II

187 3 0
                                    

"Petro! Mamaya na 'yang lambingan niyo! Pinapatawag tayo ni kernel sa headquarter!"

"Sige, susunod na ako" sagot ko

"Trix, tatawagan nalang ulit kita mamaya. Pinapatawag kasi kami sa headquarter" paalam ko sa girlfriend ko sa kabilang linya

->->->->HEADQUARTER <-<-<-<-

"Eto kauna-unahang misyon niyo at inaasahan kong gagampanan niyo ng maayos ang mga tungkulin niyo. Gamitin niyo ang mga natutunan niyo sa academy. Naiintindihan niyo ba?!" pagsisimula ni kernel

"Sir yes sir!!!" sagot namin habang nakatayo parin ng tuwid

"Okay. You may all seat"

Sabay kaming naupo lahat.

Mahirap ang maging sundalo. Halos muntik na akong sumuko dahil sa mga mahihirap na training sa academy... Pero sa awa ng Diyos nalapasan ko 'yon. At ngayong isa na akong sundalo... Titiyakin kong magiging proud ang pamilya ko sa akin.

"Recently, isang pulis ang pinatay ng mga armadong kalalakihan sa mismong bahay nito. At dinukot pa nila ang anak nito sa binyag na sa pag-iimbistiga ng mga pulis ay bumisita lang ito doon"

"This is our primary suspect..."

Napatingin naman kami sa screen.

"They call him Mr. Chiang, a Chinese and an international drug dealer, who recently escape from prison. Her wife died but he has two daughters. And according to our informant, he has a military training camp in mindanao... We suspect that he brought his hostage there"

"For now, that's all we know"

"Ano pong mission namin sir?"

Napatingin naman kami kay Mateo dahil sa biglaang pagtatanong niya.

"Masyadong excited" pabulong at natatawang komento naman ni Bartolome na katabi ko lang

"Masyado ka atang nagmamadali, Private Mateo?"

Well, hindi ko siya masisisi kung excited siya... first mission kasi namin ito.

"I'm sorry sir" hinging paumanhin ni Mateo sabay yuko ng kaunti

"Now your mission is to rescue this lady"

Sabay napatingin ulit kami sa screen.

"~witwiiw~" sipol ni Nicolas na katabi ko rin

Siraulo talaga 'tong lalakeng ito...

"Her name is Amelia Katherine Cooper. She's twenty-three years old, modelo at anak ng mga negosyante... Her mom owns a famous boutique and her dad owns a five star hotel and a shooting range"

"May boyfriend na po ba 'yan, sir?" tanong ni Nicolas na ikinatawa namin

Hindi sinagot ni kernel ang tanong niya, sa halip ay nakangising napailing nalang ito bago magpatuloy ulit...

"Save the lady and eliminate all enemies"

"Yes, sir!" sabay-sabay naming sagot

"Ihahatid kayo ng chopper, five kilometers towards the exact location. We expect all of you to finish the mission. Naiintindihan niyo ba?!!"

"Sir, yes, sir!!!!!" sabay-sabay ulit naming sagot

"Now go!" pagtatapos ni kernel bago sumaludo

  Na agad din naming ginantihan ng saludo.

Mr. Soldier (Charlhone Petro). Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon