Chapter 4: When it rains, It pours

36 0 0
                                    

Nayumi11: Chapter Poster belongs to Cassandra Montez.

Chapter 4

"GODDAMN IT!! ARE YOU TRYING TO GET YOURSELF KILLED??!!"

(~_-)

(=_-)

=___=

(O_O)

Wait...kinapa-kapa ko ang buong katawan ko. Buhay ako??!

"ZOMBATAR?!"

-----------------

"Answer me. Do you really want to die?" Nayayamot nang tanong saken ni Bryan.

Hindi ko siya sinagot. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Sana nga sinagasaan niya nalang ako kanina! Hanggang ngayon, ramdam ko parin yung saket eh. Huhu. >.<

"You know what? If you'll just cry the whole night, it's up to you. I don't care, okay? I'm leaving!" at sumakay na nga siya ng kotse niya at pinaharurot iyon.

Huhuhu. Hindi man lang ako niyaya sumakay sa kotse niya. Hindi man lang ako inabutan ng panyo kahit nakita na niyang umiiyak ako. Hindi man lang niya ako dinamayan. Huhuhu. Wala siyang puso! Wala siyang awa! Wala siyang kaluluwa! Aarrgggh! Nakakainis siya! Lalo tuloy akong naiiyak!!

Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi dun sa pansamantalang bahay na inuuwian ko.

"Hoy! #%&@*%#!@ Nasan na yung panty ko dito sa sampayan namin? Ilabas mo! Branded yun! SO-EN yun! Ilabas mo yung panty ko!"

"Hoy, wala akong alam sa panty mo! Burara ka kase kaya ka nananakawan ng panty!"

"Huwalanghiya ka! Makapal ang mukha! Di ka lang magnanakaw ng panty, mang-aagaw ka pa ng asawa! Bruha ka! Malandi ka!"

"Excuuuuuusssse meeeee! Yung asawa mo yung lapit ng lapit saken. Sawa na siguro sa panty mo! Aaaahhhh...akala mo di kita papatulan ha! Acckkkk~~~~"

Naku naman po, lord. Nakikisabay pa yung mga walang kwenta kong kapitbahay sa pagdadrama ko. Nakaharang pa sila sa daraanan ko habang nagsasabunutan dahil lang sa bwisit na panty na yan! Kaasar! Tinabig ko sila at dumiretso ako ng lakad. Akalain mo yun, di sila natinag?! Paglampas ko, nagsasabunutan parin ang dalawa! Tssskkkk!!

Pagdating ko sa may maliit na barong-barong na tinitirhan ko, nagulat nalang ako nang maabutan ko sa labas si ate Edzel. Yung baklang kasama ko dun sa kwarto. Teka, ba't nasa labas yung mga damit ko?

"Ate Edzel..?" namamaga parin ang mga mata ko sa kakaiyak.

Lumapit siya saken at ibinigay ang bag na lalagyan ng mga damit ko.

"Pasensiya ka na, Lasty. Pinakiusapan ko na si Tita Mameng pero ayaw niya talagang pumayag eh...wala ka daw kaseng pambayad at pag di kita pinaalis, siya daw ang mismong magpapaalis saten. Sorry, lasty...Sorry talaga..." Malungkot na kwento saken ni ate Edzel.

Niyakap ko siya at napaiyak na talaga ako ng sobra-sobra. Ano ba naman 'tong kapalaran ko? Yung iba, inuulan lang ng malas, eh ako binabagyo at binabaha na! Parang malulunod na nga ako eh. Lord, bakit ganito?

"Salamat sa lahat ate Edzel. Aalis na po ako."

Tumango siya. "Mag-iingat ka ha." Malungkot paring sabi niya habang naglalakad na'ko paalis. Ang saklap ng buhay ko, brokenhearted na nga ako, wala pa'kong pera at higit sa lahat, wala pa'kong matutuluyan. Paano na'ko mabubuhay neto? T^T

"Hey, you. Hop in."

(O_O)

"ZOMBATAR?" Parang biglang nagliwanag ang buong mundo ko. Siya na ba ang kasagutan ni Lord saken kanina?

Imbis na sumagot ay binuksan niya ang pinto ng kotse sa tapat niya at hinila ako papasok sa loob at hindi ko pa man nasasara ang pinto ng kotse at nailalagay yung seat belt sa katawan ko ay....

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!! WAAAAAAAHHHHHHH!"

Pinasibad niya na ang sasakyan. Para tuloy akong tanga na nakasabit sa kotse niya.

"WAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH! WALANGYA KA! PAPATAYIN MO'KO!! IHINTO MO'TOOOO!!! HEEEEELLLLPPPP!! SAKLOLOOOOOOOOO!"

SCREEEEEEEECCCCCCCCCCCHHHHH~~~~~~~~~!!!

Naramdaman ko na lang na nauntog ako sa kung ano at boom! Nagdilim na ang paningin ko.

***

A/N: Please Comment kung nagustuhan niyo 'tong chapter na'to. Please..? Pretty please..? :)))

HE'S A ZOMBATAR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon