Chapter 2: A Dose of reality

21 0 0
                                    

Nayumi11: Yung Chapter poster, si Prince Bryan Jimenez yan! :)

Chapter 2

Ako nga pala si Scholastica Madrigal. But you can call me Lasty. Patay na ang mga magulang ko, pinatay sila ng mga masasamang loob na hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikilala. Nakatira lang ako sa auntie ko at siya ang nagpapaaral saken. Bilang kapalit, nagtatrabaho ako para naman makatulong sa kanila. Pero netong nakaraang buwan, nasunugan sila auntie. Natupok ng apoy lahat ng ari-arian nila. Babalik na nga lang daw sila sa probinsiya at dun magsisimula ulit. Tinatanong nila ako kung gusto kong sumama pero humindi ako. Hindi ako pwedeng tumigil sa pag-aaral at abutin ang mga pangarap ko. Hindi rin ako pwedeng tumigil sa paghahanap dun sa mga pumatay sa mga magulang ko. Tapos last week, nakipagbreak pa saken si Ivan, ni hindi ko nga magets ang dahilan niya. Basta iniwan niya nalang ako basta. At dahil nga wala akong matitirhan, kailangan kong maghanap ng trabaho, yung stay-in. Ano ba namang klaseng buhay 'to. Wala na nga akong pera at matitirhan tapos brokenhearted pa'ko! Ang saklap! Sumpa ba'to? Kaya nga ako napunta dito. Kase kanina, may nagtext saken about sa job opportunity tapos dito daw ako kakausapin ng employer ko. Hindi ko naman natanong kung anong klaseng trabaho yun. Malay ko ba kung GRO o Janitor ang papasukan ko, basta inisip ko nalang na pwede ko naman pag-isipan pag napag-usapan na namin. Sa tindi ng pangangailangan ko ngayon, kahit security guard siguro, susunggaban ko na. Mag-iinarte pa ba ako?

Nilingon ko siya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko? At ba't alam mo rin na kailangan ko ng pera?" mind-reader ba'tong si zombatar? Manghuhula? Parang hindi naman ata...di bagay eh.

"Because from now on, you'll be working for me. So, I have to know everything about you."

"Whaaaattttt?"

"Kailangan mo ng trabaho, diba? I'm giving you one."

"So, ikaw yung nagtext saken about dun sa job opportunity?"

"Nope. Si Adrian yun. Pero kilala na kita, we did a background check on you."

"We?"

"Yep. Me and Adrian. So, will you now sit down and let's get down to business? Nasasayang ang oras ko."

Ang bossy mo zombatar!! Sarap mong sakalin! Wait, trabaho?Oh-em-gee! Kailangan ko'to. Sobra! Sige, titiisin muna kita since ikaw ang magbibigay ng trabaho saken. Angelic mode muna ako, pakabait kay zombatar. Hehehe.

Umupo ako sa couch sa harapan niya. "Okay, so ano bang trabahong ibibigay mo saken?" tanong ko sa pinakasweet kong tinig.

May kinuha siyang envelope mula dun sa table sa tabi niya at may larawang kinuha dun. Binato niya sa mukha ko yung litrato. Ang bastos talaga ng ugali ng zombatar na'to!

Pinulot ko yung larawan and...

(O_O)

Eh si IVAN 'TO AH?!

"Tell me everything you know about that jerk. I mean, everything." He said with that same expressionless face.

"Baket? Baket ka may picture ni bebeko? At baket mo gustong malaman yung tungkol sa kanya? Bakla ka ba? Type mo ang bebeko?! Oh nooooooo!!!!" I said as my lips form a big O.

Kinuha niya yung remote control sa sofa na kinauupuan niya at tsaka ibinato 'to saken. Sapul ako sa noo. ARAAAAYYYYY!!!!

"I'm not gay."

"Ouch! Sumusobra ka na ha. Kailangan talaga mambato? Kasuhan kita diyan ng physical injury eh. Napakabayolente nito." Pasalamat ka kailangan ko ng trabaho. Hmpf!! Hinimas-himas ko ang noo kong tinamaan ng remote kanina.

"Then I'll sue you too. Libel. For accusing me of being gay. And you should know where you stand, you don't even have money to feed yourself and you're thinking of filing a case against me? Seriously?" he said sarcastically.

I swallowed hard. May point nga yung zombatar na'to. Kainis naman kase eh.

"Bakit nga ba interesado ka sa bebeko kung hindi ka naman bakla? At teka nga, sino ka ba?"

He rolled his eyes once again. "You seriously don't know me?" nakipagsukatan pa siya ng titigan saken.

"I seriously don't." kanina pa siya English ng english, akala niya di ko naiintindihan! Chi! Matalino ako noh!

"Okay, I am Prince Bryan Jimenez. Remember that name. At kaya ako interesado sa Ivan mo ay dahil may malaki siyang kasalanan saken. At kaya ka rin magtatrabaho saken ay dahil kilala mo siya. You're his ex-girlfriend, right? Hmm. Pasok din pala sa taste niya yung exotic, I can't quite believe that." He smirked.

"Iniinsulto mo ba'ko?" napipikon nang sabi ko.

"Bakit, naiinsulto ka ba?"

"OO!!"

"Eh di iniinsulto nga kita. Baket, may angal ka? Sumunod ka na lang sa mga ipapagawa ko para tahimik ang buhay mo."

Napatayo ako at dinuro-duro ko siya. "HOY, ZOMBATAR! HINDI PORKE'T MAYAMAN KA EH PWEDE MO NANG INSULTUHIN YUNG PAGKATAO KO! MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAMATAY SA GUTOM KESA ANG MAGTRABAHO SA'YO!!" at papunta na'ko ng pinto ng magsalita siya ulet.

"I can't believe you just called me that. What is that again? Zombawhat? You are so dramatic. Bravo! I'm not wondering kung bakit ka idinispatsa ng boyfriend mo. Ano nga ba naman ang panama mo kay Casey? Wala. Dahil kung ako yung boyfriend mo, magpapakamatay nalang ako." Pumalakpak pa siya dun sa bravo.

=_=

"Kung iniwan man ako ni Ivan, alam kong may dahilan siya at babalikan niya ko. At sino naman yung Casey na sinasabi mo?"

"Poor little girl. Asa ka pa. Casey is my ex-girlfriend na girlfriend na ngayon ng Ivan mo. Kaya nga siya nakipagbreak sayo. For Casey whom I believe is very worth it."

"Sinungaling! Di totoo yan! Hindi ganun si Ivan! At huwag mo'kong isali sa galit mo kay Ivan dahil lang sa ex mo. Kasalanan ba ni Ivan kung di na nakatiis yung Casey mo diyan sa ugali mo?Di hamak naman kase na mas mabuting tao si Ivan kesa sayo! At huwag mo rin maisip-isip yung possibility na maging tayo, dahil magpapakamatay nalang din ako kesa makasama ang isang tulad mo! Sa sama ng ugali mo, walang taong magmamahal sayo!" at dali-dali na'kong nagwalk-out at ibinalibag yung pinto.

Habang naglalakad ako ay nakakuyom ang mga palad ko. Akala mo kung sino siya! Nakayuko lang ako ng may marinig akong pamilyar na tinig.

"Ofcourse Babe. I'll do anything for you. I love you My Cassandra Montez!!~~~"

"And I love you more, My Patrick Ivan Rodriguez!~~~~"

At napaangat ako ng tingin. Magkaholding hands pa sila at nasa harapan ko. and guess what...

THEY KISSED!!!

IN FRONT OF ME!!

OUCH!!

***

A/N: Comments & Votes please, para malaman ko kung may nakakaappreciate netong sinusulat ko dahil kung wala, i'll stop it nalang. Hehehe. JK. :D

HE'S A ZOMBATAR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon