{ MTMEB 3 }

2.2K 79 6
                                    

{ MTMEB 3 }

Meisha's pov.

(After two weeks)

Wala kaming pasok ngayon kaya nakahiga lang ako buong magdamag dito sa kwarto ko. Ayoko namang buksan 'yung t.v dahil nakakatamad naman 'yung mga papanoorin ko. Wala rin naman ako sa mood magbasa ng libro.

Gusto kong lumabas pero ano namang gagawin ko? Kung kumain naman kaya ako sa labas, eh mukha naman akong loner dahil ako lang magisa.

Parang ewan kasi si Vianca. Hanggang ngayon busy parin sa pagpaplano kung pano magiging sobrang enggrande 'yung party ni tita klaire.

Ayoko namang kontakin si Caleb dahil nakakahiya.

Ang boring ng buhay ko nakakainis. Tumunganga lang ako sa dingding at kung ano anong iniisip.

Napailing nalang ako at agad naman akong tumayo para maligo na. Mags-shopping nalang siguro ako bahala na.

After kong maligo ay agad agad naman akong humanap ng damit pero nakailang kuha nako sa closet ko ay wala talaga akong makita. Feeling ko hindi na bagay sakin pero nasuot ko na siya dati. Napaka kalat ng walk in closet ko dahil sa isang damakmak na damit na nakakalat sa sahig.

Sa huli pinili ko nalang na magjeans at shirt. Simple lang. Sa mall lang naman ako pupunta.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng mall ay di ganon karami akong tao. Siguro nasa mga kainan 'yun.

Tumingin naman ako sa iba't ibang boutique. Dumaan din ako sa bench, F21, Candies, Jag, Tribal, at kung ano ano pa pero onti lamang ang napili ko.

Napailing nalang ako habang hawak hawak ko tong mga dala ko at lumabas ng mall para ilagay sa kotse ko. Ewan ko pero mukhang namamalik mata lang ako ng pagkatapos kong ilagay sa kotse ko 'yung mga pinamili ko dahil parang naaninag ko si Drake. Pero imposible namang nandito 'yun diba?

Hindi ko nalang pinansin 'yon at dumiretso nalang ulit sa loob papuntang department store. Siguro naman marami akong mabibili dun sa loob. Gusto ko sanang kumain muna pero busog pa pala ako kaya mamaya nalang after ko dito.

Tumingin tingin naman ako ng mga blouse at tank tops. Mahilig kasi ako sa ganon atsaka napagliitan ko na kasi yung mga blouse ko mga last last year pa ata 'yon, eh. Ngayon lang talaga ako mags-shopping ng todo todo at ipapamigay ko nalang 'yung mga damit ko na hindi ko ginagamit para hindi sayang.

Hawak hawak ko 'yung dress na black ng biglang may babae na hinila ito sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at hinila ito.

"Akin yan! Bitawan mo nga." Sigaw nung babae sakin.

"Anong sayo? Bulag ka ba? Nakita mo namang hawak ko bigla mo namang kinuha."

"Ayus-ayusin mo nga 'yang tabas ng dila mo. Akin kasi 'yang dress na 'yan. Ako nakakuha hindi ikaw!" Sigaw niya ulit sakin at sinubukang hatakin ulit 'yung dress pero tinulak ko naman siya ng di kalakasan.

"How dare you!" Sigaw niya ulit na nakakuha naman ng atensyon sa mga taong namimili.

"Look ms. Ako ang unang nakakuha okay? Kung gusto mo, itanong mo nalabg kung may stock pa. Ayokong makipagtalo sa isang katulad mo." Aalis na sana ako ng bigla niya ako hatakin paharap sakanya.

"This is mine!" Sigaw niya at nagaagawan naman kami sa dress. Like what the heck?! Walangyang babae 'to ah! Hindi man lang alam ang salitang respeto.

Sa lakas ng paghila namin sa dress ay bigla itong napunit at binitawan naman niya ito at sinamaan ako ng tingin. Napailing nalang ako.

"Tutal mabait naman ako, ako na magpapaubaya. Sayo na 'yan. Basura na, eh. kauri mo." At umalis nako ng tuluyan at tumingin nalang ng mga short shorts.

Married to my Ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon