase ko habang wala pa si Ma'am. Umupo ako sa upuan ko, at naalala ko kung sino dapat ang katabi ko ngayon. Nilingon ko si Lordjimms, busy siya sa paglalaro sa phone niya.
BINABASA MO ANG
Loving Him (Bisexual Lovestory)
TienerfictieLalake siya. Alam niya 'yon. Pero dahil sa isang pangyayareng hindi niya inaasahan, nagbago ang nalalaman niya sa kanyang sarili. "Ang Pag-ibig ay hindi pinipilit, kusa itong nararamdaman. At kapag nangyare na, wala ka nang kawala. Mali man o tama,"