Chapter 1: Our First Encounter

46 1 0
                                    

Chapter 1

[LASTY]

Humahangos ako sa pag-akyat sa hagdan, kailangan kong umabot sa 13th floor bago mahuli ang lahat. May isang gwapong mama kase na lumapit saken kanina at sinabi na gusto na daw magpakamatay ng true love ko. Actually,marami siyang sinabi pero yun lang ang naintindihan ko. Sabi niya pa, ako lang daw ang makakasagip sa kanya. huh?! Una, di ako superhero. Pangalawa, wala akong superpowers at pangatlo, pano ko magiging true love yun eh kabibreak lang namin ni Ivan, bebeko? Maliban nalang kung-

.

.

.

.

.

si Ivan yung magpapakamatay? Oh no! Hintayin mo'ko bebeko! Parating na'ko! Lalo kong binilisan ang pag-akyat sa hagdan. Ba't naman kase di nalang ako sumakay ng elevator o tumawag man lang ng resbak, sheet!! Katangahan nga naman minsan Scholastica Madrigal, umiiral. Kinakabahan na tuloy ako! Teka, ba't nga ba magpapakamatay si bebeko eh siya naman yung nakipagbreak saken? Nagmakaawa pa nga ako na wag niya kong ibreak pero wa epek. Hala, di na ako makapag-isip ng matino. Basang-basa na'ko ng pawis. Basa narin ng pawis ang kili-kili ko at kanina pa'ko naiihi. Aahh! Tiis-tiis muna, kailangan ko munang iligtas si bebeko!!

Pagkarating ko sa 13th floor ay nakita ko siya sa open space. Nakatayo siya dun sa may taas nung railing habang nakatingin sa baba at nakatalikod saken. Hindi na'ko nagpatumpik-tumpik pa at niyakap ko ang mga binti niya.

"Bebeko!! Huwag mong gagawin yan, kasalanan sa diyos ang pagpapakamatay! Please, paano nalang sina Clarisse, kent, Abigail, Miggy, Sebastian at Rodrick na mga future kids naten? Ayokong lumaki sila ng walang ama. Please, bumaba ka na diyan! Huwag mo kaming iiwan! Huwag mo'kong iiwan! Hindi pa man, mabbiyuda na'ko. Ayokoooo! Ayokooooooooo!"

Parang maiiyak na'ko. Sabi ko naman kase sayo bebeko eh. Puntahan mo lang ako samin kung di mo na kaya ang pangungulila saken. Ikaw naman kase, ba't ka ba nakipagbreak saken?! Ayokong mawala ka.

Unti-unti siyang lumingon. Inalis niya pa nga yung kamay ko sa pagkakahawak sa binti niya at saka bumaba na sa railing upang harapin ako.

-_-

*_-

O_O

(O.O)

"Baliw ka ba?"

"Sino ka?"

Halos sabay naming tanong sa isa't-isa. Teka, sino 'to? Magkapareho nga sila ng tindig ni Ivan pero di siya 'to. Malalim ang pagkakakunot ng noon g lalakeng 'to. Mas maputi siya kay Ivan, ang ganda nung mga mata, chocolate brown. Tapos ang lupet pumorma, galing magdala ng damit at gwapooooooo!! Oh wait, ba't ko nga ba sila kinucompare??

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa labis na kahihiyan. "Ah...eh...ba't ka ba kase magpapakamatay? Anong problema mo?" naitanong ko nalang.

He rolled his eyes. "Mukha ba'kong suicidal? Hindi ako magpapakamatay! At ano namang pakialam mo kung magpakamatay man ako kung sakali?" sabi niya na walang kaekspre-ekspresyon sa mukha. As in wala! Pwede pala yun?

"Wala akong pakialam. Akala ko lang kase, ikaw si-wala, nevermind. Pero sabi kase nung gwapong mama kanina may magpapakamatay daw dito sa 13th floor. Yung true love ko daw..." naguguluhan paring sabi ko. "Teka nga, kung hindi ka magpapakamatay, anong ginagawa mo dun kanina?"

"Aish. Yang Adrian Villarama na yan! Tinitingnan ko lang yung view sa ibaba from here, maganda daw kase lalo na pag gabi."

<.<

"Yun lang? Ang labo mo pala eh. Ang weird ng mga trip mo, buwis-buhay. Tsk." Nakakainis! Inakyat ko hanggang 13th floor para lang sa wala? Kabadtrip naman 'to! "Hoy, sino yung Adrian Villarama?"

>.>

"Yung lalakeng nagsabi sayo ng kalokohan tungkol sa 'pagpapakamatay' ko." Wala parin siyang ekspresyon. Tao ba talaga 'to?

"Aah. Pakisapak naman para saken oh. Pinahirapan niya ko. Ai hindi, ako nalang pala. Makikita ko rin yun, at pag nakita ko siya, ipapakain ko siya sa buwaya!" tumalikod na'ko para umalis. Pero pinigilan niya ko. Hinawakan niya yung braso ko.

"Sandali, sumama ka muna saken."

Bigla akong napalingon. "Baket?"

"Basang-basa na yang kili-kili mo oh. Magpalit ka ng damit. Nangangamoy putok ka na kase." No facial expression or whatsoever at all.

Iniangat ko ang braso ko at inamoy ang kili-kili ko. "Hindi naman ah!"

He rolled his eyes again. Hala, ba't ang cute pag sa kanya? "Na-immune ka na kase diyan sa amoy mo. Halika na nga, daming satsat." At hinawakan niya ang laylayan ng manggas ng shirt ko at tsaka ako hinatak. Di ka naman masyadong nandidiri niyan, mister?!

Nang makarating na kami sa condo unit niya na nandun din sa floor na yun ay kumuha siya kaagad ng malinis na shirt sa closet niya ata at hinagis saken. "Ayan, isuot mo."

"Teka, dito ako magbibihis? Habang nakatingin ka? Masaya ka!"

He rolled his eyes again, yung pa-cool lang. "Kahit naman na tumingin ako, wala rin akong mapapala. Pinaglihi ka ba ng nanay mo sa flat tire? Hehehe." At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakangisi siya. Well, atleast nastretch ng kaunti yung facial muscles niya.

Agad kong hinawakan yung boobs ko. "Bastos! Manyak! Walang modo!" sigaw ko sa kanya.

"Aish. Ingay mo. Eh wala namang mamanyakin sayo."

Aba! Ang sama ng ugali netong unggoy na'to ah. Kung makapanlait, wagas? Alam ko na naman yun ah...kailangan talaga ipamukha? Mukha namang zombie na walang expression at all.

"Zombatar!"

"Ano ulet yun?"

"Ang sabi ko, mukha kang zombie na avatar! Tsk!" at tumakbo na'ko papunta dun sa inaakala kong cr para di na siya makahirit. Hindi narin ako lumingon, aasahan mo pa bang may facial expression siya?

Whoa, ang gara ng cr netong zombatar na'to. Mas malaki pa sa buong bahay namin ah. May bath tub at shower pa! Bigtime! Kumpleto ng mga moisturizer, shampoo, conditioner, body bath, soaps at kung anu-ano pang arteng pampaligo. Mas sobra pa ata sa babae yung zombatar na yun pagdating sa kaartehan sa katawan niya. Dali-dali na'kong nagpalit ng damit dahil baka di na'ko makaalis sa banyo ng zombatar na'to. Nakakatempt kase eh, mas maganda pa sa buong bahay namin.

Nang makalabas ako ay nakaupo na siya sa sofa at kumakain ng ice cream. May stick-o, strawberry, cookies, marshmallows at choco chips. Woah! Flavors of the world! Bigla tuloy nagrigodon ang tiyan ko.

"Pahingi."

"Ha?"

"Pahingi niyang ice cream."

"Ayoko."

"Hindi lang masama ang ugali mo, madamot ka pa! Chi! Diyan ka na nga."

Instead of saying thank you para dito sa shirt ay aalis nalang ako. Eh nilait na naman niya ako kanina eh kaya patas na kami. Nakakaasar na zombatar yun, ang damot-damot eh mayaman naman siya. Mabilaukan sana siya sa ice cream! Hawak ko na ang seradura ng pinto ng bigla siyang magsalita. May sinabi siyang nagpatigil hindi lang sa mundo ko, kundi pati narin sa paghinga ko.

"Scholastica Madrigal. Stay. You need money, right?"

***

A/N: Please vote & comment. Kahet na 3comments lang po, para malaman ko kung may nagbabasa ba netong gawa ko. Tenkyu. :)

HE'S A ZOMBATAR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon