VI

145 0 0
                                    

"W-wait. Ca-n we please s-top for a moment. I'm so tired" hinihingal na sabi ni Amelia kay Charlone

"Hindi pwede. Ilang kilometro palang ang natatakbo natin. Maaabutan nila tayo pag huminto pa tayo" inis na sagot ni Charlone rito

Biglang huminto si Amelia...at dahil hawak ito ni Charlone sa palapulsuhan, napahinto rin siya.

"Hindi ko na kaya. Iwan mo nalang ako" inis na sabi ni Amelia sabay inalis ang kamay ni Charlone na nakahawak sa kaniya

Lalo lang nainis si Charlone rito dahil sa inaasta niya. Pero imbes na magpadala pa siya lalo sa inis niya... Naghanap nalang siya ng pwede nilang pagtaguan muna.

  May nakita siyang malaking bato na natatakpan ng mga naglalakihang halaman. Mabilis niyang hinawakan si Amelia sa pala pulsuhan at hinila ito papunta doon.

  Magproprotesta pa sana si Amelia rito pero inunahan na siya ni Charlone...

"Magtatago lang tayo" seryosong sabi niya

    Ilang sandali palang silang nagtatago nang mapadaan ang mga kalalakihang humahabol sa kanila.

"Where are we going to sleep now?" mahinang tanong ni Amelia nang makalayo ang mga kalalakihang humahabol sa kanila

"Wala tayong panahon para matulog. Kung gusto mong makauwi ng buhay, kailangan ngayon palang makalayo na tayo dito"

Nangangamba si Charlone na baka mangyari sa kanya ang nangyari sa mga kasamahan niya. At mapunta sa wala ang pagsasakripisyo ng mga kasamahan niya dahil sa kagustuhan nilang magtagumpay sa unang misyon.

"But we need some sleep" pagtutol ni Amelia rito

  Napabuntong hininga nalang si Charlone dahil sa kaartehan ng kasama niya.

  Nagpaalam si Charlone na maghahagilap ito ng pwedeng matulugan. Pumayag naman agad si Amelia dahil sa kagustuhan niyang makatulog na.

  Matapos ang ilang minuto... Bumalik narin si Charlone sa kinaroroonan ni Amelia.

  Inaya niya si Amelia sa nahanap niyang lugar na pwedeng pansamantalang tulugan.

   Huminto sila sa malaking puno ng nara. Medyo may nakausling bahagi ito, na pwedeng higahan ng isang tao.

"Matulog ka na diyan" turo niya sa nakausling bahagi ng nara

"Gigisingin nalang kita mamaya" pahabol ni Charlone rito

  Tumango lang si Amelia rito. Bago niya sinubukang umakyat rito.

   Nakaakyat na siya nang may ibigay si Charlone rito.

  "Suotin mo 'to" sabi niya sabay bigay ng jacket nito 

"Thank you" pasalamat ni Amelia

  Halos limang oras din ang naging tulog ni Amelia.  Hindi naman nakatulog si Charlone dahil sa pag-iisip kung ano nang nangyari kila J at Arturo. At iniisip din niya kung paano niya matatapos ang kanilang misyon ngayong mag-isa nalang siya.

   Ginising niya si Amelia sa pamamagitan ng pagkalabit nito sa balikat.

"Gising na. Kailangan na nating kumilos, Miss" sabi ni Charlone rito

  Unti-unti namang nagising si Amelia at agad itong bumangon.

"What time na ba?" paos niyang tanong kay Charlone dahil sa inaantok pa ito

"Alas singko na" sagot ni Charlone

"Ba't ang aga naman... Pwede bang matulog pa, kahit konting oras pa" sabi niya at akmang hihiga ulit

"Miss kailangan na nating kumilos para maka-uwi na tayo. Sabihin mo lang kung ayaw mo nang umuwi at iiwan na kita dito" inis na sabi ni Charlone rito

Napahinto naman si Amelia at wala siyang pagpipilian kundi ang bumaba na.

Ilang beses itong nabigo sa tangka niyang pagbaba, dahil sa takot niyang tuluyang mahulog pag hindi ito nag-ingat sa pagbaba.

  Napakunot noo si Charlone dahil sa tagal nitong bumaba, kaya lumapit na ito sa dalaga upang tulungan ito.

  Inilahad ni Charlone ang kamay nito sa dalaga. Ngunit tinitigan lang ito ng dalaga...

"Halika na, tutulungan na kitang bumaba. Baka abutin ka pa ng isang oras dahil lang sa pagbaba mo"

  Napanguso nalang ang dalaga bago nito inabot ang kamay ni Charlone.

  "Oh my G-" napapikit na sambit ni Amelia

  Ang buong akala niya ay hahayaan siya ng binata na mahulog ng tuluyan dahil sa pagka inis nito sa kanya.

  Pero agad naman siyang naalalayan ni Charlone. Napamulat siya ng kanyang mga mata... Namula siya nang makita niya ang mukha ni Charlone na napakalapit sa kanya.

   Sa sandaling iyon, nakaramdam si Amelia ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Parang hindi siya makahinga dahil sa lapit ng kanilang mga mukha.

  Natauhan lang siya mula sa pagkakatulala nang tumikhim si Charlone. Nakahawak parin kasi si Amelia sa kamay niya kahit na nakababa na siya.

   "Uhmm...Thanks" pasalamat ni Amelia rito sabay ng pagbitaw niya sa kamay ng kasama niya

  What was that? sa isip ni Amelia.

   Nagpatuloy sila sa paglalakad. Panaka-naka ang ambon kaya pinasuot nalang ni Charlone ang jacket nito kay Amelia.

   "Malayo pa ba?" tanong ni Amelia

"Oo" maikling sagot ni Charlone rito

   "Can we please stop for awhile?" tanong niya

  Agad na siyang nagtungo sa lilim ng puno sa gilid at naupo dito.

    Sumunod si Charlone at naupo din ito sa tabi ng dalaga. Aminin man niya o hindi, pagod na rin siya.

  Napa-ubo ang binata. Mukhang nalalamigan na ito dahil sa nipis ng t-shirt niya. Napatingin si Amelia sa sundalong kasama niya... Napasandal ito sa puno at napapikit.

   *krugg* tunog galing sa tiyan ni Amelia

   Biglang napatingin sa ibang direksyon ang dalaga. Samantalang napangisi lang si Charlone dahil sa narinig niya. Alam niyang tiyan iyon ng dalaga pero hindi niya napigilan ang sariling biruin ito.

"Kulog ba 'yon? Ang lakas ha" kunwaring tanong niya sa kasama niyang dalaga

"Haha, funny" sarkastikong sabi ng dalaga dahil sa nararamdaman nitong pagkapahiya

 
  Nagmulat ng mata si Charlone at agad kinapa ang bulsa ng pang-ibabang uniporme nito.

  Naalala kasi niya na may ibinigay pala ang bunso nitong  kapatid noon bago ito umalis sa bahay nila.

"Here" sabi ni Charlone rito sabay abot nito ng isang tsokolate

  Kinuha naman ito ni Amelia...

"Bigay ng kapatid ko bago ako umalis sa bahay namin" dugtong ni Charlone  sa sinasabi niya

Napatango lang si Amelia rito. Tinanggal niya ang balot ng tsokolateng ibinigay ni Charlone bago niya hinati ito sa dalawa.

  Ibinigay nito kay Charlone ang kalahati pero tinanggihan lang ito ng binata.

"Sa'yo nalang, hindi pa naman ako nagugutom"

"Thank you" nahihiyang pasasalamat ng dalaga rito

 

Mr. Soldier (Charlhone Petro). Completed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon