Makalipas ang dalawang linggo. Magaling na ang paa ni Amelia, nakakapaglakad na ito ng maayos kaya balik siya sa pagtulong sa kanyang ina sa mga negosyo nito."Bakit kailangan pa nating umalis dito dad? Sa tingin ko naman hindi masasakop ng mga rebeldeng 'yon ang probinsiya natin" saad ni Amelia sa kanyang ama
Mahihimigan ng hindi pagsang-ayon ang dalaga sa desisyon ng kanyang ama na manirahan na sila sa ibang bansa.
Pwede namang pumayag ang dalaga sa kagustuhan ng ama niya, kase noon siya pa ang nagsusuhestyon na lumipat nalang sila sa Maynila o kaya sa ibang bansa. Pero ngayon, hindi niya malaman kung anong dahilan kung bakit hindi niya gustong iwan ang lugar nila o ng bansang pinanggalingan nila.
"Iha, we need to make sure of our safety. You never know what will happen. Ayokong may mapahamak sa ating pamilya. Bakit ba biglang ayaw mo nang umalis? Samantalang noon lagi mong inirereklamo sa akin na ayaw mo sa lugar na ito dahil nababagot ka" saad ng ama niya na nagsisimula nang iimpake ang ilang gamit nila
"Dad, I just, realize, that, I can't leave this place" sagot ng dalaga
"Hindi din namin gustong umalis, sweetie. But, trust me, we need to do this for our safety" saad naman ng kanyang ina na kakalapit lang sa kanila dala ang meryenda nila
Napasandal nalang ang dalaga sa sofa na inuupuan niya. Hindi na makapag-isip pa ng isasagot o idadahilan ito. Mukhang hindi na niya mababago ang desisyon ng kanyang ama at ina.
"Dad" tawag niya sa ama niya habang tinutulungan niya ang ina niya na ilagay sa mesa ang mga dala niya
"Yes, iha?" sagot ng ama niya na patuloy parin sa pag-aayos nito sa mga gamit na dadalhin nila sa lilipatan nilang lugar
"Nung nakidnap ako. May isang babae akong naka-usap at ipinagpipilitan niyang traydor ka daw. Kilala mo ba 'yon, dad?" tanong ni Amelia na ikinatigil ng mag-asawa bago nagkatitigan na parang may lihim silang itinatago sa kanilang nag-iisang anak.
"I don't know kung sino man ang babaeng iyon anak. At wala pa akong trinatraydor, kaya imposible ang binibintang niya sa akin" sagot ng ama nito
"Nagsisinungaling ang kung sino mang babaeng 'yon anak. Maniwala ka sa dad mo anak. Kahit ganyan kasungit ang dad mo, hindi 'yan traydor" saad ng ina niya na ikinangiti nilang mag-ina
"Adella, hindi ako masungit" depensa ng ama niya na ikinangiti nila lalo
Matapos nilang mag-usap ng mga magulang niya. Nagtungo siya sa kwarto niya para mag-impake nadin.
*ringtone sound*
Agad niyang dinampot ito at tinignan kung sino itong tumatawag. Hindi niya sana sasagutin ang tawag dahil hindi nakarehistro sa phone niya ang numerong tumatawag sa kanya kaso hindi niya alam kung bakit kailangan niya itong sagutin.
"Hi! Who's this?" bungad niya sa kabilang linya
"Hi! Amelia, si J ito. Gusto lang sana kitang imbitahan sa ***** bar, mamayang gabi kung pwede ka"
"Bakit anong meron?"
"Magpro propose kasi ako sa girlfriend ko. Doon kasi kami unang nagkakilala, haha" natatawang paliwanag ni J
"Oh...okay" maikling saad ni Amelia, tila iniisip kung pupunta siya dahil paniguradong nandoon din si Charlone. Bigla siyang nakaramdam ng inis dahil sa pagkaalala sa lalakeng iyon.
Hindi man lang kasi ito nag-abala noon na bumisita sa kanya sa ospital. Inaasahan niya kasi na naging importante din siya dito. Mabuti pa nga si J bumisita noon kahit saglit lang.
"So, aasahan ko ang pagdating mo ha?"
"S-sige. Mga anong oras ba?"
Hindi sana ito pupunta at magdadahilan nalang sana ito...Pero ngayon ang unang beses na humihingi ng pabor ang isa sa mga taong nagligtas sa kanya. Ang sama naman kung hindi niya ito mapagbibigyan sa isang simpleng kahilingan nito.
"Mga eight pm" sagot ng binata sa kabilang linya
BINABASA MO ANG
Mr. Soldier (Charlhone Petro). Completed.
ФанфикFan fiction of Charlone Petro or Charls Brent. DISCLAIMER. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblanc...