"Mommy, tita Donnalyn, will you two please stop doing that? Kami ni Daniel ang nahihilo sa pinaggagawa niyo eh" saad ng walong taong gulang na batang babae
"Hailena is right, mama. You two should not worry that much about papa and tito Charlone. They were safe" saad naman ng sampung taong gulang na batang lalake pagkapasok nito sa sala
"Paano mo naman nalaman na ligtas sila, Daniel?" tanong ni Donnalyn sa anak nito
"Kasi dumating na sila" walang emosyong sagot ni Daniel sa ina nito
Mabilis na nagtungo sa labas sina Amelia at Donnalyn nang masabi iyon ng bata. Naiwan ang dalawang batang naiiling sa inaasta nila.
Pagkarating nila sa labas ng bahay, agad silang nakahinga ng maluwag at agad tumakbo ang mga ito patungo sa kani-kaniyang asawa para salubungin ang mga ito ng mahigpit na yakap.
"Walang hiya ka! Ba't hindi ka nagsabi na may gyera nanaman kayong pupuntahan. Kay Amelia ko pa nalaman. Asawa mo ba talaga ako ha?!" inis na saad ni Donnalyn sabay tulak niya sa asawa niya matapos niya itong yakapin
Medyo nagkahiwalay sa pagyayakapan sina Charlone at Amelia at agad napatingin sa dalawa dahil sa gulat nila sa ginawa ni Donnalyn.
"Hindi naman sa gano'n baby... Remember nag-away tayo. Sinabi mo pa nga sa akin na wala kanang pakealam pa kung anong gawin ko sa buhay ko diba?" paliwanag ni J
"K-kahit na. Dapat sinabi mo parin" mahihimigan parin ng inis na saad ni Donnalyn sa asawa nito
"Sorry na baby. Promise hindi ko na uulitin" seryosong saad ni J na ikinalambot ng ekspresyon sa mukha ni Donnalyn
"Talaga?" tanong ni Donnalyn rito
"Talagang talaga. Halika nga rito" saad ni J sabay hatak nito sa bewang ng kanyang misis at halik nito sa noo, na ikinangiti ni Donnalyn at agad sinuklian iyon ng yakap.
Napangiti naman sina Amelia at Charlone nang makita nilang nagkabati na ang mag-asawa.
"I miss you so much, babe" saad ni Amelia nang magkatitigan ulit sila ng kanyang asawa
"I love you so much, babe" saad naman ni Charlone bago niya hinalikan sa labi ang asawa nito
"Papa!"
"Dad!"
Napatigil ang mga mag-asawa nang marinig nila ang sigaw ng mga bata. Mabilis silang napalingon sa mga ito.
"Gutom na po kami!" sigaw ng batang babaeng nagngangalang Hailena
"Mamaya na po kayo maglambingan!" saad naman ng batang lalakeng nagngangalang Daniel
Imbes na ma-inis ang mga magulang nila sa pag-iistorbo ng mga anak nila... Napangiti na lamang ang mga ito at sabay nalang nilang tinungo ang loob ng bahay.
Habang kumakain sila...
"Dad, Mommy, I want to be a soldier" saad ni Hailena sa mga magulang nito na sanhi para mabulunan si Charlone. Agad namang naging maagap si Amelia at binigyan nito ng isang basong tubig ang kanyang asawa.
"Anak, babae ka...Well, madaming sundalong mga babae pero anak mapanganib ang maging sundalo" saad ni Amelia matapos mahimasmasan si Charlone mula sa pagkakabulunan
Hindi ata niya kakayanin kung pati ang anak niya ay sumabak pa sa mapanganib na trabaho. Mamamatay ata siya sa pag-aalala sa mag-ama niya 'pag nagkataon.
"But, mommy, yun ang gusto ko. I want to be like dad and tito J" pagpupumilit ni Hailena sa ina nito
Natahimik nalang si Charlone at Amelia. Iniisip nilang pwede pa namang magbago ang isip ng kanilang anak dahil walong taon palang naman ito.
"Papa, mama, I want to be a doctor" saad naman ni Daniel sa mga magulang nito
"Why anak? Akala ko ba gusto mong maging piloto" saad ni J sa anak naman nito
"I want to help Hailena whenever she gets in trouble" saad ni Daniel na ikinangisi ni J
"Bok, mukhang magiging mag-balae tayo ha" natatawang saad ni J kay Charlone
Matapos nilang maghapunan, nagpaalam na sila J at ang pamilya nito na uuwi na.
"Mommy, kailan tayo bibisita ulit kila lola at lolo?" tanong ng anak nila habang nanonood sila ng telebisyon
Ang mga magulang ni Amelia ang kanyang tinutukoy. Nung nag-asawa na kasi ito bumukod na sila ng sarili nilang bahay sa ibang bayan sa probinsiya nila. Tatlo o apat na beses sa isang buwan sila nakakabisita sa mga ito.
"This week anak. Tutal nakabakasyon na uli ang dad mo" sagot ni Amelia rito bago napatingin kay Charlone
"Eh... Kailan po tayo bibisita naman kina nanang at tatang sa Cagayan? One year na po ang nakalipas
nang huli tayong pumunta doon. Miss ko na po sila" tukoy naman niya sa mga magulang ni Charlone"Next week anak. Sasabihan ko ang tito J mo na magbakasyon tayo doon kahit mga two weeks lang bago magpasukan ulit" sagot ni Charlone sa kanyang anak na ikinasaya nito.
Nang magtungo na sa sariling kwarto nito ang kanilang anak, agad narin silang nagtungo sa kwarto nilang mag-asawa. Naunang naligo si Amelia bago ang asawa nito. Nangungulit nga si Charlone na sabay nalang sila pero hindi pumayag si Amelia.
Habang naliligo si Charlone, nakipag 'video chat' muna si Amelia kay Gia... Madami silang napag-usapan lalo na ang tungkol sa bagong karelasyon ngayon ni Gia na isang Canadian. Sa kanilang magkakaibigan si Gia nalang ang hindi pa lumalagay sa tahimik o hindi pa nagpapakasal. Mas prioridad kasi nito ang mga negosyo nila na unti-unti naring nakikilala sa buong mundo.
Nang matapos makaligo si Charlone, agad narin siyang nagpaalam kay Gia.
"Namiss kita ng sobra babe" paglalambing ni Charlone sa misis nito
matapos siyang makaligo at makahiga sa kama nila"Tigilan mo ako Charlone. Matulog ka na, siguradong napagod ka" saad ni Amelia bago ito tumalikod ng higa sa asawa niya
"Babe... Hindi mo ba mapagbibigyan ang asawa mong pinakagwapo sa lahat ng sundalo?" saad ni Charlone sabay yakap nito sa asawa niya
Natawa si Amelia at agad itong humarap kay Charlone.
"Nahahawa ka na ata kay J. Marunong ka naring magbiro Charlone" natatawang kumento ni Amelia
"Hindi ako nagbibiro babe. Nagsasabi ako ng totoo. Ako ang pinakagwapong sundalo... kaya nga na-inlove sa akin ang pinakamagandang babae sa mundo eh" nakangiting saad ni Charlone bago niya kinindatan ang asawa niya
Agad ginawaran ng halik ni Amelia ang papuri ng kanyang mister sa kanya. Marahan ang halikan nila na nagtagal ng ilang minuto.
"Mahal na mahal kita pinakagwapong sundalo ng buhay ko" matamis na saad ni Amelia habang magkalapit parin ang mukha nila
"Mahal na mahal din kita" nakangiting saad ni Charlone bago ulit hinalikan ang asawa.
_____The End._____
Thanks for reading!!! 😘💞
°°°°°
| ---To my dearest brother, sana nagustuhan mo... (Alam mo na kung sino ka.) Libre mo ako pagkatapos mong mabasa ito. Lol. |
![](https://img.wattpad.com/cover/49025452-288-k431301.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Soldier (Charlhone Petro). Completed.
ФанфикFan fiction of Charlone Petro or Charls Brent. DISCLAIMER. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblanc...