{ MTMEB 12 }
Soundtrack for this chapter:
The hardest thing by julia sheerMeisha's pov
Napagisip isip ko napaka gulo ko pala talaga. I mean pabago bago ako ng desisyon. Ang hirap.
I feel so dizzy. Okay naman ako nung kasama ko sila Vianca last time pero bakit ganto pakiramdam ko? ang hirap gumalaw. Ang sakit ng katawan ko.
Napatingin naman ako kay Drake na pumasok sa pinto.
"You look so pale. Ayos ka lang ba? Here. Eat your breakfast. Kukuha lang ako ng gamot." sabi ni Drake at agad na lumabas sa kwarto ko.
Tinignan ko naman 'yung pagkain na dala niya. Bumabawi siya.
Kinuha ko naman 'yung sandwich tapos pinapak ko 'yung bacon and eggs. Onting kanin lang kinuha ko kasi wala talaga akong gana.
After ng ilang minuto bumalik siya na may dala dalang gamot.
"Drink this."
Sinunod ko 'yung ginawa niya at pinilit na tumayo. Pero biglang nanlabo 'yung paningin ko. At sobrang sakit ng ulo ko.
Ano bang nangyayari sakin?
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Drake at agad naman akong napahawak sakanya.
Unti unting nanlalabo 'yung paningin ko at tanging boses nalang ni Drake ang naririnig ko.
Drake's pov.
Dinala ko kaagad si Meisha ng himatayin siya kanina. Nakakataranta. At nakakainis dahil hindi ko man lang alam kung anong nangyayari sakanya. Ganon na ba ko kapabaya?
Puta bakit naman kasi nagkaro'n pa ng dengue sa mundo? paki explain nga.
Pakiramdam ko kasalanan ko lahat ng 'to, eh. Kahit hindi ako 'yung lamok na kumagat sakanya parang kasalanan ko parin.
Hindi ko alam pero sa tuwing nasasaktan siya sinisisi ko sarili ko. Parang kagagawan ko lahat ng 'to kung bakit siya nasasaktan. At mas nasasaktan ako kapag naiisip 'yon.
Simula sa araw na 'to hinding-hindi ko na siya papabayaan pa. Ayokong mawala siya sakin dahil nangyari na yun at ayokong manyari yun ulit.
AYOKO. MASYADONG MASAKIT.
Eh yung dati nga eh halos mawalan nako ng pagasa na makikita ko siya ulit pero ito ako. Kasal na. Kasal na sa taong pinakamamahal ko.
Ilang month kaya akong nagmukmok dun sa kwarto ko. Akala ko kasi wala ng pagasa. Kaya napabayaan ko ang sarili ko nun. Pero sabi ko sa sarili ko paano nalang kung magkita kami? tas ganito pa ang lagay ko? nakakahiya diba? edi ayun. Hindi nako nagpabaya at lagi narin akong nageexcersise. Hindi narin ako nagpapalipas ng gutom at ginawa ko siyang inspirasyon noon.
Bigla namang namulat yung mata ni Alex. Nakatingin lang kasi ako sakanya.
"Kamusta ka?" Salubong na tanong ko sakanya.
"O-Okay naman. Drake... M-Meron bang makakain dyan?" Tanong niya kaagad.
"Hm, meron. Ano bang gusto mo?"
"Soup." Sabay ngiti niya pero bakas parin sakanya ang pagiging matamlay.
Kinuha ko naman yung soup na nakapatong sa mesa at sinubuan siya.
Pagkatapos ko siyang subuan ay pinainom ko muna siya ng gamot at tuluyan na siyang natulog.
Hinaplos ko lang yung pinsingi niya. "Aalagaan kita.. hanggang sa maging okay kana."
BINABASA MO ANG
Married to my Ex-boyfriend
Teen FictionAng love okay 'yan eh. Masaya ka sa una, pero pagnagbreak? hindi na. Marami ng magbabago, lalo na sa buhay mo. Kakayanin mo bang pakasalanan ang lalaking sumira ng pagkatao mo? Ang lalaking nanakit sayo nung una palang? Ang lalaking nagpaiyak sayo...