CHAPTER TEN:-I am Sorry-

26.1K 201 45
                                    

Saisy’s POV:

Simumpong ako ng asthma ko, hahaayy… ikaw ba naman ang maging sunud sunuran sa Hilaw nayun. Tssk.. tuloy di ako nakapasok sa school. Kainis talaga hindi totoo lahat ng sinabi niya tungkol sa project. Tinawagan ko kaya mayor Charles namin sa classroom. Napagsabihan pa ako nina lolo bakit daw di ako nag paalam sa mokong nay un, hinatid pa man daw ako. Haiiitzzz, bakit ba kasi ano ba ang ginawa ni Sam sa lolo’t lola ko. Ewan… basta nasa kwarto lang ako maghapon syempre nagpapahinga. Nakaka umay na itong mga gamut ko, sawa na rin ako sa ingay ng nebulizer ko. Buhay!!! Malapit na ang uwian, sigurado ako pupunta si Jen dito… kaya inayos ko na sarili ko. Teka, maiba sa usapan… napagtanto ko lang, naghihiganti talaga si Hilaw sa akin. Una, sinapak ko siya… sigurado sobrang sakit yun. Kaya eto, suffer ako sa asthma ko ngayon. Pangalawa, pinaghintay niya ako sa kanilang sala, tapos lumabas lang at sinabing nakatulog? Jusko.. hahahayy, grabeee… napaghintay ko rin pala siya noong dance rehearsal namin. NAKUUU!!! Saisy… iba nga talaga siguro tong kaharap mo. -__-

Habang eto na naman nahihirapan akong huminga, naalala ko tuloy noong last time akong sinumpong. 3rd year? Iyak lang ako ng iyak, eh… bawal din sa akin yun kasi susumpungin na naman ako ng sakit ko. Wala akong magawa kahit gustong gusto ko pigilan ang luha ko pero hindi eh, sobrang sakit na malaman mo na kung kalian mo sineryoso ang pag-ibig yun pala pinaglalaruan ka para lang sa kapakanan ng iba. Naging instrument pa ako para sa ikabubuti nung babaeng mas mahal pa ng minamahal ko. Ganito na ba kasaklap ang buhay? It was Feb. 15, 2010, hinding hindi ko yun makakalimutan. Tama na nga, baka mapaiyak ulit ako…

Tok..tok..tok…

May kumatok sa pinto ng kwarto ni Saisy. Di nga nag kamali si Sai, best friend nga niya ang dumating.

“Oh, Saisy… ok ka lang ba? Bakit absent ka?” umupo sa side ng bed.

“Jen, alam kong darating ka… oo, ok lang ako napagod lang.”

“Dahil ba kahapon?”         

“Luh? Ba’t mo alam? Sinabi ba ni hilaw sayo? Buti naman at alam niyang pinagod niya ako.”  Humiga.

“oo, ammph… actually andito nga siya eh…”

“HAAAAAAAAAAAAAAAAA?????” napabangon bigla.

“oo, sumama sa akin eh, andun sa baba… tinutulungan lola mo sa pagluluto.”

“HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA????”

“ano ba Sai, ha ka lang ba ng ha?? Ano gulat na gulat?? Wag ka nga mataranta.”

“eh, bakit? Bakit siya tumutulong? Saka,,, diba niya alam ayoko siya Makita? Sa lahat ng ginawa niyang pagpapagod sa akin kahapon? Nakakaiinis!!!”

“oo na ang laki na ng kasalanan niya sayo… pero sana naman i-apprreciate mo ang pag punta niya dito at ang pagtulong niya sa lola mo. Big thing na rin yun.”

“Big thing? Heller!!! Di ako mapapakali hanggang sa di ako nakapag higanti sa mga ginawa niya. Pinagbigyan ko siya kahapon… pero sa susunod di na mauulit yun.”

“ayan ka na naman… super bitter mo na naman… eto pala oh, mga na lesson namin kanina.”

Habang nag susulat ng assignment ang dalawa, nakangiti lang si Saisy… mukhang may naiisip na agad na ipaghihiganti ah? Sumapit ang 7pm, lumabas na sila sa kwarto… tumawag na lolo niya dahil mag didinner na. Sabay-sabay nga silang kumain… at walang pansinan sina Saisy at Sam.

Hanggang….

“Napakapoy jud nimo si Sasa gahapon dong.”

[napagod mo ata si Sasa kahapon jiho]

DIARY NG TORPEWhere stories live. Discover now