{ MTMEB 4 }

2.1K 74 4
                                    

{ MTMEB 4 }

Soundtrack for this chapter: Sofa by Jungkook

Meisha's pov.

"Hoy Meisha! Tumayo kana dyan please. May pupuntahan tayo." Angal ni Vianca habang pinapalo palo pwet ko. Hindi ko alam kung anong problema ng babaeng to at nambubulabog dito sa pamamahay namin.

"Saan ba kasi tayo pupunta? Mamaya nalang please? 10 o'clock palang naman eh. At mukhang makakapaghintay naman 'yang pupuntahan natin." Sabi ko at nagtaklob ng unan sa ulo. Banaman kasi ang ingay ingay pwede namang mamaya eh.

"Ayoko kasi. Dali na Meisha! Tumayo kana dyan at maligo. Pinagpaalam narin kita kila tita at tito." Kahit kailan talaga nakakabwisit 'tong babaeng 'to.

"Mamaya na nga kasi. Ang kulit mo!" Sigaw ko sabay bato ng unan sakanya.

"Ikaw ang makulit tumayo kana nga dyan!" Sinipa niya muna hita ko at umupo naman sa tabi ko at niyugyog ako. Seryoso ba 'tong babaeng 'to? Panira ng tulog eh. Magantihan nga 'to sa susunod.

"Tigilan mo nga yan." Utos ko sakanya at lumayo.

"Oo na. Tatayo na. Hintay ka lang dyan." Sabi ko at nagunat unat muna bago tumayo.

Pasalamat talaga 'to si Vianca at kahit ganyan siya, eh mahal ko parin siya. Kahit ang sarap niyang ipatapon sa mars.

After kong maligo at magbihis ay dumiretso nako sa baba para puntahan si Vianca.

"Hay salamat. Natapos din siya." Nagkibit balikat nalang ako at naglakad palabas ng bahay.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sakanya pero di niya ako pinansin at pumasok naman sa kotse niya.

"My new baby said hello." Taas kilay na sabi ni Vianca. Kahit kailan talaga 'to.

Nasanay nako sa pabago bago ng sasakyan ni Vianca. Well, her family likes cars. Kulang nalang nga, eh gumawa sila ng bilihan ng sasakyan dahil sa dami ng mga 'to.

"BMW, huh? Anong meron at binilhan ka ng bago?" Tanong ko sakanya at tinignan naman ako ng seryoso.

"Its BMW M6, Meisha. Hindi lang siya ordinaryong BMW." Angal naman niya. Seriously? Ang arte talaga ng babaeng 'to.

"Yeah yeah. So saan nga tayo pupunta?"

"You'll see." Napairap nalang ako sa sagot niya.

Habang nagd-drive si Vianca ay kinukulit ko siya kung saan kami pupunta. Kasi naman magyayaya tas hindi man lang sasabihin kung saan. Anong klase naman 'yon.

"Tumigil ka nga, Meisha. Isa pang tanong mo ililigaw ko tayo parehas." Tumahimik nalang ako dun sa sinabi niya. Ginawa niya na 'yan dati. Niligaw niya kami parehas. Umalis kami sa bahay nun ng 9:30 AM at nakauwi kami madaling araw na. Inaasar ko kasi siya nun. Nabasted kasi siya. Weird no? Siya pa nabasted. Ayon inasar ko siya ng inasar hanggang sa nainis at kung saan saan kami nakapunta. Muntik pa nga ako patayin ni Daddy dahil anong oras na daw kami nakauwi, eh.

Tumigil naman ang sasakyan niya sa napaka pamilyar na lugar. Bumaba naman kaagad siya kaya ganun din ang ginawa ko at sumunod sakanya papasok sa ice cream parlor.

Humanap naman kami ng isang bakanteng upuan gitna at umorder na si Vianca.

Niisang clue wala akong alam kung bakit kami nandidito. Alam ko kung kanino 'tong ice cream parlor pero wala naman kaming gagawin dito. Ni hindi nga ako tinext ni Harley na may importante kaming gagawin dito. Si Harley 'yung may ari ng parlor na 'to and he's a close friend of me and vianca.

Bumalik naman si Vianca na may dala dalang tray ng ice cream, drinks, at brownies.

Kumuha naman siya ng brownies at tumingin tingin sa pintuan ng office ni Harley.

"Ano bang meron at tingin ka ng tingin dyan?" Taas kong kilay na tanong sakanya.

"Ang tagal kasi ni Harley, eh. Sabi niya may news daw siyang sasabihin satin." Sagot naman niya at kinuha naman 'yung ice cream.

"News? Eh, bakit hindi man lang niya sinabi sakin?" Nakakunot kong tanong. Nakakapanibago naman kasi. Tuwing may mangyayari, eh lagi naman sakin sinasabi ni Harley. Ako pa nga una niyang sinasabihan tas ngayon si Vianca ang una niyang sinabihan. Tas sakin niisa walang sinabi? Ang daya nila ha.

Nagkibit balikat naman siya at patuloy lang siya sa pagkain ng ice cream. Seriously? Hindi niya ba talaga alam?

"Sorry for making you wait, girls. By the way, may kasama nga pala ako." Napatingin naman kami kaagad dun sa nagsalita at si Harley pala. May kasama naman siyang lalake sa likod niya. Nagbeso ako sakanya at ganun din naman si Vianca at umupo na kaming apat.

"So anong meron ngayon?" Tanong ko at kumuha ng isang brownies.

"Goodnews or badnews?" Tanong ni Harley.

"I want the goodnews. Now, spill." Sabi ni Vianca.

"Goodnews? Okay. Nagpaplano si Mommy na magtayo ng restaurant. Its a chinese restaurant since we're half chinese and she likes chinese cuisines. And she wants the two of you to be there with her. Alam niyo namang kayo lang ang paboritong kaibigan ko ni Mommy." Paliwanag niya at napangiti naman ako dun sa sinabi niya. Kahit kailan talaga si Tita. Highschool days palang ay magkakilala na kami. Ang pinagkaiba nga lang ay mas matanda siya samin ng dalawang taon. Yes. He's our senior back then pero naging close kami dahil nagkaron ng activity sa school at by grade ang partnering. Meron naman akong kilalang seniors sa school bukod kay Harley nun pero nung nagkaron ng activity, mas lalo kami naging close.

"And the badnews?" tanong ko naman.

"The badnews is.. I'm leaving and no longer managing this place." Nalaglag naman panga ko dun sa sinabi niya. Kahit si Vianca at natigilan at nabitawan narin 'yung ice cream niya.

"And this guy over here is the one who will be managing this place. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mawawala pero basta." Nakangiti niyang sabi. Seriously? Nakangiti pa siya sa lagay na 'yan?

"And he's Ryan Montenegro. Ryan, this is Vianca and Meisha." Pakilala naman ni Harley at nakipagkamayan naman kami kay Ryan.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano at magaan naman loob namin dun sa Ryan. At nakita ko rin kung paano makatingin si Vianca sakanya.

'Yung tingin na 'yon alam ko na agad, eh. Halata naman na may crush na siya dun sa Ryan. Hindi pa ba siya nadadala sa pagkabasted niya? Hay nako. Magconfess banaman daw sa may girlfriend na? Aba ang tanga lang diba.

Kung kaya ko lang dukutin mata nito aba matagal ko ng dinukot. Kahit kailan talaga.

Napatingin naman ako kay Harley na tumatawa. Napangisi nalang ako.

Mamimiss ko 'tong lalakeng 'to kahit nakakairita minsan. 'Yung tipong madaling araw na bigla kang papapuntahin sakanila kasi may emergency daw tas hindi lang pala siya makatulog o gutom daw siya. Walangyang lalake no? Siya pa ganyan. Pero kahit papano naging mabuting kaibigan din naman siya sakin. Lagi niya kong tinutulungan kapag kailangan ko ng mapagsasabihan ng problema o di kaya, eh 'yung mga dapat kong gawin.

"Aalis ka ba talaga, Harley? wag nalang please. Mamimiss ka namin, eh." Sabi ko kay Harley pagkatapos ko siyang yakapin.

"Kaya nga, Ley. Saan ka ba kasi pupunta at kailangan mo pang magpakalayo? Atsaka ano bang gagawin mo don?" Tanong naman ni Vianca.

"Basta. Mamimiss ko rin naman kayo, eh. Meron din namang skype kaya wag kayong magalala. Hindi ko naman kayo makakalimutan, eh. Malakas kaya kayo sakin."

Pagkaalis na pagkaalis namin dun ay inihatid kaagad ako ni Vianca pauwi. Ieentertain niya pa daw kasi 'yung Ryan.

Napailing nalang ako.

Bat ka pa kasi aalis, Harley?

Married to my Ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon