Chapter 8: Monsterrific

14 0 0
                                    

CLASSMATE KO SI TRISTAN!!!

Lubdub. Lubdub.

Hindi ko napansin si Tristan kanina. Nasa bandang unahan kase siya nakaupo. Lumapit na'ko sa kanya at umupo dun sa may bakanteng upuan sa tabi niya. Nginitian niya koooooo~~~~! Sheeettt! Kinikilig akooooo!!

"Don't mind that guy over there. He was born a jerk. Ha! You are..?"

Nakatulala lang ako sa gwapong mukha niya. Yung bawat kibot ng labi niya pinagmamasdan ko, ang sexy nung lips niya. I was staring at him dreamily that I couldn't help say his name. "Tristan...."

"Your name is Tristan, too? Oh, what a coincidence! Hi, Tristan!" he has that amused look on his face.

"No, my name's Scholastica Madrigal. Call me Lasty!" agad na sabi ko. Ba't ba kase natatameme ako sa lalakeng to? Nakakahiya..hihihi.

Maigi niya kong pinagmasdan. Hinawakan niya pa nga yung magkabilang pisngi ko. Oh-em-gee!! Naiihi na ako sa sobrang kilig!

"Aha! I knew it! You're the girl in Bryan's condo, right?"

Crap! Baket niya alam yun? Nandun ba siya? Pero paanong...? Nagsitinginan saken lahat ng classmates ko, lalo na yung mga babae. Isa-isa silang lumalapit saken habang nakatingin saken ng pagkasama-sama. Para nila akong kakainin ng buhay. Juskoooo!!! Katakot! End of the world na ba? Or the end of my life na?!

"Bakit ka nasa condo ni Prince Bryan Jimenez?" -Girl1

"What are you doing in there?" -Girl2

"You're asking for donation?" -Girl3

"You're one of those akyat-bahay gangs, aren't you?" -Girl4

"A thief! You're trying to steal something!" -Girl5

They were leaning closer to me that I was backing up. Ano ba naman 'tong mga fangirls ni Zombatar, violent lang ang peg? Feeling NBI pa kung mang-interrogate! Tiningnan ko si Zombatar sa bandang likuran. He was staring into space; blank expression. Hindi niya ba ako tutulungan mag-explain sa mga babaeng 'to na makitid pa sa kanal ang mga utak? Wala talaga siyang pakialam! Grrr! What do you expect?

Palapit na sila ng palapit saken at nakakatakot yung mga mata nila, parang pang-monster. Tama nga talaga sila ng iniidolo, isang Master Monster na si Zombatar at silang mga chic monsters.

"Sandali, t-teka...mali yang mga iniisip niyo..."

Nabulol na talaga ako nung nakita kong itinaas ni Girl1 yung gunting na hawak niya at inilapit sa leeg ko, ang laki kaya nun! Deadly weapon yun ah!

"Hey, girls. Stop that. Don't accuse her of anything, actually you should be asking Bryan & not her. Okay?" seryosong sabi ni Tristan na nagpalingon sa 5chic monsters na gusto akong i-murder.

Nakahinga ako ng maluwag nang magsialisan na ang mga chic monsters na yun dahil dumating narin yung teacher namin.

"Are you alright?" worried na tanong saken ni Tristan at saka hinawakan niya yung kamay ko.

I just nodded. Jeez. Para akong kinukuryente sa pagkakalapit ng kamay namin. Anubeh! He just saved me from those chic monsters. Mukha na tuloy siyang superhero sa paningin ko. I can't help but smile. Buti nalang nandito si Tristan. Ahihi.

Nagpakilala na yung teacher namin sa Introduction to Calculus at isa-isa narin kaming nagpakilala.

"I'm Prince Bryan Jimenez. ¼ Spanish, ¼ Korean and half-Filipino."

Whoaaa!!! Nagsitayuan yung mga classmates ko at nagpalakpakan, akala ko papasok yung principal kaya tumayo din ako at pumalakpak pero nung pagtayo ko, saka namang pag-upo nila kaya nung pumalakpak ako, solo-flight lang ang peg, ako lang mag-isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE'S A ZOMBATAR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon