Valentines

30 1 0
                                    

"Mahal mo ba ko?" Tanong sakin ni pabebe Bam. Sapul! Mismo sa feelings at konsensya. Ang dali sagutin, at dahil madali, sinagot ko : "Oo naman!" Pero alam ko sumagot lang ako para malaman niya, kahit sa salita, kahit bilang sagot nalang sa tanong niya, na oo, mahal ko siya. At totoo yun, walang duda.. Para sakin? Pero para sakanya alam kong halos suntok sa half-moon yung sagot ko. Ang laki kasi ng pinagbago ko, mula sa wattpad hanggang UE, mula QC hanggang taguig, nagbago ako, nagbago ako ng sobrang laki na hindi ko na naisip yung soulmate ko, yung pabebe na nasa libro, yung dahilan kung bakit buo yung puso ko, kung bakit ang ganda ng kulay dilaw at kung bakit nakakakilig ang lasa ng toothpaste. Mahal ko siya at wala namang duda dun. Pero hindi ko naisip na, alam niya kaya? O ramdam niya kaya?

Kaya nung tinanong niya ko, sinampal ng ilang linya ng "Mahal mo ba ko?", nasagot yung tanong ko. Ay. Hindi niya ramdam. Pero ang hirap, ang hirap bumalik sa dating ikaw, ang hirap alamin kung san ba nagsimula yung dating ikaw. Kung bakit ka sweet, kung bakit ka nagii love you nang walang dahilan, kung bakit may mahabang goodnights, at kung pano ko siya napasagot gamit ang dating ako. Hindi ko alam. Kaya nagisip ako, gamit ang utak kong gumana naman kahit papano ngayon.

Dito. Dito nagsimula, mambola ng kung sinu-sino, manchicks, mangharana, at magpacute ng walang kasawa-sawa. Dito nagsimula yung mga galawan kong Hokage. Na.. Ok naman pala! Na dapat ginagawa ko hanggang ngayon. Kaya eto, magiging Hokage ulit ako, pero ngayon, hindi na bola, hindi na para sa isang chick na sexy at malaki ang puso. Dahil ngayon, para na to sa mapapangasawa ko, hindi man ngayon pero alam ko balang araw. Para sa soulmate ko, sa nyan, sa medyo kapitbahay ko, sa kasabay ko pumasok, sa buhay ko, sa babaeng pinakamahal ko, sa pabebe lord, si Bam.

Oo ikaw, si Bam na as in ikaw na nagbabasa neto. Mahal kita, mahal na mahal. At oo sige na, isa kang Dyosa, from the heart. Kahit kailan wag na wag mong iisipin na hindi kita mahal, kasi araw araw, minu-minuto! Lumalala to! Lahat ng kasweetan sa mundo, dapat paambunan ka, hindi! Paulanan! PABAGYUHAN!

Siguro dito ko dapat magsimula, kung san tayo nagsimula. Happy Valentines Day, pabebe Bam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pabebe 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon