Ang paglalagay ng emoticons ay isa ring paraan ng mga bebe upang ipahiwatig nila ang kanilang kabebehan. Isa rin akong bebe at alam ko yun. Emoticons ang tawag ng mga bebe dito, Hindi "Smiley" dahil hindi namin ginagamit ang nakangiting emoticon sa chat. Emoticons ang tawag namin dito dahil sa salitang "Emo" at dahil may emo.. May bebe! Kaya nga. "Emo teh?" Nasan yung "Cons"? Tanungin mo sa nagtitinda ng mais con yelo, saging con yelo, o kahit sa mga nakakaranas ng Constipation.
1. The no ngiti-ngiti rule
No ngiti-ngiti, sad face, tooth face, o habang-tumatae face. Habang tumatae ang isang tao, napapa "Ughh" at "Oummhh" siya, dahilan para magbigay ng isang kakaibang ekspresyon sa mukha ng taong tumatae. Ganyan makipag chat o makipagusap ang mga bebe, laging malungkot! May hard feelings, may galit sa mundo, at may mukhang kagaya ng naudlot na bahing.
2. Broken hearted
Laging broken hearted ang mga bebe, kahit hindi naman nila shota o boyfriend/girlfriend, nagiging broken hearted sila pag hindi nasunod ang gusto nila o hindi sinang ayunan ng kausap. Ang pag gamit ng "</3" ay isang paraan ng mga bebe upang sabihin sa kausap na : "Sige you break my feels na, you didn't liked what I wanted so I'm mad and angry birds na sayo".
3. Ultimate depression
Isa ring kadalasang ginagamit na emoticon ng mga bebe ay ang depressed na emoticon o eto "-__-". Laging kasing depress ang mga bebe sa pagiisip, pagiisip ng mga pwedeng hindi gawin! Oo tama! Pwedeng hindi gawin, yan ang tanong ng mga bebe sa mga kaibigan, "Ano bang pwedeng hindi gawin?" kabaliktaran man ng mga tinatanong ng mga normal na tao, ganto magtanong ang mga bebe, dahil sa sobrang tamad nila, gusto na nilang bawasan ang mga gawain nila, gaya ng paghinga, pagtibok ng puso, at pagkurap, Iniisip nila na bakit kailangan pang maging involuntary movement ang mga yun, pwede nmng pahinga muna sa pagtibok diba? O timeout sa paghinga? Pwede nmng pumikit na lang lagi? Yan ang nakakatamad na tanong ng mga bebe sa kanilang mga sarili.
Next part : Likes
Tatalakayin natin dito kung ano-ano nga ba ang mga gusto ng mga bebe? O.. meron nga ba silang gusto? Alamin :)

BINABASA MO ANG
Pabebe 101
HumorPabebe 101. The ultimate guide to the bebe awesomeness. Gusto mo bang maging bebe? Halina't sundan ang yapak nang isang bebe! Maging tamad at batugan. Ipaglaban ang Kabebehan! Based on a true story.