Magmahal

293 0 1
                                    

Hindi ko pwedeng sabihin na lahat to ginagawa nang mga pabebe. Pero ibabase ko na lang yung mga sasabihin ko dito sa sarili ko. Ano nga ba ang ginagawa ko pag dating sa pagmamahal?

1. Si Bam

Merong isang babae. Na mahal na mahal ko. Mahirap paniwalaan yung sabi lang, pero papatunayan ko. Siya yung babaeng minahal ko nang sobra, as in sobra. Yung sa sobrang sobra, naiisip ko pa lang na mawawala siya naiiyak na ko, minsan umiiyak talaga ko. Mahal ko siya, papakasalan ko siya maniwala man kayo o hindi pero gagawin ko yun. Kahit anong mangyari, kahit anong kapalit, kahit sinong kapalit, kahit gano kasakit. Boom rhyme. Tinetreasure ko siya, higit pa sa buhay ko. Lumang linya pero totoo. Mahal ko siya higit pa sa kahit sino. Luma na rin, pero yung dalawang linyang yun yung makakapagdescribe nang nararamdaman ko para sakanya. Pero isang araw nawala ako, iniwan ko siya, kasi natakot ako. Sakto talaga, sa debut pa nya. Wala na kong Bam. Umiyak ako, maraming beses, sa sobrang dami hindi ko na mabilang. Dahil sakto sa debut nya yung katangahan ko, inisip ko wala na talaga. Wala na yung babaeng kasama ko sa maraming plano ko. Yung kasama ko sa kahit saan ako magpunta kasi nasa loob siya ng puso ko. After 3 months hindi kami nagusap, bilock ko siya sa lahat ng pwedeng iblock, nagkaron ako ng kaMU. Pero after 3 months nalaman ko mahal pa rin nya ko. At ok lang sakanya kahit ginawa ko yun kasi daw mahal nya ko. Nung realize ko kung gano ko kaswerte, seryoso umiyak ako. Kahit alam ko kahit sinong babae hindi gagawin yun. At hindi ko alam kung makakahanap pa ba ko nang ganun. Nung nalaman ko yun sinabi ko talaga sa sarili ko. Nahanap ko na yung babaeng sasamahan ko habangbuhay. Alam ko na siya na, sobrang alam ko talaga na siya na. Mahirap paniwalaan pero bakit ba kayo, ako yung nakakaramdam, at may tiwala ako sa nararamdaman ko. Alam ko siya yung mamahalin ko araw araw habangbuhay kasi siya lang yung Fiance, Baby, Bam, Allaysa, Ulol, Nyan, Prinsesa, Reyna, Buhay, Tagahawak-ng-puso, Bae, at higit sa lahat siya yung babaeng mahal na mahal ko.

So yun lang. Isa lang naman talaga yung ginagawa nang pabebe lalo na ko. Magmahal. Magmahal ng isang Allaysa Lestor.

Pabebe 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon