Author's note: The chapter poster belongs to Tristan Park. A Certified Cassanova. Crush ng bayan. Hihihi. <3
"Magkano?"
"Huh?" naguluhang tanong ko.
"Magkano kako ang sweldo kung magtatrabaho ako sayo?"
"Wag kang atat. We'll talk about that."
----------------------------
[LASTY]
Pumayag na'ko dun sa alok ni Zombatar. As if naman kase may choice ako noh? Ako na daw ang personal slave niya, well ayaw niyang ipagamit yung word na "maid" dahil masyado daw mataas para saken yun. Mas magaganda pa daw kase yung mga maids nila sa bahay nila kesa saken. Ang sama talaga ng ugali nun, nature na sa kanya ang manlait. Simple lang naman daw ang gagawin ko, sumunod sa lahat ng mga iuutos niya at manmanan si Ivan. Ano ba'ng simple dun?! Nakakainis talaga 'tong zombatar na'to! Kung hindi ko lang kailangan ng pera at matitirhan, nunca na tatanggapin ko yung inaalok niya. Well, nandiyan na yan eh. Magtitiis nalang muna ako hanggang sa makaipon ako. Pinag-enroll niya na nga ako dun sa school na pinapasukan niya. Ang St. Catherine's Academy, puro mayayaman at sosyal yung nag-aaral dun. Dun din kase nag-aaral si Ivan at yung Casey nya, para daw mas madali saken ang gagawin kong pagmamanman sa dalawa.
Kasalukuyan ko ngang iniikot ang paningin ko sa kabuuan ng eskwelahan. Ang gara talaga ng school na'to.
"Hey, I'm quite exhausted walking around..do you happen to know where the principal office is? ~~~"
"Waaaahhhhhhhh~~~~~"
"Hey, Miss. Please stop crying. Sshh...Please."
Napatingin ako sa di kalayuan at nakitang umiiyak nga yung maliit na babae na nakasuot ng uniform ng school na'to. Nilapitan ko sila.
"Miss, bakit ka umiiyak? Binabastos ka ba ng lalakeng...
Oh my gee, ang gwapoooooo~~~!
Ito..?"
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Matangkad, matangos ang ilong, may dimples, chinito at magandang mga ngipin. He's a total hottie!!
"Hindi ko siya maintindihan manang...nosebleed na'ko. Waaahhhh!!" umiiyak parin na sabi nung cute na chubby girl.
Ano daw? Manang? Paduguin ko kaya yung ilong ng batang 'to? Literal! Pero syempre, nagtimpi parin ako. Iwas-trouble muna ako ngayon. Hehehe.
"Ganun ba? Sige, ako nang bahala dito."
"Thanks manang~~~~!!" at nagtatakbo nang palayo si chubby girl.
"Sige na, umalis ka na bago ko hilahin yang pigtails mo!" naibulong ko.
"So, can you tell me where the principal office is?" nilingon ko si singkit. Natulala na naman ako. Ang gwapo niya talaga eeh. Para siyang kpop superstar na may halong holywood. Wow, ang ganda ng lahi. Ow, principal office nga pala. Di pa ako nagagawi dun eh. Sa admin palang ako nakarating kanina pag pasa ko nung nga requirements for enrollment. Fourth year narin kase ako.
"Ahm, yung principal office? Nakikita mo yung puno na yun? Diretso ka lang dun tapos may daanan sa kaliwa, kumanan ka dun tapos may makikita ka dung arrow na sign, sundin mo lang yun then lumiko ka sa kanan tapos idire-diretso mo lang yun at lumingon ka ulit sa kaliwa, tapos kumanan ka ulit, pagliko mo, may makikita kang ADMINISTRATION BUILDING, pumasok ka dun."
"Dun na yung principal's office?" Hala, nagtagalog siya! Ang cute ng accent niya!!
"Hindi. Dun ka magtanong." Nakangiti kong sabi.
Nakakunot ang noo niya ng tingnan niya ko, he laughed heartily. Akala niya kase siguro nagjjoke lang ako. Eh hindi ko naman talaga alam kung san yung Principal's office dito noh, bagong salta lang kaya ako.
"Aah, I see. Okay, thanks for the info." Aalis na sana siya nang bigla ko siyang tinawag.
"Hoy, ano nga palang pangalan mo?" sigaw ko. Lumalandi na naman akooo...hehehe.
Parang nag slow-mo saken yung paglingon niya. Sheeettt! Para siyang kinidnap sa isang koreanovela, ang gwapooooooo talagaaaaa~~~!
"I'm Tristan. Tristan Park." Nakangiti niyang sabi at saka tumalikod na.
"Tristan..." ang gwapooo din ng pangalan. Haaayyy!
DUG. DUG. DUG.
DUGDUG. DUGDUG.
DUGDUGDUG. DUGDUGDUG.
Ngayon, naniniwala na'ko sa Love at first sight! Waahhh! Tristan~~!
"Hoy, panget!"
"Ay, panget!" nagulat kong sabi at awtomatikong napalingon sa likod ko.
***
A/N: Comments, please. :)
BINABASA MO ANG
HE'S A ZOMBATAR!
Teen FictionHER: He's a monster. I hated everything about him. But little did i know that this monster also have a heart. there's an enigma in him that draws me closer. Something that's even more powerful than gravity. before i know it, i was falling in love...