Chapter 5
[BRYAN]
"Man, you killed her. You're a criminal! Jeez, you're going to jail!" -Tristan
"Wow, bok. San mo siya nakita? Hinalay mo na ba? HARHARHAR!" -Adrian
"Jesus Christ! Tinanan mo?!" -Nathan
Isa-isa ko silang pinagbabatukan except for Kevin. "Wag nga kayong OA! Nahimatay lang yang babaeng yan!" at itinuro ko ang babaeng nakahiga sa kama ko. "Ang iingay niyo! Ba't di niyo gayahin si Kevin? Tahimik, cool lang."
"Hoy, isinasuggest mo ba na magpakaabnormal din kami katulad niya? Eh kahit magpakamatay ka sa harap niyan, walang pakielam yan eh!" si Adrian.
I rolled my eyes. "Atleast, tahimik. I could use some privacy here you know. Now, get out of my unit, now." At pinagtabuyan ko sila palabas. Hindi naman sila nakakatulong.
"Yiieehhee...Somebody's going to get laid tonight! Hahaha!" -Nathan
I just ignored that. It's not even worth the thought.
Hey, I'm Prince Bryan Jimenez. Sikat ako sa school namin, I was the hottest-most-famous-richest-sexiest and the list goes on forever. Cassandra Montez is my ex-girlfriend, nakipagbreak siya saken dahil daw may nahanap siyang mas gwapo at mas karapat-dapat daw sa kanya. I didn't know na si Ivan pala yun, my mortal enemy. Malaki ang galet saken ng lalakeng yun dahil nalalamangan ko siya sa lahat ng bagay at yung fact na ako parin ang solong tagapagmana ng mga kayamanan ng angkan namin. Sampid lang siya sa pamilyang 'to. He's my half brother. Nag-asawa kase ulet yung magaling kong tatay. At kung inaakala niyang naisahan niya ko ng makuha niya saken si Cassandra eh nagkakamali siya. Dahil ang babaeng 'to ang gagamitin ko para makaganti sa kanya. Wuhaha!" bulong ko sa isip ko.
Do you want to know my friends? I'll tell you...
Adrian Villarama; Chickboy, Hotshot sa Basketball, certified alaskador at mahilig mag manipulate ng mga tao sa paligid nila with his twin, Nathan.
Nathan Villarama; Playful, champion sa online games, coffee-addict at siyang pinakamatalino samin.
Tristan Park; half-american, half-korean, notorious Casanova, freelance model, English ng English at pinaka-morbid samin.
Kevin Clarkson; Musician, Writer, tahimik, may fetish sa iba't-ibang uri ng guitars and dogs, siya ang pinakaweird samin.
At ako, ako ang pinakamatino sa aming magkakaibigan. Sometimes, I'm wondering kung paano ko sila naging katropa...nakakatakot kasi yung pagkaabnormal nila minsan, infectious. Creepy.
Inilagay ko ang ice bag sa noo niya dahil medyo namamaga ito. Marahan siyang gumalaw at impit na sinapo ang noo niya. Dahan-dahang ibinubukas niya ang mga mata niya.
"AAAHHHHHHHHHH! NASA IMPIYERNO NA BA AKO? LORD, AYOKO DITOOOOOOOOOOO!!! AYOKOOOOOOO~~~~~!"
I rolled my eyes again. Para kase siyang sinasaniban ng masamang espiritu kung makasigaw. Tsaka mukha ba'kong demonyo? Ang OA talaga ng babaeng 'to.
*TOINKK!*
Pinitik ko siya sa noo, dun sa bandang bukol niya. "Will you please shut up? You're so noisy!"
"Araayyy!! Ang sakit ng ulo ko. Ano ba kaseng ginagawa mo...
dito sa...
teka...
(O_O)
anong ginagawa ko dito sa kama mo..? Oh-em-gee! Hayop ka! Hayop ka! Dinungisan mo ang dangal kooo! Magbabayad kaa!! Kyaaaaaaaa~~~~!!!"
At lumapit siya saken at pinagsasabunutan ako.
"Hey, get off my hair!! I said, stop it! I didn't rape you if that's what you're thinking!!" naiinis nang sabi ko.
Napatigil naman siya dun, parang nahimasmasan at pagkatapos ay tiningnan ako ng masama na para bang may biglang kahindik-hindik na eksenang naalala.
"HINDI MO NGA AKO NI-RAPE PERO MUNTIK MO NA'KONG PATAYIN! GAGO KA!!"
"Eh magpapakamatay ka naman talaga diba? Tinutulungan ka na nga eeh."
"Hindi ako magpapakamatay, tanga!"
"Okay, if you say so. Ano, tatanggapin mo na ba yung trabahong inaalok ko? Bilisan mo ang sagot at mahalaga ang oras ko."
Kinuha niya sa bulsa niya ang cellphone niya, N3315 pa ang model. Kapanahunan pa yata yun ng lola niya. May pinindot-pindot siya dun at napansin kong puro scotch tape yung likod ng casing niya. Yun ba bagong usong phone accessory ngayon? Narinig ko nalang nung napamura siya at binato niya yung phone niya na bagay sa junk shop.
"Cellphone kooooo....huhuhu..." naiiyak na sabi niya habang nakatingin dun sa phone niya.
"Will you stop crying? Pati ba naman kakarag-karag na cellphone mo, iiyakan mo?" naiirita ko nang sabi.
Pumikit siya ng mariin. At pagmulat ng mata niya, parang may sumanib na masamang espiritu na naman sa kanya.
"Magkano?"
***
A/N: More exciting chapters to come. Comments about this chapter, pleaseeee..? hehehe.
BINABASA MO ANG
HE'S A ZOMBATAR!
Teen FictionHER: He's a monster. I hated everything about him. But little did i know that this monster also have a heart. there's an enigma in him that draws me closer. Something that's even more powerful than gravity. before i know it, i was falling in love...