Matapos makain ni Amelia ang tsokolate... Nagyaya nang magpatuloy sa paglalakad si Charlone.
Biglang lumakas ang ulan. Sa pagmamadali nilang sumilong ulit sa malapit na puno, hindi nakapag-ingat si Amelia. Napangiwi nalang siya dahil sa sakit ng pagkakabagsak niya sa putikan.
Tinulungan ito ng binata na makatayo. At mabilis niya itong inakay papunta sa lilim ng puno.
Napadaing ang dalaga dahil sa sobra nitong nararamdamang kirot ng kanyang paa.
"Sa'n banda masakit?" nag-aalalang tanong ni Charlone rito nang maka-upo sila
"Yung paa ko" nahihirapang sabi ng dalaga dahil sa sakit ng namamaga niyang paa
Kinuha ni Charlone ang first aid kit nito na nasa bag niya at agad binendahan ang namamaga nitong paa. Pagkatapos ay dahan-dahan nitong iniangat ang paa ng dalaga para ipatong sa kanyang hita. Habang nakalagay ito roon ay dahan-dahan niya itong hinahaplos... Na nakakapagpagaan sa kirot ng paa nito.
Napatingin si Amelia rito... Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang nakakaramdam ng kilig rito.
"Kaya mo bang ilakad?" tanong ni Charlone nang tumila nanaman ang ulan
Umiling si Amelia. Kaya sinabihan ito ni Charlone na sumampa ito sa likod niya. Sinunod ito ni Amelia.
Bitbit yung bag at karga si Amelia, nagsimula nang maglakad si Charlone.
"S-sorry. Nang dahil sa akin napahamak ang mga kasama mo" saad ni Amelia habang pasan siya ng binata
"Ito ang sinumpaan naming tungkulin, miss. Kaya wala kang dapat ihingi ng tawad" saad ng binata bago napahinto at napaubo kapag kuan
"Mukhang magkakasakit ka... Ikaw nalang kaya ang magsuot nitong jacket baka mapano ka pa" nahihimigan ng pag-aalala na saad ng dalaga
"Hindi na, kaya ko panaman."
Nakarating sila sa isang ilog. Walang tulay dito, mukhang kalmado naman ang pag-agos nito at hindi naman ito masyadong malalim... Kaya tinawid niya ito at habang papalapit siya may na aninag siyang tao na kumakaway sa kanila.
"Bartolome?" sambit niya sa apelyido ng kanyang kasamahan
Dahan-dahan niyang iniupo sa may bato si Amelia. Bago niya niyakap si J. Napahiwalay siya rito at napatingin sa paligid na tila may hinahanap.
"Masaya akong ligtas ka, bok. Pero, nasaan si Arturo?" Nakangiting saad ni Charlone rito
Napailing si J bilang sagot.
"Iniligtas niya ako, bok. Sorry bok" naiiyak na saad ni J
Agad nawala ang ngiti sa mga labi ni Charlone. Habang humahagulgol si J, hinawakan ni Charlone ang balikat niya bilang pagpapaalala na nandoon siya bilang kaibigan nito.
°°°°°
Habang hindi pa masyadong madilim napagpasyahan nila J at Charlone na humuli ng makakaing isda sa ilog. Kumuha sila ng tangkay ng punong malapit sa kanila, pinatulis nila ito gamit ng dala nilang kutsilyo.Habang nag-iihaw sila. Ikinuwento ni J ang nangyari sa kanila ni Arturo. Ganun din si Charlone ikinuwento niya rin ang nangyari sa kanila.
Kinabukasan. Biglaang napabangon si Charlone dahil sa pagkakataranta nang makita na wala na sa hinigaan niya si Amelia. Dumoble pa nang makita niyang wala din si J sa kanyang pwesto kagabi.
Isinigaw niya ang pangalan nila pero walang sumagot. Hinanap niya ang mga ito...
Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya si J sa di kalayuan.
"Pinag-alala mo ako bok" saad ni Charlone rito sabay mahinang tulak nito sa balikat ni J
"Nag jingle lang ako bok. Miss mo na agad ako?" biro ni J rito
"Sira. Nasaan na pala yung babae, bok?"
"Nagpaalam na maliligo daw doon" sabay turo ni J sa lugar kung nasaan si Amelia
"Kailangan na nating umalis baka maabutan pa tayo ng mga humahabol sa'tin bok"saad ni Charlone na sinang-ayunan ni J
"Maiwan muna kita bok" paalam ni Charlone rito at nagmadali na itong nagtungo doon
Nag-aalala itong baka mapano pa ito.
Nang makarating ito doon...Napatago siya sa may bato dahil sa naabutan niya. Walang kahit na anong saplot si Amelia. Nakatalikod ito nang madatnan niya kaya sigurado siyang hindi siya nakita nito.
Nakaramdam si Amelia na parang may ibang tao nang marinig niya ang kaunting ingay dahil sa maliliit na batong naapakan ni Charlone.
"Is anyone here?!" pasigaw na tanong ni Amelia sa paligid
"S-Si Charlone 'to, Amelia!!! Sorry, wala akong intensyon na masama! Kailangan na kasi nating umalis... Baka kasi maabutan pa tayo ng mga humahabol sa atin" mahabang paliwanag ni Charlone rito
"O-okay. Just, wait there"
Mabilis na nagbihis si Amelia.
"Okay na paa mo?" naisipang itanong ni Charlone nang nasa harapan na niya si Amelia, para mabawasan yung pagkailang nila sa isa't-isa dahil sa nangyari
"Medyo, okay na" sagot ni Amelia rito habang paika-ikang naglalakad
BINABASA MO ANG
Mr. Soldier (Charlhone Petro). Completed.
FanfictionFan fiction of Charlone Petro or Charls Brent. DISCLAIMER. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblanc...