{ MTMEB 2 }
Soundtrack for this chapter: Blankspace by Taylor swift
(Meisha and Drake aside)
Meisha's pov.
Medyo maaga ako nakarating sa school kaya wala pa sila Vianca at Caleb. Simula ng magkakilala kami kahapon ay sabi sakin ni Vianca isama na daw namin samin si Caleb. Tutal magaan naman ang loob namin sakanya, edi isasama nalang namin siya. Wala rin naman kasi siyang kaibigan kaya samin siya sasama. Atsaka ang hirap kaya paniwalaan na walang kaibigan yon. Sa kapal ng mukha nun na umupo sa gilid namin kahapon? Sus. Sinungaling talaga yon.
Nakaupo lang ako dito sa bench sa may pabilog na puno dito sa center circle. Wala eh. Anong magagawa ko? Edi mag hintay. Banaman kasi ang aga ko nagising kanina. At ang aga din ako pinaalis ni Daddy. Kesyo mas maayos kung lagi akong on time sa klase.
Nalaglag naman panga ko ng mahagilap ko si.. si Drake na may kasamang lalake. Napaiwas naman kaagad ako ng tingin at kinagat labi ko. Wow! So after all this years nandito parin siya? Akala ko umalis siya. Hindi ko na kasi siya nakikita. Baka siguro tinataguan lang ako? Eh bat naman ako niya tataguan diba? Siya pa nga nakipagbreak samin, eh. Gagong yun
Napailing nalang ako at naglakad na papunta sa kotse ko. Wala akong pake kung sino mabangga ko basta makaalis lang ako dito.
"Excuse me!" Sigaw ko habang natakbo. Napaparanoid na ba ko? Pero teka, bat naman ako mapaparanoid diba? Mukha tuloy ako baliw dito. Putek bahala na!
"Excusesjciwahd-- Sorry. Sorry. Sorr-" Natigilan naman ako ng makita kong si Drake ang nabangga ko. Papunta rin pala siya sa kotse niya. Napakagat nalang ako ng ibabang labi ko at pinunasan 'yung tshirt niya.
Sorry ako ng sorry sakanya at halatang nagpapanik nako.
"Mei?" Napatingin naman kaagad ako sa tumawag sakin at buti si Caleb 'yun.
"Ah.. Eh. A-Ano ah--" Nangangapa ako ng sasabihin. Nakakahiya.
"Tara na nga kanina pa kita hinahanap. Nandun narin si Vianca." Sabi niya at nginitian ako. Sumunod naman ako sakanya at hinayaan si Drake don.
Nakakainis. Nakakahiya. Meisha alam mo ba 'yung ginagawa mo ha? Natapon lang naman 'yung kape sa shirt niya. Tas hinayaan mo lang ng ganon. Pero ayos narin yon diba? Nagsorry narin naman ako atsaka, atsaka hindi ko naman sinasadya 'yon.
Pero naiinis parin ako sa sarili ko. Bat naman kasi ako biglang tumakbo kanina? At hindi ko pa tinitignan kung ano dinadaanan ko. Ayan tanga nabangga mo 'yung iniiwasan mo.
Grabe. Umagang umaga palang ganun agad sasalubong sakin? Ang malas ko naman ata.
Bakit ka ba biglang naging ganyan, Mei? Move on na diba? Bakit ganyan kalakas ang epekto niya sayo? Timang lang?
Ah basta. Wala na kami. Wala nakong pake. Move on nako. Kalimutan na lahat ng nangyari. Past is past.
"Bakit ba ganyan mukha mo? Kanina ka pa ah? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa." Napatingin naman ako kay Caleb ng sabihin niya 'yon.
"Ah? Wala wala. May naisip lang ako."
"Iniisip mo 'yung lalake kanina no?" Napakunot noo naman ako ng sabihin niya 'yon. Eh? Si Drake? Bat ko naman iisipin si Drake diba? Ano ako baliw para isipin ang ex ko? Patawa 'to ah.
BINABASA MO ANG
Married to my Ex-boyfriend
Fiksi RemajaAng love okay 'yan eh. Masaya ka sa una, pero pagnagbreak? hindi na. Marami ng magbabago, lalo na sa buhay mo. Kakayanin mo bang pakasalanan ang lalaking sumira ng pagkatao mo? Ang lalaking nanakit sayo nung una palang? Ang lalaking nagpaiyak sayo...