"Can I have more shots of vodka, please!!" pasigaw na saad ni Amelia sa mga kasamahan niya sa mesa dahil sa ingay na ng bar
Matapos magtagumpay ang naiibang marriage proposal ni J para sa girlfriend nitong si Donnalyn Finlay na isang modela at singer... (Na kakilala din pala ni Amelia sa larangan ng pagmomodelo). Nagsimula nang uminom si Amelia ng mga matatapang na klase ng alak. Simula kasi ng dumating sina Charlone at ng chinita nitong nobya, parang naging masama na ang pakiramdam nito. Parang gusto niyang magpakalasing para lang hindi niya maramdaman ang nararamdaman niyang sakit sa pagkakita sa dalawang magkasintahan na naglalalambingan sa kanilang mesa. Ang buong akala niya'y wala pang kasintahan ang binata.
"Amelia, tama na 'yan mukhang lasing kana" nag-aalalang saad ni Donnalyn kay Amelia
"I'm still sober... Don't worry about me. Let's celebrate instead. Cheers!!!" malakas na sigaw ni Amelia sa huling salitang binitiwan niya. Sabay ng pagtaas nito sa kanyang 'shot glass'.
Matapos niyang mainom ang mga inumin niya. Saktong naipatugtog ang paborito niyang kanta. Hindi siya napigilan ni Donnalyn nang magtungo ito sa 'dancefloor'. Dahil sa tama ng alkohol sa systema niya... Nabunggo niya ang isang maskuladong lalake. Napakunot noo ang lalake pero agad din itong napangiti nang makita niya ang napaka among mukha ng dalaga.
"Sorry" hinging paumanhin ni Amelia rito
"What's your name, miss?" bulong ng lalake sa dalaga
"*chuckle*We're not here to chit chat, you know!!!" natatawang sigaw ng dalaga para marinig ng lalakeng kaharap niya
Nagsimulang sumayaw at tumalon-talon ang dalaga. Sinasabayan pa niya ang kanta habang tumatalon. Sumigaw ang lalakeng kasama niya pang suporta sa dalagang tila nagwawala na sa 'dancefloor'.
Sa kabilang banda, nanggagalaiti na sa galit si Charlone dahil sa paghawak ng lalake sa bewang ni Amelia. Parang gusto niyang mangbugbog ngayon.
"Hon..." malambing na saad ng girlfriend niyang si Trix
|Kanina pa siya naglalambing sa nobyo nito pero parang hindi siya napapansin nito. Matagal nilang hindi nakasama ang isa't isa pero bakit ganito siya pakitunguhan ng nobyo niya ngayong magkasama na sila. Okay naman sila kanina bago makadating sa bar.| ...Sa isip ni Trix.
Napatingin siya sa tinitignan ng kanyang kasintahan. At lalo siyang nainis dahil sa babaeng tinitignan nito. Bigla siyang tumayo, na ikinagulat ni Charlone.
"I want to go home" inis na saad ni Trix rito
"Why?" tanging naitanong ni Charlone rito
"Are you really asking me that question, huh? Matapos mo akong hindi pansinin dahil sa katititig mo sa ibang babae! Let me remind you that I am your fucking girlfriend Petro, not that woman!!" galit na saad ni Trix na itinuro pa kung nasaan yung tinutukoy niyang babae
"I'm sorry, hon. Please sit down" pakiusap ni Charlone rito
"No! Uuwi na ako!!" sigaw nito at mabilis na nagtungo sa labasan
Nagpaalam si Charlone kay J at Donnalyn. Bago nagtungo din sa labasan para sundan ang kanyang kasintahan. Inihatid nito ang nobya sa bahay nito at agad din siyang bumalik sa bar.
Naabutan niya sa labas si Amelia at ang kasayaw nitong lalake kanina.
"Do you need something else?" saad ng lalake matapos iabot sa dalaga ang isang 'bottled water'
"No, I'm fine. Mauna kanang bumalik sa loob" saad ni Amelia rito
Lumapit si Charlone sa dalaga nang makalayo na yung lalakeng kasama niya kanina. Napabuntong hininga ito nang makita niya ang pagsusuka ng dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/49025452-288-k431301.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Soldier (Charlhone Petro). Completed.
FanfictionFan fiction of Charlone Petro or Charls Brent. DISCLAIMER. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblanc...