{ MTMEB 10 }
Authors note: Sorry for the really reallyyyyy long update. Napaka busy lang talaga pero I'll update parin naman.
Soundtrack for this chapter:
Come home by One RepublicMeisha's pov.
Hindi ako makagalaw. I mean hindi ko alam pero naaalala ko 'yung panahon na linigtas ako ni Drake. 'Yon 'yung time na hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung sino pang maaasahan ko.
Pero dumating siya-- si Drake.
'Yun din 'yung gabi na hiniling ko na sana siya na mapakasalan ko. Na ang tanging naiisip ko lang ay kami. Wala ng iba.
'Yung mahigpit na pagyakap niya sakin ng gabing 'yon, ramdam ko na hinding hindi ako mapapahamak. Dahil andyan siya. Dahil poprotektahan niya ko.
Inayos ko nalang 'yung sarili ko at iniyos ang pagkakahiga. Presko ang simoy ng hangin. Rinig na rinig ko ang daloy ng dagat. Ang sarap sa pakiramdam ng ganto.
Sana ganto nalang din buhay ko. Tahimik, hindi magulo. Hindi katulad ng ganto mga desisyong ayoko, pero kinakailangan.
Tumayo nako sa duyan at pumasok na sa resthouse. Tamihik at siguro ay tulog pa si Drake.
Nagluto muna ako ng breakfast at kumain pagkatapos. Hinayaan ko nalang muna matulog si Drake. Gusto ko rin naman kasing mapagisa. Makapagisip.
Nalilito na kasi ako. 'Yung mga actions na pinapakita niya, 'yung mga sinasabi niya, naguguluhan ako.
Pero hayaan na nga. Masyado lang ako napaparanoid kasi hindi nako sanay ng andyan siya... o naiilang? Pero imposible. Baka di lang talaga ako sanay na kasama ko ulit siya at sa iisang bahay pa.
"Ang aga mo ata nagising ah? Saan ka natulog?"
Napatingin naman ako sa kabababang si Drake. Kinukusot-kusot niya pa mata niya at halatang bagong gising talaga.
Pero bakit ganon. Ang gwapo niyang tignan sa messy hair at sa simpleng muscle tee at pajama na suot niya?
"Ganun na ba ako kagwapo para titigan mo ng ganyan?"
Inirapan ko naman siya sa sinabi niya. Ano daw? siya? Gwapo? Duh. Nababaliw na ba siya?
"Fyi, mukha ka ngang tuko, eh. Kailan pa naging gwapo ang tuko?"
"Ah kaya pala grabe kang makatitig sa isang tuko."
"Hindi kita tinititigan. Wag ka ngang feeling."
"Ako pa ha? Baka ikaw. Pinagnanasahan mo nako sa isip mo."
"Ang kapal. Dyan kana nga."
Narinig ko namang tumawa siya pagkaalis ko. Nakakainis.
Dumiretso lang naman ako sa kwarto namin. Kahit gusto kong maglakad lakad sa seashore, eh medyo umaangat na 'yung araw.
"Hindi mo man lang ba ako sasamahan dito?" Rinig kong sigaw ni Drake galing sa baba. Hindi ko nalang sinagot at nanood nalamang ng t.v.
Kahit kailan talaga napaka taas ng tingin niya sa sarili niya. Akala mo naman kung sinong gwapo, eh mukha namang tuko.
Kamusta na kaya sila mommy? Eh, si ate kaya? May anak na ba sila ni Kuya Christian? Hanggang ngayon wala parin akong update tungkol sakanila. I really miss them so badly.
Kung hindi lang talaga ako kinasal ng maaga siguro pinuntahan ko na sila ate sa states-- wait, baka naman payagan ako ni Dad tss.
And yup. Kung pupuntahan ko man si Ate dapat magpapaalam muna ako kay Dad. Baka daw kasi busy silang dalawa dun tapos makiki gulo pa daw ako. Like duh? Alam ko naman kung anong dapat gawin at kung saan ako lulugar no. Gusto ko lang talaga makasama si Ate kasi miss na miss na miss ko na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Married to my Ex-boyfriend
Teen FictionAng love okay 'yan eh. Masaya ka sa una, pero pagnagbreak? hindi na. Marami ng magbabago, lalo na sa buhay mo. Kakayanin mo bang pakasalanan ang lalaking sumira ng pagkatao mo? Ang lalaking nanakit sayo nung una palang? Ang lalaking nagpaiyak sayo...