Format

3.1K 13 5
                                    

Ang pagiging pabebe ay isang napakahirap na gampanin. Kaya naman ito ang unang chapter patungo sa gabay upang maging maging malupet na pabebe. At ito ang una, at importante sa pagiging pabebe, Ang format! Kung magiging pabebe ka, dapat may format ang mga reply mo, sa text o sa chat, sa status o sa post, at sa kahit anong bagay na may kinalaman ang format, kahit sa pagrereformat ng pc pwede 'to. At narito ang tatlong paraan at gabay sa pagiging pabebe.

1. The tuldok tuldok

   Kung magiging pabebe ka, ito ang dapat mong tandaan. Ang tuldok tuldok ay isang simbolo nang pagiging pabebe mo! Pag may tuldok tuldok, ibig sabihin may kasunod. Isa rin itong pahiwatig na meron kang dapat na sasabhin ngunit hindi mo itinuloy dahil sobrang arte mo at sobrang bebe mo para i-type ang mga letra. Recommended number of tuldoks ay, 2 o 3. Pag humigit pa ng tatlo, ewan ko sayo,

2. Short Replies

   Kadalasang nagrereply ang mga pabebe na kagaya ni Bam ng maiikli, gaya ng "Ay", "Ahh", at "Ok". Pero ilan lang yan sa mga pabebe words niya, Ibig sabihin lang nito na kailangan mo ng matinding sapilitan at buwis buhay na pagpapakumbaba para makuha ang loob nya, ngunit sadyang bebeng bebe ang mga pabebe. Kahit anong gawin mong paghingi ng tawad sa bagay na hindi mo ginawa o sa bagay na hindi mo alam na ginawa mo, hindi pa rin matitignag ang isang expert na bebe na kagaya ni Bam.

3. Pagiging magalang

   At syempre papahuli ba ang mga pabebe sa good manners? Dapat kung gusto mong magiging pabebe, dapat may good manners ka! Ang pag gamit ng "Po" at "Opo" ang isang halimbawa ng pagiging sarkastiko ng isang bebe. Halimbawang posibleng reply ay, "Ah ganun po ba?" yan lamang ang isa ngunit marami pa, magiging tunog bebe ang iyong reply kung sasamahan mo ng "Po" at "Opo.

Ilan lamang yan sa mga tips sa pagiging pabebe, abangan nyo ang susunod na part sa gabay ng pagiging pabebe.

Pabebe 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon