Chapter 7: 7th Floor--Room 704.

18 0 0
                                    

"Ay, panget!" nagulat kong sabi at awtomatikong napalingon sa likod ko.

Hinagis niya saken yung bulky na backpack niya! "ARAYKOPOoooo!"

"Kunin mo yung mga libro diyan at ilagay mo sa locker ko, bilisan mo! Tapos ihatid mo yung bag ko sa room ko mamaya, dun sa 7th floor." Sabi niya na wala paring expression, ay meron pala..mukha siyang bored na bored sa buhay niya.

Yun lang at tsaka umalis na siya. Tulala lang akong naiwan dun habang sinusundan siya ng tingin. Napakamot ako sa ulo ko. Ang bigat-bigat naman netong backpack niya! Ilang kilong bakal ba ang laman neto?! Hehehe. Nagsimula na'kong maglakad upang hanapin ang locker ni Zombatar. Naglalakad na'ko sa corridor habang palinga-linga. Ang sososyal ng mga estudyante dito, pagandahan sila ng porma at gamit yung mga maaarteng babae dito then pabonggahan naman ng kotse yung mga maaangas na boys, di talaga ako bagay dito. Mukha pa'kong kawawa kase halos nakabend na yung likod ko sa sobrang bigat ng backpack ni Zombatar. Yung mga tao naman dito, walang mga puso. Hindi man lang maisip na tulungan ako. Tsk! Tumunog na yung bell.

(O.o)

(o.O)

(O.O)

"WAAHHHHHH!! HEEEEELPPPP! NANAY KOOOOOOO!!!"

Napasigaw nalang ako ng makita na nagkakagulo na ang mga estudyante sa corridor sa pagpunta sa kanya-kanyang classroom. "Araaaayyyy! Sandaliiiii!!" may paroo't parito at naiipit na'ko sa pagmamadali nila. Kanina pa masaket yung paa ko sa kakatapak ng kung sino-sino, matutumba narin ako sa ginagawa nila, may bumabangga sa likod ko pati narin sa harapan ko. Nasa bandang gitna pa naman ako. Sheet! Ano ba'ng klaseng eskwelahan 'tong napasukan ko?!

--------------------

Hingal na hingal na'ko sa kakaakyat. Pawis na pawis narin ako nang makarating ako dito sa 7th floor para ibigay 'tong almost-empty nang bag ni Zombatar. Nailagay ko na kase yung mga books niya dun sa locker niya.

May tatlong babaeng humarang saken sa pinto ng papasok na sana ako upang hanapin si Zombatar.

"Ahm, dito ba yung room ni Zomba-ni Bryan?" hingal parin na tanong ko sa kanila.

"Y'mean, Prince Bryan-Hotness-Jimenez? Bakit mo siya hinahanap? Paano kaya nakapasok ang pulubi dito?" mataray na tanong ni Girl1.

"Oo nga. And why are you holding Prince Bryan-Gorgeous-Jimenez's backpack? Are you a holdapper?" -Girl2

"Yeah, you're such a kidnapper! Gimme' that!" -Girl3

At hinablot nila saken yung bag ni Zombatar.

Pulubi? Holdapper? Kidnapper? Ang tatanga naman ng mga babaeng 'to! Ano ba'ng pinagsasabi nila?! Mga shunga lang eh noh, bag lang yung hawak ko kung anu-ano nang ibinibintang saken. Pilipitin ko kaya yung dila nila ng malaman nila kung anong sinasabi nila.

Natulala nalang sila ng makita nilang palabas si Zombatar, palapit saken. Parang tumutulo na nga sa floor yung laway nila eh, invisible lang. Ang laki kase ng pagkakanganga nila, as in...kasya tatlong tao. Hahaha.

''Oh, nasan na yung bag ko?" maangas na pagkakatanong niya.

Inginuso ko yung tatlong babae. "Yun oh." Lumapit naman siya sa mga ito at kinuha yung bag niya. Cool lang. Nakanganga parin yung mga babae. Mga shungaers talaga. Hahaha.

"Umalis ka na, bawal ang panget dito." He said with that same boring tone and expressionless face.

Aish! Puro nga siguro magaganda yung nandito pero shunga naman! Mas okay na yung panget noh atleast matino, hindi yung katulad mong abnormal! Syempre sa isip ko lang yan sinabi. Pinangako ko kase sa sarili ko na hahabaan ko ang pasensya at lalawakan ko ang pag-unawa ko simula ngayon lalo na't kay Zombatar ako nagtatrabaho eh ubod pa naman ng sama yung ugali nun. Makaalis na nga!

Bumaba nalang ako at hinanap yung room ko, for sure 3rd period na yung aabutan ko neto. Kasalanan kase ni Zombatar! Arggh! Hinanap ko sa bag ko yung schedule ko, muntik ko nang mabitawan ang papel na yun ng Makita ko kung anong floor at saang classroom ako dapat. In bold letters...

7TH FLOOR-ROOM 704.

"OH NOOO! DI PWEDE 'TO! CLASSMATE KO SI ZOMBATAR?!!"

----------------------

Kaya ayun, syempre bumalik ako. Alam ko naman na di ako welcome dito eh, nakatingin ba naman silang lahat saken na akala mo, may ahas ako sa ulo, Medussa lang ang peg? Pwes, magdusa kayo, dahil dito rin ako. At ako din, magdudusa din ako, nandito ba naman kase si Zombatar!!! Huhuhu.

Naghanap ako ng mauupuan ngunit nilalagyan nila ng bag nila yung mga upuan na dapat ay uupuan ko like telling me na ayaw nila akong maging seatmate. Wala akong nagawa kundi ang umupo nalang sa likuran, sa tabi ni Zombatar!! Oh my! Pag minamalas ka nga naman!!

"Usog ka dun. Huwag kang dumikit saken." At sinipa niya yung armchair ko palayo sa inuupuan niya.

Tumahimik nalang ako at iniurong ang upuan ko palayo sa kanya.

"Usog pa dun. Layo pa. Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan? May reklamo ka?!" maangas na sabi niya.

"W-wala." Halos bulong nalang yun dahil medyo napapahiya na'ko sa iba pang classmates namin.

"Usog pa. One seat apart daw dapat. Layo pa!"

"Eh sa labas na'to ng classroom ah?! Gaano kalayo ba talaga ang gusto mo? One school apart?! Nakakaasar ka na ha!" parang maiiyak nang sabi ko.

"Hey, Miss. You can sit beside me."

>.>

(O.O)

Halos lahat kami napalingon dun sa nagsalita and suddenly, binabawi ko na lord yung sinabi ko na kamalasan na dito ako sa classroom na'to napunta. Dahil fate talaga ang nagdala saken dito...dahil nandito ang destiny ko......

CLASSMATE KO SI TRISTAN!!!

HE'S A ZOMBATAR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon