XVII

133 0 0
                                    

"Woaah. Ikaw ang nakakuha. That means you're next" saad ni Gia kay Amelia nang makuha nito ang bouquet na ibinato kanina ni Donnalyn

"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Amelia?" tanong ni Gia

Biglang lumapit si Donnalyn kay Gia para bumulong rito. Itinuro ni Donnalyn ang lugar kung nasaan si Charlone. Matapos nito ay napangisi si Gia, at sabay silang napatingin kay Amelia.

"Ladies... Would you please excuse my wife?" saad ni J kay Gia at Amelia, na ikinangiti nila.

"Wife, can I dance with you?" matamis na tanong ni J sa misis niya

"Yes, ofcourse, hubby" kinikilig na sagot ni Donnalyn rito

Agad na nagtungo sa 'dancefloor' ang bagong mag-asawa. Napangiti ang dalawang dalagang naiwan sa mesa.

"Ipakilala mo naman ako sa sundalong 'yon" saad ni Gia sabay turo sa kinaroroonan ni Charlone

"Ikaw nalang. W-wala ako sa mood" nauutal na saad ni Amelia habang nakatingin sa taong tinutukoy ni Gia

Napa-iwas ng tingin si Amelia nang mapatingin si Charlone sa kinaroroonan nila.

"Sige na bestie" pangungulit ni Gia

"Ayoko nga" pagmamatigas ni Amelia

Agad tumayo si Gia at malakas na hinatak si Amelia para magtungo doon sa mesa nila Charlone. Walang nagawa si Amelia kundi ang magpatangay sa kaibigan niya. Hindi naman sila nahirapan sa paglalakad patungo doon dahil narin sa mangilan-ngilan lang ang mga tao doon.

"Hi, boys!" agad na bati ni Gia sa dalawang binata

Napatingin si Charlone kay Amelia, na agad iniwasan ni Amelia.

"Hi ladies!" bati ng kasama ni Charlone sa mesa

"This is my friend Amelia and I'm Gia. We're kinda lonely on our table. Do you mind if we join you here, guys?" tanong ni Gia

"We don't mind. Have a seat" sagot at alok ng kasama ni Charlone

Naupo si Gia samantalang nanatiling nakatayo si Amelia. Tinignan ito ni Gia... Sinenyasan nito ang kaibigan na maupo nadin. Pero tila ayaw na ni Amelia na mapalapit ulit kay Charlone, parang gusto niyang lumayo nalang sa binata.

"I have to pee, Gia. Excuse me" pagdadahilan niya sa kaibigan at paghingi nito ng paumanhin sa dalawang lalake

Mabilis na umalis ang dalaga at nagtungo sa dalampasigan.

"Will you two please excuse me, too" saad ni Charlone bago tumayo at maglakad patungo sa dalampasigan din

Palihim na napangisi nalang si Gia.

"LQ" natatawang saad ni Gia sa kasamang naiwan din sa mesang iyon, na agad din namang nakuha nung kasama niya.

Naabutan ni Charlone si Amelia na nakatayo sa harap ng karagatan habang nakapikit. Lumapit siya dito at agad niya itong niyakap mula sa likod. Napamulat ang dalaga. Agad sana itong hihiwalay sa pagkakayakap ng binata ngunit masyadong mahigpit ang pagkakayakap ng binata. Tila sa yakap na iyon ipinahiwatig niyang ayaw niya na itong pakawalan pa.

"Bitawan mo ako" utos ng dalaga na hindi sinunod ng binata

"I'm so sorry" sinserong saad ng binata

Pinilit ni Amelia na kumawala ulit. Gusto niyang tanggapin ang paghingin nito ng tawad at bumigay nalang. Pero bigla niyang naalala ang sakit na dulot ng akala niyang simpleng pagkagusto lang sa binata noon. Yung dumaan siya sa proseso ng pagmo-'move on' kahit na hindi naging sila.

"I love you, Amelia" saad uli ni Charlone

"*chuckle* You love me? Matapos mo akong ipagtabuyan at matapos mong hindi magparamdam ng ilang buwan. Do you expect me to believe you?" mahihimigan ng galit na saad ni Amelia rito bago ito nagtagumpay na makawala sa yakap ni Charlone

"Nagsasabi ako ng totoo, mahal kita Amelia. Pinilit kong kalimutan ang akala kong simpleng pagkagusto ko lang sa'yo. Pero hindi kita matanggal sa isip ko. Alam mo bang habang nakikipaglaban kami, ikaw ang naaalala ko... sa'yo ko kinuha ang lakas ng loob ko para patuloy na lumaban doon. And at that moment, I realize, how important you are to me. Please, paniwalaan mo ako Amelia"

Napailing si Amelia. Gusto niyang maniwala pero natatakot ito.

"Tell me what I need to do, for you to believe me. Please" nagmamakaawang saad ni Charlone bago ito lumuhod

"Charlone please get up. You don't need to do this" saad ni Amelia habang pilit niyang pinapatayo si Charlone

"No. I need to do this. 'Cause I badly need you in my life. Please, give me another chance. Ngayon sisiguraduhin kong sasaluhin na kita at hindi na pakakawalan pa" saad ni Charlone bago ito yumakap sa bewang ni Amelia

Naguguluhan si Amelia. Unti-unting natitibag ang pader na binuo niya para pangharang sa binata, dahil sa mga matatamis na salitang naririnig niya ngayon rito.

"Are you crying?" tanong ni Amelia nang makarinig ito ng hikbi

Hindi sumagot ang binata. Naramdaman nalang ng dalaga ang basa sa manipis na kasuotan niya kung saan nakatapat ang mukha ng binata.

"Charlone" mahinang tawag nito sa pangalan ng binata

Tumingala ang binata. Agad pinunasan ni Amelia ang mga basa nitong mata at pisngi gamit ang kamay niya. Napangiti ang dalaga bago siya yumuko ng kaunti para mahalikan ang binata.

Oo, ayaw niyang masaktan ulit... takot siyang maramdaman nanaman ang sakit na idinulot ng unang lalaking minahal niya. Pero mas matimbang ang kagustuhan nitong makasama ang lalakeng mahal niya... mas matimbang ang pagmamahal niya rito kaysa sa takot. Kaya panghahawakan niya ang bawat salitang binigkas ng mahal niya. Hindi siya mawawalan ng lakas para lumaban hangga't kasama niyang lumalaban ang mahal niya para sa pag-iibigan nila.

Mr. Soldier (Charlhone Petro). Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon